|
COCO BURGER |
|
|
COCO KROEPECK |
|
LONGGANISANG WALANG BALAT
Materyales:
· 3/4 kilo giniling na baboy, laman
· 1/4 kilo giniling na taba
· 2 kutsarang asin
· 1 kutsarang tinadtad na bawang
· 5 kutsarang asukal na pula
· 2 kutsarang anisadong alak o gin
· 1/4 kutsaritang prague powder (nabibili sa ITDI)
· 1 kutsaritang paminta
· 1 kutsaritang betsin
· 1 kutsaritang accord powder
· ½ tabletang Bitamina C (ascorbic acid) 500 mg.
Paraan ng Paggawa:
1. Paghalu-haluin ang giniling na baboy at mga sangkap.
2. Ihubog nang pabilog at habang mga 2-3 pulgada.
3. Balutin ang bawat isa sa cut-rite.
4. Itago sa refrigerator nang 2-3 araw.
PAGGAWA NG HAMON NA WALANG BUTO
Materyales:
· 2 kilo ng baboy (kasim o pigi)
Solusyon na Pang-iniksiyon:
· 1 tasang tubig
· 1/3 tasang asin
· 1/4 tasang asukal na puti
· 3 kutsaritang prague powder
· 1 kutsaritang betsin
· 1 kutsaritang cal. ham spice
· ½ tableta ascorbic acid
Solusyon Pang-buro:
· 8 tasang tubig
· 2 tasang asin
· ½ tasang asukal na pula
· 2 kutsaritang prague powder
Paraan ng Paggawa:
1. Lusawin ang asin at asukal sa kumukulong tubig. Palamigin. Salain sa malinis
na katsa.
Idagdag ang betsin at prague powder.
2. Iiniksyon sa iba-ibang bahagi ng baboy.
3. Ibabad sa pamburong solusyon 4-5 araw sa refrigerator.
4. Hugasan, ibabad sa mainit-init na tubig at patuluin.
Pagluluto ng Hamon:
1. Pakuluan ang hamon nang 5 minuto sa hustong tubig.
2. Itapon ang unang kulo. Pakuluin ulit hanggang lumambot. Maingat na tanggalin
ang
balat.
3. Lutuin ang hamon sa ganitong timplada: (sa bawat kilo ng hamon)
3/4 tasang serbesa
2 pirasong klabo
2 pirasong oregano
1 tasang pineapple juice
1 tasang asukal
hustong tubig na matakpan
4. Palibutan ng asukal na pula ang hamon at i-oben hanggang makaramelo ito. O
gamitan
ng mainit na siyanse ang balat upang makaramelo ito.
INSTANT TINUYONG TOKWA
Nakita sa mga pag-aaral na ang balatong ay nagtataglay ng pinakamataas na uri ng
protina,
kung ikokompara sa ibang gulay na buto 40%, walang kolesterol at mababa sa taba
at
calories.Upang sumarap, ang balatong ay ginagawang sarisaring produkto tulad ng
tafu
(soybean, soft cheese), tokwa, tahu, taosi, harina at kropeck. Ang mataas na
taglay na
halumigmig ng mga produktong soybean ay madaling magpapanis dito, at may tagal
lamang ng
1-2 araw. Malaki ang lugi ng may tinda kapag hindi nabili ang tokwa sa maghapon.
Upang
malunasan ang problemang ito, nakagawa ang ITDI ng instant dry tokwa
Paraan ng paggawa:
1. Hugasan at ibabad ang soybean magdamag.
2. Alisin ang mga bulok, hugasan, at ihalo sa tubig, 2 litro bawat kilo ng
balatong at
masahin ito nang pino.
3. Hayaan nang 20 minutos.
4. Salain ang katas sa katsa, at pakuluin nang 10-15 minuto para maalis ang amoy.
5. Palamigin at lagyan ng magnesium sulfate (ayon sa dami ng katas) habang
hinahalo ito.
6. Palamigin hanggang 50°C.
7. Ilagay ang kurtadong sabaw sa mga molde na may sapin na tela; daganan upang
maalis
ang tubig.
8. Alisin sa molde at hiwain sa nais na laki.
9. Ilagay sa freezer nang 7 araw.
10. Paalisin ang lamig at alisin ang tubig.
11. Diinan, tapos tuyuin sa cabinet dryer o sa araw o artificial drier.
12. Ibalot sa plastic na supot.
Kapag iluluto na, ibabad nang 1 oras sa tubig. Alisan ng tubig at itago nang may
takip sa loob
ng 4 na oras. Maaari na itong lutuin.
PAGGAWA NG TOMATO CATSUP
Mga Sangkap:
· 4 litrong kamatis na laman
· ½ kutsaritang cinnamon powder
· 2 tasang suka (4.5% asin)
· ½ kutsaritang paminta (pulbos)
· 4 tasang asukal
· ½ kutsaritang pulbos na klabo
· ½ tasang sibuyas
· ½ kutsaritang paprika
· 5% sodium benzoate
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng hinog na kamatis na pula, hugasan.
2. Banlian nang isang minuto, ilagay samalamig na tubig (para madaling maalis
ang balat).
Alisan ng balat at hatiin nang pahalang.
3. Alisan ng buto, salain ang buto, hiwa-hiwain nang maliit ang laman.
4. Durugin at ihalo ng katas ng buto sa durog na laman.
5. Sa bawat 4 litrong laman, idagdag ang mga sangkap sa itaas.
6. Ilagay sa kaserola at iluto sa mahinang apoy, na walang hinto nang halo upang
hindi
masunog.
7. Ilagay sa mga lalagyang garapon o bote.
8. Ilagay ang mga boteng may laman na, (alisan ng takip) sa kaserola na ang
tubig ay 2/3
taas ng bote, at pakuluan. Tagalan pa nang 45 minuto mula sa pagkulo.
9. Takpan at initin ulit sa kumukulong tubig nang 35 minuto.
KETSUP MULA SA KALABASA
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng magulang na kalabasa. Balatan at alisin ang gitna (may mga buto) at
hiwain
nang 1"x1".
2. Pakuluan ang mga 4 na tasang pira-pirasong kalabasa sa 4 na tasang tubig sa
loob ng
10 minuto.
3. Patuluin ang luto nang kalabasa, masahin.
4. Pakuluin nang 2 minuto. Idagdag lahat ng iba pang sangkap:
3/4 tasang suka
3/4 tasang asukal
3/4 kutsaritang asin
½ kutsaritang cetric acid
1/3 kutsaritang paprika
5. Ihiwalay ang 1/3 kutsaritang klabo at 1/4 kutsaritang sibuyas. Ilagay sa
maliit na supot.
6. Ilagay ang supot sa masa.
7. Idagdag ang isang kurot na sodium benzoate at .1 gm o ½ kurot na gum xanthan.
8. Iluto sa loob ng 30 minuto o hanggang ang lapot ng ketsup ay matamo, sa init
na 50-
60°C.
9. Dagdagan ng kulay pula kung nais.
TOMATO PASTE
Paraan ng Paggawa
1. Pumili ng hinog at sariwang pulang kamatis.
2. Banlian nang 1 hanggang 2 minuto, ilubog sa malamig na tubig upang humiwalay
ang
balat.
3. Balatan at hatiin nang pahalang, alisan ng buto.
4. Ihalo ang katas ng buto sa laman, at pakuluan ito ng 10-15 minuto. Haluin
paminsanminsan.
5. Salain sa magaspang na salaan upang lumusot ang laman ngunit di sumama ang
mga
buto.
6. Ilagay sa kaserola at pakuluan nang mga 15 minuto sa mahinang apoy.
7. Sa bawat kilo ng kamatis na laman, maglagay ng 1 kutsaritang asin.
8. Lutuin hanggang lumapot.
9. Ilagay sa isterilisadong bote o garapon na hindi natatakpan at pakuluan ang
mga ito
nang 45 minuto. Ang taas ng tubig ay hanggang 2/3 lamang ng taas ng bote upang
hindi
ito pumasok sa bote.
10. Sarahang mabuti ang bote at pakuluan ang mga ito nang 35 minuto.
11. Palamigin at itago.
MAALAT NA BANANA CHIP
Mga Materyales:
· saging na saba o cavendish (berde at matigas)
· asin
· langis na panluto
Mga Kagamitan:
· matalim na kutsilyo
· pansala
· lalagyang lusutan (alambre)
· malalim na pirituhan
· mga mangkok
· panghalo
Paraan ng Paggawa:
1. Maghanda ng 2% asin sa tubig (1 kutsaritang asin sang tubig).
2. Hugasan, balatan at hiwa-hiwain ang saging tulad ng minatamis na banana chip.
3. Ibabad ang mga hiwang saging sa tubig na may asin nang 2 oras.
4. Patuluin at ilagay sa patuluang lusutan (wire mesh).
5. Mag-init ng langis (mga 138°C-148°C). Iprito ang saging hanggang maging
kulayginintuan. Haluin paminsan-minsan. Alsahin ang alambreng patuluan.
6. Palamigin at balutin.
PASTILYAS NA SAGING
Mga Kailangan:
· kilo (5 tasa) minasang hinog na saging na saba o cavendish
· 300 gm (2 1/4 tasa) asukal
· mantekilya o margarina
Kasangkapan:
· pangmasa
· kawale
· sangkalan na pagmamasahan
· panggulong na pangmasa (rolling pin)
· pangkayod (spatula)
· kutsilyo
· wax paper
Paraan ng Paggawa:
1. Ihanda ang minasang saging. Pakuluan hanggang maluto ang hinog na saging na
saba o
cavendish.Balatan at linisin ang hilatsa. Hiwain nang mga 3 cm, kapal. Lagyan ng
½ tasa
ng hiwang saging.Ligisin na mabuti hanggang maging masa.
2. Ihalo ang asukal at minasang saging sa kawale at iluto sa mahinang apoy, at
halo nang
halo hanggang sa ito ay maging malinaw at malapot na masa, na hindi dumidikit sa
kawale.
3. Isalin sa malapad na sangkalan, na may wax paper na may budbud na kaunting
asukal.
Padaanan ng rolling pin ang masa hanggang maging 1 pulgada ang kapal. Lagyan ng
mantekilya ang ibabaw at budburan ng asukal.Hiwa-hiwain ng mga 4x1 cm. Palamigin
at
baluting isa-isa sa pambalot ng candy.(Maaari ding ihalo ang mantekilya sa
malapot na
masa sa kawale bago ito hanguin)
PAGGAWA NG ITLOG NA MAALAT
Pamamaraan:
1. Maghanda ng pinakuluang asin. Magpakulo ng tubig at dagdagan nang dagdagan
ito ng
asin, hanggang sa ayaw nang matunaw ang asin. Palamigin.
2. Mag-ayos ng itlog sa isang lalagyang maluwang ang bibig. Buhusan ito ng
pinakuluang
asin.
3. Lagyan ng pabigat sa ibabaw ang mga itlog (tulad ng maliit na plato) upang
hindi sila
maglutangan.
4. Takpan ng malinis na katsa ang lalagyan.
5. Itabi ito sa tuyo at malamig na lugar.
6. Pagkalipas ng mga 12 araw, maglaga ng isang itlog upang masubukan kung maalat
na.
Kung hindi pa, patagalin pa ang iba nang isa pang linggo.
ITLOG NA BURO
1. Pakuluan ang itlog nang mga 10 minuto (itlog ng manok) para tumigas.
2. Pagkaluto, ilagay agad sa umaagos na tubig (upang madaling maalis ang balat).
3. Alisan ng balat at (duck eggs) ilagay sa garapong lalagyan.
4. Lagyan ng timplado ng matapang na pamburo (maliban sa buo-buong paminta)
samahan
ng siling pula at bawang.
5. Takpan at itabi. Maaari nang isilbi pagkalipas ng isang linggo.
KALAMANSI CONCENTRATE
Mga Sangkap:
· 70 pirasong kalamansi (katamtaman ang laki)
· asukal (kung nanaisin)
· "sodium benzoate"
Mga Kagamitan
· kutsilyo
· bote (8 Oz.)
· mangkok
· sangkalan
· kutsarang sukatan
· katsa
· tasang sukatan
· kaserola/lutuan
· sandok salaan
· kalan
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan mabuti ang prutas sa tubig.
2. Hatiin pahalang na malapit sa tangkay ng prutas.
3. Pigain ang kalamansi.
4. Salain ang katas ng kalamansi sa katsa o sa pinong salaan.
5. Dagdagan ng asukal kung kinakailangan. Ang dami ng asukal ay naaayon sa
panlasa.
6. Sa bawat 4 1/4 tasang katas, magdagdag ng 1/4-1/3 kutsaritang sodium benzoate
na
tinunaw muna sa kaunting tubig.
7. Initin sa kaserola hanggang umabot sa 75°C o hanggang malapit ng
kumulo.Panatilihin
na ganoong temperatura sa loob ng 5 minuto habang patuloy na hinahalo.
8. Ibuhos habang mainit sa pinakuluang bote.
9. Sarhan ang bote.
10. Pakuluan ng 20 minuto.
11. Sarhang mabuti at palamigin ng nakabaligtad.
12. Punasan at itago sa malamig at madiin na lugar.
BANANA PEANUT MIX
Ang saging ay karaniwang prutas sa tropiko at mabuting pagkukunan ng enerhiya.
Ang mani ay
mabuting kutkutin, bata man o matanda, na nagbibigay ng protina at taba. Kapag
pinaghalo ang
dalawang ito, mataas na kalori at mataas na protina ang dulot,lalo na sa mga
lumalaking mga
bata.
Mga Materyales:
· 20 pirasong hilaw na saging na saba
· 3/4 kilo hilaw na mani
· 2 3/4 + 6 kutsaritang asukal na pula
· 1 1/4 tasa tubig
Mga Kagamitan:
· kutsilyo
· sangkalan
· panggiling ng mani
· trey na aluminyo
· lutuang palayok
· kawale
Paraan ng Paggawa:
A.
1. Iluto sa saging, balatan at hiwain nang manipis.
2. Ibilad sa araw hanggang lumutong; gilingin (sa gilingan ng mani).Itabi muna
sa tuyong
lalagyan.
3. Isangag ang mani sa banayad na apoy, sa 15-20 minuto. Palamigin at balatan.
4. Gilingin nang pino sa gilingan. Itabi sa tuyo at malinis na lalagyan.
B.
1. Maghalo ng 1/3 tasa ng pinulbos na saging at 1/3 tasang durog na mani.
2. Lagyan ng 1/3 tasang asukal na pula.
3. Pakuluan sa 1 1/4 tasang tubig 3-5 minuto. Haluin para hindi masunog. Ihain
nang
mainit.
(1 tasa = 320 gms.)Sa bawat 100 gramo ng pinagsamang saging na pulbos at durog
na mani ay
nagbibigay ng:
enerhiya - 26.1 gm.
protina - 14.7 gm.
taba - 507 kalori
Ang isang tasa't kalahati ng nilugaw na ito ay magbibigay sa bata(1-6 edad) ng
20% enerhiya at
17% protina na kailangan niya sa kanyang paglaki.
(CRISPY) MALUTONG NA DILIS
Mga Kailangang Materyales:
· tuyong (anchovy)
· dilis (tustado)
· pula ng itlog
· asin
· mantika (langis)
· paminta at katas ng siling labuyo
· gawgaw ng mais (corn starch)
Paraan ng Paggawa:
1. Sa bawat kilo ng tuyong dilis (anchovy) magbati ng 6 na pula ng itlog.
2. Lagyan ng hustong panlasang asin, paminta at katas ng siling labuyo.
3. Ilagay ang tustadong dilis sa timpladang ito at pagulungin sa corn starch.
4. Iprito nang lutang sa mantika nang mga ilang segundo.
5. Palamigin, ilagay sa mga plastik na balutan o ihain.
PINATUYONG DUGO NG BAKA
Ang tinuyo (at pinulbos) na dugong baka ay may taglay na 80-82% protina, at
tumatagal nang 5
buwan kung nakapakete sa plastik na supot. Maaari pa itong dagdagan ng mga
bitamina kung
nais. Naisasama ang tinuyong dugo sa mga lutuin at paggawa ng mga biskwit at
pagkaing
kutkutin.
Materyales:
· dugo ng baka
Kagamitan:
· lalagyan
· gilingan o pulbusan
· mga trey na aluminyo
Paraan ng Paggawa: (2 paraan)
A.
1. Ipunin ang dugo ng baka sa malinis na malinis na paraan at mga lalagyan.
2. Pasingawin ito nang 20 minuto.
3. Gilingin sa gilingan ng karne.
4. Tuyuin sa mga trey na aluminyo sa 60° C hanggang tuyung-tuyo.
5. Pulbusin, at itago na pulbos.
B.
1. Gilingin ang dugo.
2. Tuyuin sa mga trey na aluminyo, na may latag na (nakakain na wax, edible wax)
upang
hindi dumikit sa init na 60° C nang 2 oras, tapos sa 55° C hanggang matuyo nang
husto.
3. Gilingin at pulbusin. Itago na pulbos.
PAGGAWA NG TAOSI
Materyales:
· balatong
· tustadong harina
· asin
· tubig
· darak amag (aspergillus cryzae)
Kagamitan:
· lutuan
· garapon na paaamagan
· bistay
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan nang maraming beses ang balatong at ibabad magdamag.
2. Hugasan at patuluin.
3. Pakuluan hanggang lumambot (mapipisa sa daliri).
4. Patuluin at palamigin sa bistay.
5. Ibilad sa araw nang kalahating oras o sa lilim nang isang oras.
6. Budburan ng tustadong harina. Haluing mabuti.
7. Lagyan ng 3-araw na amag ng darak (aspergillus cryzae) at haluing mabuti.
8. Ilatag nang mga 1-2 pulgadang kapal. Takpan ng katsa o malinis na manila
paper.
9. Hayaan sa loob ng 3-4 araw sa malinis na lugar hanggang matakpan lahat ng
amag.
10. Isalin ang mga balatong na may amag sa garapon na may asin at tubig, takpan.
PINABUTING TOYO
Ang toyo ay mula sa katas ng pinaasim na halo ng balatong at tustadong harina.
May taglay itong
7% protina. Bagamat maraming paraan ang paggawa ng toyo, ang pangkalahatang
paraan ay
gumagamit ng panimula (starter), masa (o niligis)na balatong, pagpapapanis, at
paglalagay ng
pampalasa sa tapos nang produkto .Ang karaniwang ginagamit ngayon sa paggawa ng
toyo ay
ang nilalahok na microorganism sa pagpa- papanis nito. Ngunit kung alin ang
dapat inuuna sa
paglalahok nito sa masa ng balatong upang makapagpapanis ay hindi pa matiyak.
Sa pamamaraang ito, ang maagang paglalahok ng lebadura (paalsa), sinundan ng
amag at acid
bacteria ay napapalabas ng masarap na toyo, na hindi nahuhuli sa mga nabibiling
toyo ngayon.
Ang mga inihahalo sa lebadura, bacteria at amag (mold) ay maaaring mabili sa
ITDI, sangay ng
Department of Science and Technology (DOST) sa Pedro Gil, Taft, Manila o sa
Natural Science
Research Institute, U.P. Diliman, Quezon City.
Materyales:
· Balatong (soybeans) bacteria (Lactobacillus delbrueckii)
· asin sa tubig 20-22% paalsa (Hansenula subpellicullosa yeast)
· asukal na pula harina, tubig
· betsin kaolin
· pulot (na tubo) sodium benzoate
· amag (Aspergillus Oryzae)
Kagamitan:
· kawale lalagyang pagpapanisan
· bistay pressure cooker
· imbudo kaserola na pang banyo marya
· panghalo pansala (stainless)
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad ang mga beans nang magdamag, pagkatapos ay hugasan at patuluin.
2. Ipressure cook ang beans sa tubig nang isang oras sa 15 psi. Palamigin.
3. Ilatag sa trey o bistay at lagyan ng paalsa (yeast). Haluing mabuti at takpan
ng katsa.
Hayaan nang mga 24 na oras.
4. Lagyan ng tustadong harina at amag at bacteria starter. Haluing mabuti at
itabi sa init na
30-40° C nang 24 na oras.
5. Isalin sa mga lalagyang pagpapanisan na may halong 20-22% asin sa tubig.
Takpan ng
makapal na plastik. Ang pamamanis ay hayaan nang mga 3 buwan.
6. Pagkatapos ng 3 buwan, lagyan ng kaolin sa magdamag at salain.
7. Ibanyo marya (pasteurize) sa 80-85° C nang ½ oras. Dagdagan ng kinaramelong
(sunog)
asukal na pula upang bumuti pa ang lasa, lapot at kulay.
8. Lagyan ng sodium benzoate upang mapreserba.
9. Ilagay sa mga bote.
PAGBUBURO NG ISDA
Materyales:
· Isda (dalag o hito) -- 1 kilo
· 3 1/3 tasang bigas
· 6 2/3 tasang tubig
· 2/3 tasang asin
Kagamitan:
· Buruhang kamao o lalagyan
Paraan ng Paggawa:
1. Kaliskisan ang isda. Hiwain mula sa ulo hanggang buntot.
2. Alisan ng hasang, lamanloob, at dugo. Hugasang mabuti at patuluin, asinan at
takpan
para hindi malangawan. Itabi nang ganito mga 2 oras.
3. Isaing ang bigas at pagkaluto ay haluan ng angkak.
4. Magtabi ng inasnang isda na may asin, kanin at angkak sa garapon o lalagyan.
Takpan
upang hindi mahanginan. Hayaan mapanis hanggang maging rosas ang kulay.
5. Pagluluto: Igisa sa bawang at sibuyas. Ang laman ng isda ay malambot at ang
dating
matitigas na tinik ay lalambot pagkaluto nito.
PAGTUTUYO NG ISDA
Materyales:
· sariwang isda
· magaspang na asin
Kagamitan:
· patuunan/o solar drier
· mga palanggana
· kutsilyo
Paraan ng Paggawa:
1. Hiwain sa likod ang sariwang isda at linising mabuti, alisan ng bituka, dugo
at hasang
(kung maliit ang isda ay hindi na kailangang hiwain).
2. Ibabad ang isda sa 10% asin sa tubig nang kalahating oras para maalis ang
dugo (isang
tasang asin sa 10 tasang tubig).
3. Ibabad sa 33% asin at tubig nang 3-6 na oras (1 bahaging asin sa 3 bahaging
tubig).
4. Patuluin sa patuluan at ayusin ang salansan sa patuyuang trey.
5. Ibilad sa araw o patuyuan (65-70° C init).
6. Palamigin at itago sa plastik na supot kung tuyo na.
PAGGAWA NG CHICHARON
Sa bawat kilo ng balat ng baboy, magtimpla ng:
· 1 kutsarang asin
· 4 kutsarang suka
· betsin at paminta
1. Pakuluan dito ang balat sa hustong tubig lang na makapagpapalambot.
2. Pagkaluto, palamigin at kayasin ang taba.
3. Hiwain sa laking nais.
4. Ibilad sa araw hanggang tumigas.
5. Iprito nang lubog sa kumukulong mantika (mga 370° F).
6. Patuluin at ihain (o ibalot sa plastik na supot).
GATAS NA KONDENSADA MULA SA GATA NG NIYOG
Materyales:
· kinudkod na niyog
· asukal na puti
· 1/4 bar gulaman
Kasangkapan:
· katsa
· panukat na tasa
· lalagyan plastik
· haluan (tason o palanggana)
· panukat na kutsara
· panghalong kahoy (spatula)
· pangbanyo marya (double boiler)
Paraan ng Paggawa:
Katasin ang niyog. Ibukod ang unang gata sa ikalawa o susunod na katas.
1. Sa 1 parteng pangalawang gata -- lagyan ng 1½ parteng asukal.
Ang susunod na katas ay isasama sa unang gata upang magawa ang langis (kung
nais).
2. Lutuin ang hinalong pangalawang gata at asukal sa double boiler, na walang
hinto ang
paghalo.
3. Upang lumapot, lagyan ng 1/4 bar ng gulaman.
4. Pagkaluto ay palamigin at itago sa lalagyan o garapon na isterilisado.
ISDANG QUEKIAM
Materyales:
· isda na inalisan ng tinik (fillet) at tinadtad (o hinimay)
· ½ tasang tinadtad na lutong hipon (wala nang balat)
· ½ tasang tinadtad na sibuyas
· ½ tasang tinadtad na sinkamas (maliliit na kudrado)
· ½-3/4 kutsarang asing pino
· 1½ kutsaritang puting paminta (durog)
· 3 kutsarang gawgaw na mais (corn starch)
· mantika
Paraan ng Paggawa:
1. Patuyuin ang mga lata (C-enameled type 307x201.25) sa pamamagitan ng
pag-iinit sa
pasingaw na mga 82° C nang 20 minuto.
2. Hagurin ng langis o mantika ang mga lata.
3. Paghalu-haluin ang mga sangkap at ilagay sa mga lata na tinuyo at hinaguran
ng
mantika.
4. Takpan ang mga lata at i-pressure cook sa 15 psig. at 250° F sa loob ng 45
minuto.
Palamigin at tuyuin.
5. Kung nais gawing kalaso quekiam, balutin sa "taope" (mga 3 cm x 14 cm) at
iprito
hanggang maging kulay "golden brown."
6. Ihain na may toyo at kalamansi.
COCO BURGER
Materyales:
· 2 tasang sapal ng niyog
· 2 kutsaritang corn starch
· 1/4 tasang harina
· 1/4 kutsaritang vetsin
· 1 kutsaritang asin
· 1/4 kutsaritang paminta
· 5 kutsaritang toyo
· 1/4 tasang sibuyas (tadtad)
· 1 itlog
Paraan ng Paggawa:
1. Pasingawan ang sapal nang 10-15 minuto.
2. Paghalu-haluin lahat ng sangkap at gumawa ng pinipi na bola-bola (patties).
3. Iprito sa mainit na mantika.
SAWSAWANG SAGING
Materyales:
· saging na saba (hinog) -- 1 kilo
· suka -- ½ litro
· tubig -- 3 3/4 litro
· asin -- 100 gramo
· asukal -- 1 kilo
· malaking sili (pula o berde) 2 piraso
· siling labuyo -- 15-20 piraso
· pinulbos na sili -- 2 kutsarita
· sibuyas -- 1 bilog (tinadtad)
· bawang -- 1 piraso (tinadtad)
· pulang ketsup -- 1 kutsarita
· klavo -- 1/8 kutsarita
· paprika -- 1/8 kutsarita
· cinnamon -- 1/8 kutsarita
· sodium benzoate -- .08-1%
Pang Kulay:
· chocolate brown -- ½ kutsarita
· strawberry red -- 1/4 kutsarita
Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang saging at tadtarin.
2. Ligisin ang saging sa tubig, sili, tinadtad na sibuyas at bawang.
3. Ihalo na ang ibang sangkap maliban sa pangkulay at sodium benzoate.
4. Iluto hanggang lumapot. Halo nang halo.
5. Idagdag ang sodium benzoate (at pangkulay kung gusto).
6. Ibote hanggang mainit. Sarhan.
COCO KROEPECK
Materyales:
· 2 tasang harinang bigas
· ½ tasang sapal ng niyog
· ½ kutsarang asin
· 3 tasang tubig
· 1/8 kutsaritang vetsin
Paraan ng Paggawa:
1. Pasingawan ang sapal nang 10-15 minuto.
2. Paghalu-haluin lahat ng sangkap.
3. Isalin sa minantikang trey (aluminum)
4. Tuyuin sa dryer sa 60-65° C o sa init ng araw.
5. Alisin sa trey at itago sa mga supot na plastik.
6. Iprito nang lubog sa mainit na mantika.
PAGGAWA NG SUKA ( MULA SA SABAW NG NIYOG )
Materyales:
· sabaw ng niyog -- 3 litro
· asukal na puti -- 2 1/4 tasa
· paalsa (yeast) -- 1/4 kutsarita
· pangsimulang suka (starter) -- 1 litro
Paraan ng Paggawa:
1. Salain ang sabaw ng niyog sa katsang malinis.
2. Tunawin sa sabaw ng niyog ang asukal.
3. Ibanyo marya (65° C) nang 20 minuto o pakuluin nang 5 minuto.
4. Palamigin at isalin sa isterilisadong galon o lalagyan.
5. Ilagay ang paalsa. Tapunan ng bulak o takpan ng malinis na papel at gomahan.
6. Hayaan nang 4-7 araw.
7. Unti-unting isalin sa pakuluan. Ibanyo marya nang 20 minuto (65° C).
8. Idagdag ang panimulang suka (starter).
9. Hayaang mangasim sa loob ng isang buwan.
PAGGAWA NG PINABILIS NA BAGOONG AT PATIS
Ang pagbabagoong ay karaniwang tumatagal nang 12-18 buwan. Ngunit sa paraang
ginagawa
sa paggamit ng KOJI na isinasagawa sa ITDI, ito'y napadadali sa loob nang mula
sa 2-5 linggo,
at mga 2 buwan pa kung nais na sumarap ang amoy nito. Ang KOJI ay nabibili sa
ITDI at
maaaring tumagal nang 6 na buwan sa refrigerator.
Materyales:
· isda -- 37.5 kilo
· asin -- 12.5 kilo
· koji -- 1 kilo
· sodium benzoate -- 0.01% ng buong dami
Paraan ng Paggawa:
1. Timbangin ang isda at asin. Ilagay ang koji.
2. Paghalu-haluing mabuti ang mga sangkap at ihalo nang pantay ang koji.
3. Isalin sa malinis at tuyong lalagyan tulad ng tapayan, kahoy na tangke
osementong
tangke at hayaang mangasim (ferment) sa loob ng 10 hanggang 15 araw. Buruhin pa
ito
ng 2-3 buwan. Papaibabaw dito ang patis. Hanguin at salain. Ang unang katas nito
ay
patis puro na nagtataglay ng 12-14% protina. Ang mga ikalawa o ikatlong paghango
ng
patis ay ipinagbibili na patis espesyal. Ang ika 4, 5 at susunod pang paghango
ay mga
patis regular.
NATA DE KALABASA
Materyales:
· pinagbalatan at ubod ng kalabasa
· asukal
· glacial acetic acid
· ammonium sulfate
· pansimula ng nata (panimula o starter, nabibili sa ITDI)
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang mga pinagbalatan at ubod ng kalabasa. Maglagay ng 3 bahagi ng
tubig sa
bawat bahagi ng kalabasa.
2. Pakuluin nang 3 minuto.
3. Salain.
Sa bawat 4 na tasang sinalang sabaw ng pinagkuluan, lagyan ng 2/3 tasang asukal
at 1
1/4 na kutsaritang ammonium sulfate.
4. Initin nang 15 minuto, palamigin.
Lagyan ng 1 1/4 na kutsaritang acetic acid at 2/3 tasang panimulang nata sa
bawat 4 na
tasang kalabasang sinala.
5. Ilagay sa malinis na garapon. Takpan ng malinis na papel at gomahan. Patubuin
nang
10-15 araw.
6. Hanguin ang nata; hiwa-hiwain nang maliliit at pakuluan sa tubig nang ilang
beses
hanggang maalis ang asim.
7. Sa bawat kilo ng nata, pakuluan sa isang kilong asukal.
NATA DE COCO (MULA SA SABAW NG NIYOG)
Materyales:
· sabaw ng niyog
· asukal na puti
· monobasic
· ammonium phosphate*
· glacial acetic acid*
· panimula (starter)**
Kagamitan:
· sukatan o timbangan
· garapon na maluwang ang bibig
· panala
· kaserola
Paraan ng Paggawa:
1. Salain sa katsa ang sabaw ng niyog.
2. Sa bawat litro ng sabaw, lagyan ng 100 gramong asukal at limang (5) gramong
monobasic ammonium phosphate.
3. Pakuluan. Pagkalamig, lagyan ng 6-9 cc glacial acetic acid at 110-150 cc
starter. Haluin.
4. Isalin sa mga garapon (na maluwang ang bibig) na mga 2 pulgada ang taas sa
bawat
garapon. Takpan ng malinis na papel (bond paper o Manila paper) at gomahan.
5. Hayaang tumubo ang nata sa loob ng 15 araw. Huwag aalugin ang garapon. Ilagay
sa
lugar na hindi nagagalaw habang pinatutubo ang nata.
6. Pagkahango sa garapon. Hiwa-hiwain nang maliliit ang nata at ibabad sa tubig,
o kaya ay
pakuluan nang ilang beses hanggang maalis ang asim. Ang naiwang sabaw ay
panibagong starter muli.
7. Sa bawat kilo ng nata, husto na ang isang kilong asukal na puti. Pakuluan ang
nata
hanggang ito ay maging malinaw at malutong.
--------------
* Nabibili sa mga botika
** Nabibili sa ITDI
NATA DE COCO (MULA SA GATA NG NIYOG)
Materyales:
· kinudkod na niyog -- 1 kilo
· asukal na puti -- 600 gramo
· glacial acetic acid -- 325 cc (nabibili sa botika)
· sabaw ng niyog -- ½ litro
· tubig sa gripo -- 12 litro
· panimula ng nata (starter) -- 2 litro (nabibili sa ITDI)
Paraan ng Paggawa:
1. Gatain ang niyog, salain sa katsa.
2. Paghalu-haluin ang mga sangkap.
3. Isalin sa mga malilinis na garapon nang mga 2-3 pulgada ang taas ng buhos.
4. Takpan ang mga garapon ng malinis na papel o katsa, gomahan ang bibig ng
garapon.
5. Itabi sa lugar na hindi magalaw at hayaang tumubo ang nata sa loob ng 12-14
araw.
6. Sa paghango, ingatan na hindi madumihan ang sabaw sa ilalim (na siyang
maaaring
gamitin sa starter sa panibagong pagpapatubo).
7. Hiwa-hiwain ang nata nang maliliit, ibabad sa tubig kung hindi pa lulutuin.
8. Pakuluan nang ilang beses hanggang maalis ang asim.
9. Iluto sa asukal sa daming 1-1½ kilo sa bawat kilo ng nata. Luto na ito kapag
malinaw na
at malutong.
KESO AT LANGIS NA PANLUTO MULA SA NIYOG
Paraan ng Paggawa:
1. Timbangin ang kinudkod na niyog.
2. Katasin sa pamamagitan ng katsa at itabi.
3. Sa ikalawang pagkatas, maglagay ng isang (1) litrong tubig sa bawat kilo ng
kinudkod na
niyog.
4. Ulitin ang pagkatas pero 1/4 na lang na tubig sa dating inilagay.
5. Pagsamahin ang ika-2 at ika-3 katas, salain sa katsa, sukatin at itabi muna.
6. Ihanda ang saturated salt solution:
37 gramong asin sa bawat 100 ml tubig (o kaya) 2 tasang asin sa bawat litro ng
tubig.
Salain.
7. Isama ang saturated salt solution sa pinagsamang ika-2 at ika-3 katas,
haluing mabuti
nang 15 minuto.
8. Isalin sa maliwanag na lalagyang may gripo o labasan sa ilalim. Hayaang
maghiwalay
ang gata at tubig nang kalahating oras.
9. Alisin ang nasa ilalim, kunin ang gata at ulitin ang paghuhugas sa salt
solution: sa
pagpapalit ng ganoon ding dami ng tubig at salt solution tulad noong una (no.
7). Itabi
ang mga inihiwalay na pinaghugasan ng gata (salt washings).
10. Lagyan ng tubig ang gata (na nahugasan sa asin) 1 parteng tubig sa 3 parteng
gata at
haluing mabuti (o alugin) nang mga 15 minuto.
11. Hayaan sa kalahating oras o hanggang maghiwalay ang gata sa tubig. Alisin
ang gata at
ulitin ang paghuhugas sa tubig.
12. Initin ang gatang "hinugasan" hanggang ang latik nito ay magkulay brown.
13. Salain, initin muli hanggang matamo ang malinaw na langis.
Keso Mula sa Gata ng Niyog
1. Ipunin ang "pinaghugasang" maalat na tubig (salt washing) na ginamit sa
paggawa ng
langis na panluto.
2. Hayaang mamuo ang "keso" sa pag-iinit ng mga salt washing.
3. Tuyuin ang keso sa pamamagitan ng pagsala dito sa katsa.
4. Balutin sa plastik at ilagay sa refrigerator.
Ang protinang taglay ng keso mula sa gata ng niyog ay 33.19%. Maaaring tumagal
ito
nang 6-7 araw kung nasa
PAGTUTUYO NG GULAY
May panahon na saganang-sagana tayo sa mga gulay, at murang-mura ang mga ito.
Ngunit
dumarating din naman ang panahon na salat na sa gulay at ang halaga ng mga ito
ay tumataas
na parang "imported," lalo na kung tagbagyo o nagkaroon ng sakuna o gulo sa
pinanggagalingan
nito.
Magiging mabuti kung sa panahon ng kasaganaan ay makapag-imbak tayo ng ilang mga
gulay
upang sa panahon ng kasalatan ay mayroon tayong mailuto, na hindi naman gaanong
nababawasan ang sustansiya nito. Narito ang ilang mga paraan:
Pagtutuyo ng Karot
Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang sariwang karot.
2. Hiwa-hiwain nang maliliit na parisukat (cubes) sa nais na laki.
3. Pasingawan nang mga limang (5) minuto.
4. Patuyuin sa "forced airdraft oven" sa init na 60° C hanggang matuyo nang
husto.
Tuyo na ito kapag makunat na at parang balat.
Pagtutuyo ng Sitaw
Paraan ng Paggawa:
1. Putol-putulin sa nais na haba ang sitaw.
2. Pasingawan ang limang (5) minuto.
3. Patuyuin sa "forced airdraft oven" sa init na 60° C.
Tuyo na ito kapag malutong na.
PAGBUBURO NG GULAY
Materyales:
· carrot
· sigarilyas
· asin
· cauliflower
· papayang hilaw
· tawas
· ampalaya
· siling pula
· asukal
· sinkamas
· siling berde
· katsa
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang mga gulay. Balatan at hiwain sa nais na laki.
2. Patuluin at ilagay sa mga garapon na isterilisado.
3. Magpakulo ng apat (4) na tasang tubig at 1/3 tasang asin. Palamigin at salain
sa malinis
na katsa.
4. Lagyan ng 1/4 na kutsaritang tawas at ibuhos sa garapon ng gulay. Takpan at
itabi.
5. Sa bawat 4 na tasang tubig at 1/3 tasang asin, lagyan ng 2½ kutsaritang asin
araw-araw
sa loob ng apat na araw.
6. Hugasan ang gulay pagkalipas ng apat na araw para mabawasan ang alat, at
ilagay uli
sa garapon.
7. Maghanda ng sweet-n-sour solusyon:
-- sa bawat isang tasang tubig -- maglagayyy ng 3 tasang suka at 2/3 tasang asukal
na puti.
8. Palamigin, salain, at ibuhos sa garapon ng gulay, takpan.
9. Sa bawat 4 na tasang solusyon lagyan ng 5 kutsarang asukal araw-araw sa loob
ng 3
araw.
10. Isalin ang gulay sa garapon na iisterilisahin.
11. Pakuluin ang sweet-n-sour solusyon at salain, ibuhos sa garapon. Sarhan nang
bahagya
para paalisin ang hangin.
12. Sarhan at isterilisahin nang 10 minuto.
JUBILEE CHEESE
(Isang uri ng malambot na keso mula sa gatas ng kambing)
Materyales:
· 5 litrong gatas ng kambing
· 125 gramong asin
· 30 cc DTRI-IFS-6 (pampabuo)
· 1 gramong nutmeg powder
Mga Kagamitan:
· kawale (5 litro ang lulan)
· panghalo, kutsilyo, sandok
· palanggana, thermometer
· katsa, trey na butas-butas
· dahon ng saging o plastik
· panala na nylon
· kalan
Paraan ng Paggawa:
1. Salain ang gatas ng nylon, ilagay sa kawale.
2. Lagyan ng asin, haluing mabuti.
3. Initin sa mahinang apoy (75° C) at haluin nang marahan.
4. Kapag umaaso na, palamigin sa 38° C sa pamamagitan ng paglalagay nito sa
lalagyan
na ipapatong sa tubig (sa gripo).
5. Ilagay ang pampabuo (milk coagulant) at haluin nang mga isang minuto. Takpan
at itabi
nang mga 30-40 minuto.
6. Hiwa-hiwain ang namuong gatas nang 1 sq. inch laki.
7. Alisan ng katas nang hindi ginagambala ang namuong gatas (sa pamamagitan ng
sandok o kutsara).
Bahagyang haluin ang namuong gatas upang mapadali ang pagkatas nito, at alisan
nang
alisan ng katas hanggang makaipon ng mga dalawa't kalahating (2½) litro.
8. Lagyan ng isang gramong nutmeg powder.
9. Salukin ang kurtadong gatas sa butas-butas na trey na may sapin na katsa.
Pantayin ang
kapal ng kurtadong gatas at takpan ng katsa.
10. Hayaang matuyuan ng katas sa loob ng isang oras.
11. Hiwain ang nakurtang gatas (geso) sa nais na laki. Maaaring balutin ito sa
dahon ng
saging o sa plastik.
12. Lalabasan ng 1.3 kilong keso ang limang litrong gatas ng kambing.
HARINA AT SUKA MULA SA KALABASA
Paaan ng Paggawa:
1. Hugasan at balatan ang kalabasa, alisin ang ubod at buto.
2. Hiwa-hiwain nang 1 x 1 cm.
3. Ibabad sa .01% sodium metabisulfite upang mapreserba ang taglay na pagkaing
materyal nito.
4. Hugasan sa umaagos na tubig, patuluin.
5. Banlian nang mga 15 minuto, patuluin.
6. Tuyuin sa init (oven) na 50-55° C.
7. Gilingin at salain nang ilang beses. Itago sa plastik na supot o lalagyang
mahigpit ang
takip.
Suka mula sa Kalabasa
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang ubod ng kalabasa at pinagtalupan, lagyan ng tatlong (3) bahagi ng
tubig
ang bawat bahagi ng balat at ubod.
2. Pakuluin nang 15 minuto.
3. Salain. Lagyan ng 1 1/4 na tasang asukal sa bawat apat (4) na tasang sinala
na
pinagkuluan.
4. Pakuluan muli nang 20 minuto. Isalin sa lalagyan at lagyan ng isang
kutsaritang yeast.
5. Hayaang mangasim sa loob ng pitong (7) araw hanggang ang alkohol na taglay
nito ay
mga 8%.
6. Isalin nang maingat ang katas na mag-alkohol sa ibang lalagyan para hindi
mahalo ang
latak.
7. Maglagay ng isang tasang panimulang (starter) suka sa bawat apat (4) na
tasang
solusyon na pinaasim.
8. Itabi nang 15-20 araw. Mas maasim ito kaysa karaniwang komersiyal na suka na
4%
lamang ang asim. Ito ay 6% hanggang 7% ang asim.
CORNED BEEF
Materyales:
· 1 kilo karneng baka (punta'y pecho, tadyang, tapadera, kamto o paypay)
· 2 kutsarang asin
· ½ kutsaritang betsin
· 1/4 kutsaritang prague powder
· 1 kutsaritang asukal
· ½ tabletang ascorbic acid (500 mg.)
Kagamitan:
· kutsilyo
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang karne.
2. Hiwa-hiwain nang mga 1 pulgada kuwadrado.
3. Paghalu-haluin ang asin, betsin, prague powder at asukal.
4. Ihalo ito sa hiwahiwa na karne.
5. Itabi sa lalagyang may takip at itago sa refrigerator nang mga 3-4 na araw.
6. Hugasan ang karne, dagdagan ng tubig na 1/3 dami niya at pakuluan nang 20
minuto.
Alisan ng mga bula.
7. Pakuluan pa hanggang lumambot. Kung sa pressure cooker, iluto ito sa 10 lbs.
pressure
nang 30 minuto.
8. Patuluin at palamigin.
9. Himaymayin ng tinidor. Maaari nang ihain.
Kung Nais Patagalin:
1. Ilagay sa garapon o lata kasama ang sabaw hanggang 1/4 na pulgada mula sa
takip.
2. Alisan ng hangin sa pamamagitan ng pagpapakulo dito na ang takip ay bahagyang
sarado.
3. Sarhang mabuti. Ilagay sa pressure cooker sa 10 lbs. pressure nang 40 minuto.
4. Palamigin mag-isa.
PAGGAWA NG TOSINO
Materyales:
· 1 kilong baboy (kasim o pigi)
· 2 kutsarang asin
· 5 kutsarang asukal
· 1 kutsarang rhum o gin
· 1/4 kutsaritang Prague Powder*
· 1 kutsaritang betsin
· ½ taletang Ascorbic Acid 500 mg.
Paraan ng Paggawa:
1. Hiwa-hiwain ang baboy nang mga 1/4 pulgada ang kapal.
2. Kuskusin ng pinagsama-samang sangkap ang magkabilang panig ng baboy.
3. Haluing mabuti lahat para maging pantay ang pahid.
4. Itabi nang 24 na oras sa temperature ng silid o sa refrigerator nang tatlong
araw.
5. Kung nais patagalin, ibilad sa araw.
*Nabibili sa ITDI
MANGO-TOMATO JAM
Materyales:
· manggang hinog
· kamatis na hinog
· asukal
Paraan ng Paggawa:
1. Hiwain at kutsarahin ang laman ng mangga.
2. Banlian ang kamatis at alisan ng balat at buto, tadtarin nang pino.
3. Pagsamahin ang dinurog na kamatis at mangga.
4. Lagyan ng 1½ tasang asukal sa bawat 2 tasang mangga't kamatis.
5. Pakuluan, haluin lagi upang hindi masunog.
6. Isalin sa isterilisadong garapon, sarahan at pakuluan nang 20 minuto.
7. Palamigin nang pabaliktad.
GUAVA JAM
Materyales:
· hinog na bayabas
· asukal
Paraan ng Paggawa:
1. Alisan ng buto ang hinog na bayabas, ligisin ang laman at salain.
2. Salain ang buto na may kaunting tubig at isama sa laman.
3. Lagyan ng asukal, haluing mabuti. (3 tasang asukal sa bawat 4 na tasang ligis
na
bayabas).
4. Pakuluan hanggang sa nais na lapot, halo nang halo upang hindi masunog ang
ilalim.
PAPAYA JAM
Materyales:
· 4 tasang laman ng hinog na papaya
· 3½ tasang asukal
· 1/3 tasang katas ng kalamansi
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng hinog at mabuting papaya (walang sira o bulok).
2. Alisan ng buto at kutsarahin ang laman nito.
3. Salain sa magaspang na salaan at sukatin.
4. Pakuluan nang sandali, idagdag ang asukal at katas ng kalamansi.
5. Hayaang kumulo pa hanggang lumapot sa nais na lapot at maging malinaw. Haluin
lagi
upang hindi magtutong.
6. Isalin sa mga garapong isterilisado.
KAMIAS NA KENDI
MATERYALES
· 1 kilong kamias (magkakasinlaki)
· 4 na tasang asukal
· 1 kutsarang apog
Mga Kagamitan:
· salaan
· kaserola
· pantusok bilaran o solar dryer
· kutsilyo
· kalan
· palangganang losa o plastik kandila
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang kamias. Ibabad magdamag sa tubig na may apog (1
kutsaritang
apog sa 4 1/4 na tasang tubig.)
2. Hugasang mabuti kinabukasan ang kamias upang maalis ang apog.
3. Tusukin ang kamias at pisain nang kaunti (para lumabas ang asim).
4. Ilagay ang kamias sa kumukulong tubig sa loob ng 3-5 minuto at salain.
5. Pakuluan ng 5 minuto ang kamias sa arnibal (2 bahaging asukal sa 1 bahaging
tubig) at
ibabad dito magdamag.
6. Salain at dagdagan ng isang tasang asukal ang arnibal. Pakuluin ang kamias sa
arnibal
na ito nang limang (5) minuto at ibabad dito magdamag.
7. Salain ang kamias at itabi ang arnibal.
8. Pakuluan ang arnibal hanggang lumapot. Idagdag ang kamias at pakuluan nang 5
minuto.
9. Hugasan at patuluin ang kamias at patuyuin sa solar dryer (o bilaran) sa loob
ng 18-24
na oras.
10. Palamigin at ilagay sa plastik na supot.
BOLA-BOLANG ISDA
Materyales:
· 1 kilong isda (lapu-lapu, talakitok, apahap, maya-maya o karpa)
· 2 carrot
· 2 patatas
· 1 ulo ng bawang
· 2 itlog
· 3/4-1/4 tasang gawgaw
· luya, paminta, asin, betsin, toyo
Kagamitan:
· kutsilyo
· sangkalan
· tasang panukat
· salaan
· sandok
· kawali
· kaldero
· kalan
· garapon/bote
Paraan ng Paggawa:
1. Pakuluan ang isda sa loob ng 3-5 minuto sa tubig na may luya.
2. Hanguin at patuluin. Alisin ang ulo, laman-loob, balat at tinik. Himayin ang
laman ng isda.
3. Talupan at tadtarin ang carrot, sibuyas, bawang at patatas. Pagsama-samahin
lahat at
ang isda.
4. Gilingin.
5. Dagdagan ng binating itlog, asin, paminta, betsin at gawgaw.
6. Masahin at bilug-bilugin.
7. Pakuluin ang pinaglagaan ng isda. Ihulog dito ang bilog-bilog na masa
(bola-bola)
hanggang lumutong. Patuluin.
8. Iprito nang lubog sa mantika.
9. Iimbak sa pinakuluang (sterilize) bote at lagyan ng 2% brine solution (1
kutsarang asin sa
4 na tasang tubig).
10. Takpan at pakuluan sa loob ng 1½ oras.
11. Hanguin at iimbak sa loob ng 12 araw.
KAMATIS NA KENDI
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang hinog na kamatis at ilubog sa kulong tubig para madaling balatan.
2. Hiwain nang pahalang at alisan ng buto. Bahagya lang pisain ang kamatis.
3. Tuyuin ang kamatis. Lagyan ng isang bahagi ng asukal ang bawat ganoon ding
dami ng
kamatis, hayaan magdamag.
4. Pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa maging halos malinaw ang kamatis.
Patuluin
ang sirop.
5. Ilatag ang mga kamatis isa-isa sa trey at patuyuin sa araw o sa oven hanggang
halos
tuyo.
6. Pagulungin sa magaspang na asukal. Patuyuin muli, at ibalot na sa cellophane.
MGA MATAMIS NA GULAY
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang hinog na kamatis at ilubog sa kulong tubig para madaling balatan.
2. Hiwain nang pahalang at alisan ng buto. Bahagya lang pisain ang kamatis.
3. Tuyuin ang kamatis. Lagyan ng isang bahagi ng asukal ang bawat ganoon ding
dami ng
kamatis, hayaan magdamag.
4. Pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa maging halos malinaw ang kamatis.
Patuluin
ang sirop.
5. Ilatag ang mga kamatis isa-isa sa trey at patuyuin sa araw o sa oven hanggang
halos
tuyo.
6. Pagulungin sa magaspang na asukal. Patuyuin muli, at ibalot na sa cellophane.
KALABASANG LECHE PLAN
Materyales:
· Sa bawat isang tasa ng minasang kalabasa:
· 1 tasang gatas na kondensada
· 1 itlog
· 1/4 kutsaritang vanilla
· 2 punong kutsaritang asukal na pula para gawing karamelo
Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang kalabasa at ilaga nang 20 minuto. Masahin ng tinidor hanggang
maging
pino.
2. Paghalu-haluin ang niligis na kalabasa, gatas at vanilla.
3. Batihin ang itlog (pula at puti) hanggang mabulang mabula. Isama ito sa
kalabasa.
4. Ilagay ang asukal na pula sa llanera (o kung saan gustong iluto ang leche
flan). Initin ito
sa apoy hanggang maging karamelo ang asukal. Ikalat ito sa llanera.
5. Ibuhos ang timplada ng kalabasa.
6. Takpan ang llanera ng aluminum foil o ng plastik at talian o gomahan ito.
7. Ilagay ang llanera sa double boiler (banyo maria) at pakuluan nang 25
hanggang 30
minuto.
SARILING ICE CREAM
Materyales:
· ½ galon pulbos na gatas
· 1½ galon gata ng niyog
· 1/3 galong gatas na ebaporada
· 2 kilong asukal
· 1/3 kilo corn starch (gawgaw na mais)
Paraan ng Paggawa:
1. Paghaluhaluin ang mga sangkap sa tulong ng mixer (o pambati ng itlog hanggang
maging mabulang-mabula.)
2. Ibuhos ito sa kaserola o boiler. Pakuluan nang 15 minuto upang mamatay ang
anumang
mikrobyo o bacteria. Palamigin.
3. Lagyan ng nais na panlasa (flavoring):
Maaaring -- vanilla, lemon o kalamansi -- makukuha sa balat
-- chocolate, kape, mani o kasoy, at iba pppa.
4. Ilagay ito sa freezer sa loob ng kalahating oras o hanggang halos matigas
(frozen nang
kaunti).
5. Ilabas sa freezer at batihin (ng kahoy na kutsara o ng egg beater) hanggang
maging
malapot na masa.
6. Ilipat sa lalagyang lata. Takpan, ilagay sa kahoy na lalagyan ang latang may
sorbetes na
timplada. Lagyan ng maraming yelo at asin sa paligid nito. Maaari ding gamitan
ng dried
ice.
7. Titigas ang sorbetes sa loob ng 20 minuto. Ice cream na ito.
KROPECK NA MAYAMAN SA PROTINA
(Nagtataglay ng 14.6% protina at 450 kalori sa bawat 100 gramo)
Materyales:
· 800 gramo pinulbos na bigas
· 150 gramo gatas na polbo na walang taba (skim milk)
· 50 gramo tinuyong dugo ng baka
· 20 gramo asukal
· 15 gramo asin
Kagamitan:
· mixer (haluan, panghalo)
· trey
· pasingawan
· patuyuan
· sarten o kawale
Paraan ng Paggawa:
1. Pagsamasamahin ang lahat ng sangkap.
2. Lagyan ng 750 cc tubig at haluing mabuti hanggang mapantay at maging pino.
3. Ilatag nang pantay sa trey at pasingawan nang 20 minuto.
4. Ihubog nang manipis at sa korteng nais.
5. Patuyuin sa 60-70° C nang 2-3 oras.
6. Iprito nang lubog sa mantika hanggang malutong.
7. Balutin ng artipisyal na panlasa (tulad ng barbecue flavor).
8. Itago sa mga plastik na supot o ihain.
KROPECK MULA SA ULO NG HIPON
Materyales:
· 1 kilo ulo ng hipon (banlian)
· ½ kilong bigas
· 1 kutsarang apog sa 1 tasang tubig
· 2 kutsarang asin
· 1 kutsarang betsin
· 1 kurot na paminta
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad sa bigas magdamag.
2. Gilingin nang pino na magkasama ang bigas at ulo ng hipon.
3. Ihalo ang asin, betsin, tubig na may apog at paminta.
4. Ibuhos ang timplada sa minantikaan na mainit na kawale o sarten.
Pasingawan nang 2-3 minuto.
5. Ibilad sa araw nang mga 2 araw hanggang lumutong.
6. Iprito at ihain.
Halamang Gamot
LAGUNDI
(Halamang Gamot)
Luzon: Dabtan, Dangla, Kamalaan, Limo-limo, Lingei, Lingo-lingo
Visayas: Lagundi, Tugas
Mindanao: Kalipapa-madam, Limpapa, Magupay, Molrei-oso, Sugarai
Ang lagundi ay halamang tumataas ng mga 5 metro ngunit hindi ito puno. Ang bawat
dahon ay
may limang daliri. Ito'y gamot sa ubo at hika, at nagpapalabas ng plema, at
nagpapababa ng
lagnat ng sipon o trangkaso. Nagpapaalis din ito ng sakit ng ulo at ipin at
ginagawang
panlanggas sa sugat at mga kati sa balat.
Paghahanda ng iinuming lagundi: (decoction)
Sa paglalaga ng dahon, ang mga sumusunod ang gabay:
tuyong dinurog na dahon sariwang tinadtad na dahon
para sa matanda 4 kutsara 6 kutsara
bata 7-12 edad 2 kutsara 3 kutsara
bata 2-6 edad 1 kutsara 1½ kutsara
Ilalaga ito sa 2 basong tubig nang mga 15 minuto. Ang standard na baso ay
naglalaman ng 240
ml o tulad ng nilalaman na bote ng Pepsi o Coke.
Paraan ng Pagpapakulo: (decoction)
1. Gumamit ng lutuang enamel o palayok, huwag aluminyo.
2. Ilagay sa tubig sa lutuan bago isalang ito sa apoy.
3. Oras na kumulo ang tubig, alisan ng takip ang kaserola at hayaan pang kumulo
nang
mga 15 minuto na walang takip.
4. Palamigin at salain.
Ang ganitong decoction ay maaaring itago sa telmos nang 3 araw o sa refrigerator
nang 4 na
araw na hindi lumilipas ang bisa. Kapag nag-iba na ang kulay ng pinakulong
lagundi o kung may
amag na, ay huwag nang inumin.
Mga Gamit ng Gamot na Lagundi:
Ubo
Uminom ng ½ baso ng nilagang lagundi 3 beses sa maghapon (halimbawa: 6:00 n.u.,
2:00 n.h. at
10:00 ng o anumang pag-iitanan ng 8 oras.
Uminom din ng mga 8 basong tubig sa maghapon upang lumuwag ang plema. Kapag
hindi naalis
ang ubo sa loob ng 3 araw, kumunsulta na sa doktor. Dapat ding ikonsulta sa
doktor kapag:
· humihirap ang ubo at sumisikip ang hininga
· kapag ang plema ay may masamang amoy, may dugo, o madilaw na berde
· kapag tumagal nang higit 2 linggo ang pamamalat.
Hika
Uminom ng 1/4 baso ng nilagang lagundi 3 beses sa maghapon - 6:00 n.u., 2:00
n.h. at 10:00 ng
o anumang pag-iitanan ng 8 oras.
Kapag matindi ang atake ng hika o hindi nagbabago, ikonsulta na sa doktor.
Ang hika ay minsan sanhi ng allergy dahil sa kapaligiran, o dahil sa nakain na
nakasama, sa
pagod at pag-aalala. Dapag mapag-aralan ang mga sanhi ng hika upang maiwasan
ito.
Trankaso o Sipon
Para sa lagnat, uminom ng ½ baso ng nilagang lagundi tuwing 3 oras o kung
kailan-kailangan.
Ang trankaso ay nakikilala sa mga palatandaan: masasakit ang laman at
kasu-kasuan, sakit ng
ulo, kawalan ng ganang kumain, at lagnat.
Ang taong may trankaso ay dapat magpahinga at dapat uminom ng maraming tubig at
katas ng
prutas. Nakapagpapababa ng lagnat ang punas. Kapag hindi bumuti sa loob ng 3
araw, ikonsulta
sa doktor.
Sakit ng Ulo
Mag-init sa kalan o apoy ng ilang sariwang dahon hanggang sa sila ay malanta
nang kaunti.
Lamasin ang mga dahon at itapal sa noo at sentido, talian ito nang hindi maalis
sa lugar. Palitan
ang mga dahon tuwing 4 na oras o kung kailangan.
Nakatutulong din sa sakit ng ulo ang pagpapahinga sa tahimik at malamig na
lugar, na di
matingkad ang liwanag.
Ang paglalagay ng yelo (cold pack) o paghilot sa noo at batok ay nakakatulong
din.
Kapag ang sakit ng ulo ay may kasamang sipon at lagnat, gamot sa sipon at lagnat
ang dapat
ilapat.
Kapag hindi pa naalis ang sakit sa maghapon, ikonsulta na sa doktor.
Sakit ng Ngipin
Uminom ng nilagang lagundi ½ baso tuwing 3 oras. Gumaling man o hindi ang sakit,
dapat
magpatingin sa dentista.
Panlanggas
Magpakulo ng 2 dakot na sariwang dahon ng lagundi. Paglamig, salain at
ipanglanggas ito sa
sugat o sa kati, minsan sa umaga at minsan sa gabi.
Sa paglalanggas ng sugat, alisin ang mga langib, nana at patay na balat.
Kapag walang pagbabago sa loob ng sang linggo, o kung may lagnat o namamagang
kulane,
magpatingin na sa doktor.
Paligo
Para sa mga galing sa sakit o bagong panganak, magpakulo ng mga dahon, palamigin
ng kaunti
at salin. Ito ang gawing pampaligo.
Pagtatanim
Ang lagundi ay madaling patubuin sa pamamagitan ng sangang magulang, mga 20 cm
haba at
may kahit 3 sugpong kung saan tutubuan ng baling dahon. Ilubog sa lupa ang 1/3
kasama ang
isang sugpong kung saan lalabasan ng ugat. Ilagay sa lilim nang mga 1 buwan.
Huwag
gagamitan ng pamatay peste na chemical insecticide dahil baka may maiwang lason
sa halaman.
Pag-aani
Kunan lang ng magulang na dahon kapag may 718 buwan na ang gulang ng halaman.
Ang mga
dahon ay maaaring imbakin sa pagtutuyo sa hangin, mga 4 araw kung tag-init, o 2
linggo kung
tag-ulan. Tuyo na ang mga dahon kapag nadudurog na ito sa daliri. Itago ang mga
tuyong dahon
sa plastik o sa bote o baso na tuyo at madilim ang kulay. Ilayo sa matinding
liwanag upang
tumagal ang bisa nito.
LAGUNDI
(Blumea Camphor)
Luzon: Kaliban, Sob-sob, Subusub
Visayas: Alibhon, Alibum, Alimhon, Alimon, Ayoban, Bukadkad, Dalapot, Gabuen,
Gintin-gintin,
Gitin-gitin, Hamlibon, Hanalibon, Kalibura, Kambibon, Lakadbulan, Lakdanbulang,
Lalakdan,
Takamain
Mindanao: Gaboh, Labulan, Libon, Pahid, Sambun
Ang sambong ay makahoy na halaman ngunit hindi puno, na tumataas nang 1½-3
metro. Ang
mga dahon ay waring mabalahibo at magaspang ang ilalim. Tumutubo ito kahit saan
sa Pilipinas,
maliban lang sa matataas na lugar. Ang sambong ay nagpapaihi, kaya inihahatid sa
mga may
manas, mataas ang presyon ng dugo, at may sakit sa bato. Nagpapaalis din ito ng
sakit ng ulo at
kabag. Ang taong may manas ay maraming alat at tubig sa kanyang katawan na
nagpapamaga
sa ilang bahagi ng kanyang katawan. Kaya binibigyan ito ng pampalabas (ihi) ng
sobrang alat at
tubig.Ang taong may mataas ang presyon ng dugo ay tumataas ng higit sa 140/90 mm
sa
epigmamometer (pangkuha ng presyon). Mataas din ang presyon kung may dagdag na
10 mm
Hg kaysa sa dati at kung nahihilo, masakit ang ulo, o batok at dibdib at
madaling mapagod.
Paghahanda ng Sambong:
Pampaihi:
Magpakulo ng 4 na kutsarang durog na tuyong dahon o 6 na kutsarang tadtad na
dahong sariwa
sa 2 baso ng tubig nang 15 minuto. Palamigin at salain, hatiin sa 3 bahagi.
Inumin ang bawat
bahagi sa maghapon.
Paraan ng Pagpapakulo:
1. Gumamit ng lutuang enamel o palayok, huwag gumamit ng aluminyong lutuan.
2. Ang isang "baso" ay naglalaman ng 240 ml na tubig, o kasing dami ng laman ng
regular
na Coke o Pepsi.
3. Ilagay sa tubig na pakukuluan bago isalang ito sa apoy.
4. Oras na kumulo, alisan ng takip ang kaserola at hayaang kumulo pa nang 15
minuto na
walang takip.
5. Palamigin at salain. Ito ang tinatawag na "decoction."
Maaaring tumagal ang decoction kung itatago ito sa telmos nang 3 araw, at 4 na
araw naman
kung sa refrigerator. Kapag nag-iba na ang kulay o nagkaroon ng amag, huwag ng
inumin.
Para sa Kabag:
Ang kabag ay sanhi ng labis na hangin sa tiyan dahil sa hindi natunawan, pagkain
ng mga
pagkaing nagpapahangin sa tiyan tulad ng mga kamote, gabi at ilang bungangkahoy,
o ng
paglunok ng hangin.
Magpakulo ng 1 kutsarang durog na tuyong dahon ng sambong (o sariwang tinadtad
na dahon)
sa isang basong tubig nang 15 minuto. Palamigin at salain. Inumin habang
mainit-init. Sa mga
bata, ½ kutsarang dahon lang ang ilalaga sa 1 basong tubig.
Sakit ng Ulo:
Mag-init ng ilang sariwang dahon at itapal ito sa noo at mga sentido. Palitan
ito tuwing 4 na oras
kung kailangan.Kapag hindi naalis ang sakit ay dapat ikonsulta na sa doktor.
Pagtatanim ng Sambong
Ang sambong ay madaling patubuin kung ang itatanim ay ang mga usbong o maliliit
na halamang
tumutubo sa gilid ng inang halaman. Kailangan ay may kasamang ugat kapag
naglipat ng maliit
na halaman.
Pag-aani at Pag-iimbak
Anihin lamang ang mga dahong magulang at malusog. Huwag kakalbuhin ang
halaman.Kung
nais magtago ng dahon, tuyuin ito sa hangin ng 4 na araw (kung tag-init) o 2
linggo kung tagulan.
Tuyo na ang dahon kung nadudurog na sa daliri.Itago ang tinuyong dahon sa tuyo
at
madilim na bote o lalagyan. Huwang hayaang maarawan upang tumagal ang bisa nito
SAMPALOK
Para sa Sipon:
Pakuluan sa 2 basong tubig ang tinadtad na dahon nang mga 15 minuto, o hanggang
sa
mangalahati ang tubig. Palamigin at salain.Hatiin ang pinakulong dahon sa 3
bahagi para inumin
sa bawat matapos kumain.
Dami ng pakukuluang dahon:
Tuyong dahon Sariwang dahon
Matanda 8 kutsara 10 kutsara
edad 7-12 4 kutsara 5 kutsara
edad 2-6 2 kutsara 1/2 kutsara
Para sa Sugat at Pangangati:
Magpakulo ng isa o dalawang dakot na tinadtad na dahon sa isang palayok na
tubig, mga 15
minuto. Palamigin at salain. Ipaglanggas ito 2 beses sa isang araw sa sugat o
kati. Pampaligo
sa Nanganak at Bagong Galing sa Sakit: Magpakulo ng 2 hanggang 4 na dakot ng
dahon sa
malaking palayok mga 15 minuto. Ihalo ito sa ipapaligong tubig.
TSAANG GUBAT
Luzon: Kalabanog,Kalimumog,Katdalugod,Maragaued,Mara-mara, Taglokot, Talibunog,
Tst,
Tsaang-gubat, Tsa-tsa
Visayas: Alibungog, Semente
Mindanao: Alangitngit, Alingitngit, Buyo-buyo
Ang tsaang gubat ay halamang mababa na makahoy at maraming sanga. Ang mga dahon
ay
maliliit na berdeng magulang at makintab ang ibabaw.Ito'y gamot sa pagtatai at
sa masakit ang
tiyan dahil sa hindi matunawan, kabag at pagsusuka.
Diarrhea:
1. Kapag ang pagdumi ay matubig at madalas sa maghapon, uminom ng nilagang
tsaangbuat:
2 basong tubig sa loob ng 15 minuto.
tuyong dahon na dinurog sariwang dahon tinadtad
matanda 10 kutsara 12 kutsara
bata edad 7-12 5 kutsara 6 kutsara
bata edad 2-6 2 1/2 kutsara 3 kutsara
2. Palamigin at salain, hatiin sa 4 na bahagi.
3. Uminom ng 1 bahagi tuwing 2 oras hanggang sa tumigas ang dumi.
Paraan ng Paglaga:
1. Gumamit lang ng enamel na lutuan o palayok, huwag aluminyo.
2. Ang standard na baso ay naglalaman ng 240 ml na tubig o tulad ng nilalaman ng
isang
regular na Coke o Pepsi.
3. Ilagay ang dahon sa tubig bago ito isalang.
4. Oras na kumulo ay alisan ng takip, at hayaan pang kumulo nang 15 minuto (na
walang
takip).
5. Palamigin at salain. Ito ang "decoction."
Maaaring magtagal nang 3 araw ang decoction na ito kung ilalagay sa telmos, at 4
na araw kung
sa refrigerator. Kapag nag-iba na ang kulay o nagkaamag, huwag nang inumin.
Bukod sa paginom
ng tsaang-gubat, ang may diarrhea ay dapat kumain ng sustansiya upang mapalitan
ang
nawala niyang lakas. Iwasan lang ang mga mantika at gatas, keso, at mantikilya
na magpapalala
ng diarrhea. Sa halip, kumain ng mga magpapatikas ng dumi tulad ng saging na
latundan,
mansanas, bayabas o kaimito.Kapag hindi umigi ang may diarrhea sa maghapon,
dapat nang
ikonsulta ito sa doktor.Ang may patuloy na diarrhea ay mawawalan ng tubig at
asin sa katawan,
na tinatawag na dehydration o natutuyuan. Ito ay nakamamatay kung magiging
malala, lalo na sa
mga bata.
Oral Rehydration Solution (ORS)
Upang maiwasan ang matuyuan, ang pasyente ay dapat uminom ng ORS na maaaring
mabili sa
botika, o maaari ding gawin sa bahay tulad ng:
2 kutsarang asukal
3/4 kutsaritang asin
4 basong tubig
Paghalu-haluin sa lalagyan at ipainom sa may diarrhea
3 baso oras-oras o tuwing magtatapon at 1½ baso oras-oras kung sa bata.
Ang higit na kumpletong ORS ay:
2 kutsarang honey sa halip na asukal
1/4 kutsaritang baking soda
1/4 kutsaritang asin
Kapag malala ang pagtatapon, ang pasyente ay binibigyan ng ORS sa ugat, na
tanging doktor
lang ang dapat magsagawa.
Sakit ng Tiyan, Kabag, Pagsusuka
Tuyong durog na dahon Sariwang tadtad na dahon
Para sa matanda 2 kutsara 3 kutsara
Bata 7-12 edad 1 kutsara 1½ kutsara
1. Ilaga ang akmang dami ng dahon sa 2 basong tubig tulad ng sa diarrhea.
2. Salain at inumin nang maligamgam.
3. Kapag hindi naalis ang sakit pagkalipas ng isang oras pagkainom ng tsa,
magkonsulta na
sa doktor.
Paraan ng Pagtatanim ng Tsaang-Gubat:
Naitatanim at mas madaling magpatubo ng sanga sa tsaang-gubat kaysa sa buto na
nagtatagal
bago sumibol. Isuksok sa lupa ang 1/3 ng tangkay na may 20 cm. haba, seguruhin
na may
nakalubog na sugpong, na siyang lalabasan ng ugat. Ilagay sa lilim hanggang
mag-ugat mga 6-8
linggo.Huwag gamitan ng chemical pesticides dahil baka may maiwang lason sa mga
dahon.Anihin lamang ang magugulang na dahon. Maaaring mag-imbak ng dahon ng
tsaanggubat.
Tuyuin sa hangin nang mga 4 na araw (kung tag-init) at 2 linggo kung tag-ulan.
Itago ang
mga tuyong dahon sa plastik o sa bote o baso na tuyo at madilim ang kulay. Ilayo
sa matinding
liwanag upang tumagal ang bisa nito.
PAPAYA
Alam ba ninyo na ang papaya, bukod sa masarap at masustansiya, ay gamot
pa?Sinasabi ng
ating mga siyentipiko na ang dagta nito, maging mula sa puno o sa bunga, ay
gamot sa
mabahong sugat. Ilalagay ito sa sugat nang mga 15 minuto, at saka babanglawan,
minsan sa
isang araw. Ang dahon naman ay gamot sa rayuma. Dikdikin ito, iinitin, at
itatapal sa lugar na
masakit. Ang bungang hinog ay may taglay na sustansiyang pectin na nakatutulong
sa
pagtunaw ng ating kinain. Kaya pala ito inihahatol sa mga hindi matunawan at sa
mga may
konstipasyon. Ang hilaw na papaya ay may taglay ding Bitamina B na kinakailangan
sa kabuuan
ng sistema ng ating katawan.
PINATUYONG LUYA
Ang luya ay maaaring tuyuin at kung kailan kailangan ay saka gamitin. Ang
tinuyong luya ay
naitatago nang matagal.
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang luya at kayurin ang balat sa pamamagitan ng kutsilyo.
2. Hiwa-hiwain ng mga 1/3 pulgada ang kapal.
3. Ilubog sa 2% sodium metabisulfite, solution, mga 1½ kutsara sa bawat litro
nang 5-10
minuto.
4. Patuluin.
5. Ilatag sa mga trey na alambre o sinamay.
6. Tuyuin sa pantuyo (sa 63-66° C hanggang 5-7% ang halumigmig) hanggang maging
malutong.
7. Itago sa mga balutan na hindi papasukin ng hayop.
YERBA BUENA
(Marsh Mint , Pepper Mint)
Ang Yerba Buena ay mabango at mababang halaman, halos gumagapang, na ang taas
mga 20
cm lamang mula sa lupa. Ang mga tangkay ay makatas at hindi makahoy, at ang
dahon at
magaspang. Ang yerba buenang gamot at hindi namumulaklak dito sa Pilipinas. (May
isa pang
yerba buena rin na hindi gamot na tinatawag minsan ng Poliyo. Ito ay
namumulaklak ng lila sa
puno ng dahon at mas makitid ang dahon).
Ang ibang katawagan dito ay: hilbas, malipuen sa Bisaya at halibas o menta sa
Mindanao. Ang
yerba buenang gamot ay nagpapaalis ng sakit ng ulo, ipin at sakit ng rayuma,
kabag at
ginagawang pang mumog.
Napatutubo ito sa pamamagitan lang ng sanga na magulang (may 3-4 paris na dahon
at mga 10-
15 cm. laki) sa loob ng isang linggo. Maaari din itong itanim sa mga pagitan ng
matataas na
halaman, dahil puwede itong tumubo kahit medyo lilim. Sikapin na diligan lagi sa
mga unang 3
araw para hindi ito malanta. Alisan ng damo sa paligid at mga hayop na sumisira
dito, ngunit
huwag gamitan ng pesticide sapagkat baka may maiwang lason sa mga dahon nito.
KENDI PARA SA UBO
Ang mga mananaliksik ng ITDI ay nakagawa ng pormula ng kendi para sa ubo, na
ginagamitan
ng mga langis at katas ng mga bungangkahoy at pananim. Sa kawalan ng mabibili na
kending ito
sa kasalukuyan, marahil ay mapaaari na muna ang gayahin sa pinakamalapit na
paraan ang
kanilang pormula:
Materyales:
· asukal -- 80 gramo
· glucose -- 90 gramo
· ammonium chloride -- 1 gramo
· menthol -- .1 gramo
· pinulbos na asukal -- 2.5 gramo
· pulbos na magnesia -- 2.5 gramo
· pangkulay -- 0.5 gramo
· tubig -- 25 cc (o milliliter)
· katas ng kalamansi -- 10 cc
· pulot ng sampalok -- 10 cc (esencia)
· langis na luya -- .15 cc
· langis ng kalamansi -- .15 cc
Paraan ng Paggawa:
Pagsamasamahin ang asukal, glucose, tubig, katas ng kalamansi, pulot ng
sampalok, at
pangkulay (food color) sa sarten at isalang. Haluin nang haluin hanggang
matunaw. Pakuluan
(hanggang 140° C o) hanggang ang nais na tigas ay matamo.Idagdag ang ammonium
chloride
(NH4Cl) ihalo ang menthol crystals at langis(esencia) ng kalamansi at luya.
Ibuhos sa molde, na
pinahiran ng langis, palamigin. Pag malamig na, tanggalin sa molde at pagulungin
sa
magkahalong pulbos na asukal at pulbos na magnesia.Balutin tulad ng kendi.
Lalabasan ito ng
humigit-kumulang 35-45 piraso ng kendi.
PANGGAMOT NA PULOT-PUKYUTAN
Ang pulot-pukyutan (honey) ay nagtataglay ng mga 40.5% fructose, 3.4% glucose,
1.9% sucrose,
1.5% dextrin and gums 1.2% ash at mga bahid ng lecithin.
Ayon sa mga siyentipiko na nagsagawa ng pananaliksik sa Central Luzon State
University
(Muñoz, NE), ang purong pulot ay maraming napaaalwan na sakit, tulad ng
sumusunod:
1. Sakit ng hingahan: sipon, ubo, sakit ng lalamunan, sinusitis (naiimbak ang
sipon sa loob
ng bungo natin), at mahina ang katawan. Ang paglunok ng pulot ay nakagigin hawa
sa
lalamunan.
2. Mabuti sa kulang sa dugo at may mababang presyon dahil nagpapadali ng paggawa
ng
pulang dugo sa ating katawan ang honey.
3. Dahil sa lecithin na taglay nito, ang honey at nagpapalabnaw ng kolesterol sa
ugat ng
puso.Ang mahilig sa mga pagkaing matataba ay madalas may sakit sa puso dahil sa
kolesterol na naiipon at kumakapal sa paligid ng ugat sa puso nito. Kaya
nahihirapan ang
daloy ng dugo papunta o palabas sa puso, na nagreresulta sa atake.
4. Nagpapagaling sa sakit sa balat ang pulot. Nakabubuti sa may taghiyawat na
ipaghilamos ito (at saka banlawan pagkatapos).
Nagpapagaling din ito sa alipunga (athlete's foot). Bago matulog gabi-gabi,
hugasan ang paang
may sakit ng mainit-init na tubig, tuyuin, lagyan ng pulot ang lugar na may
alipunga, at lagyan ng
benda. Banlawan ito pagka umaga. Gawin ito araw-araw hanggang gumaling.
Mga Palatandaan ng Purong Pulot-pukyutan
1. Magpatak kng kaunting pulot sa manipis na papel (onion bond paper). Kapag
nabutas
ang papel, hindi puro ang honey.
2. Magbabad ng ulo ng posporo sa honey nang mga limang minuto. Pagkatapos,
punasan
ito at ikiskis. Kung magliyab, puro ang honey.
MGA DAHONG PANLABAN SA SAKIT NG HALAMAN
Marami tayong halaman na ang mga dahon ay likas na may taglay na kemikal
(alkaloids) na
mabuting panlaban sa sakit ng mga halaman na dulot ng fungus o bacteria. Ang mga
dahong ito
ay ihahalo sa lupa na kinatatamnan ng halamang ugaling kapitan ng sakit. Bukod
sa pagsupil sa
peste at sakit, ang paglalagay ng mga dahong ito sa lupang naturan ay nagsisilbi
rin na pataba
sa halaman. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
· dahon ng abaka
· onions
· abokado
· luya
· alibangbang
· papaya
· acacia
· malunggay
· ampalaya
· makabuhay
· atis
· patani
· bayabas
· saluyot
· coconut
· sampaloc
· cacao
· sampaguita
· calamansi
· santang pula
· caimito
· santol
· cassava
· tanglad
· calachuchi
· talong
· chico
· pulang sitao
· kakawate
· chichirica
· garlic orchid
· upo
· datiles
· talinum
· lansones
· sudan grass
· nanka
· rimas
TAMANG PAG-AANI NG HALAMANG GAMOT
Ayon sa dalubhasa sa UP Los Baños, upang maging mabisa ang mga halamang-gamot,
dapat
itong anihin sa tamang panahon, at itago nang maayos na paraan, tulad ng
sumusunod:
1. Pitasin ang mga bulaklak bago bumuka o kung kabubuka pa lamang, o bago ang
mga ito
bumuka nang husto.
2. Manguha ng balat ng puno at kahoy habang tagtuyo, at bago sumibol ang bagong
dahon.
3. Pumitas ng dahon kapag ang halaman ay namumulaklak, o bago maging magulang
ang
bunga. Ang mga dahon ay dapat walang palatandaan ng sakit o kagulangan lalo na
sa
Lagundi(na igagamot sa lagnat).
4. Manguha ng ugat at lamang-lupa kung tag-init kapag namatay ang puno o bago
tubuan
ng suwi(tulad ng luya iginagamot sa rayuma).
5. Pitasin ang bunga kung magulang na ngunit hilaw pa o kung sa Mangostan ay
husto na
ang hinog o kung sa Niyog-niyogan ay dilaw na.
6. Manguha ng buto kung magulang na ngunit hilaw pa. Sa ibang bunga, ang buto ay
kukunin na bago ito pumutok sa bunga at sumabog.
Ang pagtutuyo ng halamang-gamot ay nakaaapekto rin sa bisa nito. Ang
pinakamabuti sa dahon
at bulaklak ay 40° C, samantalang sa balat, ugat at makahoy na bahagi ay 65° C.
Pagsasaka
PAGKAANTALA NG PAGKAHINOG NG SAGING
Ang saging(at mga prutas at gulay)ay humihinga rin at nagpapawis. Kapag ito ay
nakulob, ang
hiningang ito, ang ethylene gas ang nagpapadali sa paghinog nito lalo na ang mga
nakasupot sa
plastik. Lagyan lng parang uling na materyal, sukat 15 cm x 15cm x 2cm na
ibinabad sa
matapang na solusyon ng potassium permanganate at ilagay ito sa magkabilang dulo
ng supot
na plastik. Ilagay dito sa malamig na temperatura (20° C). Tatagal ang saging
nang higit 2 linggo
na parang bagong ani.
ASIN PATABA SA PUNO NG NIYOG
Ang pag-aabono sa puno ng niyog ng asin (sodium chloride o NaCl) ay
nakapagpapadami ng
bunga at nakapagdaragdag sa timbang ng laman ng bunga. Napag-alaman sa
pananaliksik ng
mga siyentipiko sa Davao Research Center (Inland) na ang chlorine sa dahon ang
pangunahingdahilan sa pagpapabunga ng niyog. Nakita din sa pag-aaral nila na ang
pagdaragdag ng mga 60-70 gramong asin sa bawat punong tumutubo ay nagpapalaki sa
bilog ng
katawan at sariwang timbang, mas maraming dahon, at mas malaki ang porsiyento ng
tumutubo
na binhi. Nagpabawas din ito ng batik-batik sa dahon.
BUSAL NG MAIS PARA SA BAKA
Maaaring pakainin ng busal ng mais ang baka, ngunit ito'y dapat gamitan muna ng
kemikal
upang madaling matunaw sa tiyan. Sa isang pananaliksik sa University of Nebrasca
(USA) ang
mga batang lalaking baka na pinakain ng busal ng mais na ginamot ng calcium
hydroxide ay
nagdoble ng timbang, kumpara sa mga pinakain ng busal na hindi ginamot.
Ang karaniwang chemical na ginagamit sa America ay sodium hydroxide, ngunit
nag-iiwan ito ng
latak na masama sa lupa, sa hayop at tao, ayon sa report.Ang calcium hydroxide
ay ligtas
gamitin at mas mura.
COLOSTRUM PARA SA PASUSUHING BAKA
Ayon sa mga mananaliksik ng NSTA at UP Los Baños, ang pasusuhing baka ay
maaaring bigyan
ng kapalit sa gatas sa mga unang araw nito, upang mapakinabangan ng tao ang
gatas ng ina.
Ang colostrum, madilaw na katas ng suso ng inang baka ay lumalabas na una, bago
lumabas
ang gatas. Ang sustansiyang taglay nito ay higit kaysa gatas, tulad ng protina,
abo, Vit. A at
riboflavin at may taglay pang mga sustansiyang panlaban sa sakit. Ang
nagpapasusong inahing
baka ay naglalabas ng colostrum sa 3-5 araw pagkapanganak, at ito'y labis sa
kaya ng
pinasususong bagong panganak. Hindi ito kaya ng tao (nakapagpapatai) ngunit
nakahihinayang
na itapon. Napag-alaman na ang pinakamagaling na paraan ay itago ito sa yelo;
tinatanggap at
gusto ito ng pasusuhin kapag tinunaw nang muli. Kapag wala nang colostrum ang
ina, normal na
sumususo ang baka ng gatas ng ina.
DAHON NG SAGING -- PATUKA SA MANOK
Ayon sa mga mananaliksik sa Southern Mindanao Agricultural Research (Kabacan,
North
Cotabato), ang mga broiler na alagang manok na pinakakain ng 5% tinadtad na
dahon ng saging
ay bumigat ng halos 1½ kilo na higit kaysa sa pinakakain ng komersyal na starter
mash ration
lamang, o ng may halong 10% dahon ng saging.
HALAMANG GAMOT PARA SA BULATI NG MANOK
Ang pagkakaroon ng bulati sa bituka ng manok ay karaniwan, ngunit hindi dapat
pabayaan. Ang
manok na may parasito ay mahinang lumaki, payat at maaaring mamatay nang maaga
kapag
ang bituka nito ay sinira na ng bulati. Maaari ding pumasok ang bulati sa
itluging inahing manok.
Noong unang panahon, ayon sa mananaliksik, ang dagta ng papaya ay ipinaiinom --
isinusubo sa
bibig ng manok. Ngunit kung marami ang alagang manok, napakahirap gawin nito.
Sinubukan ng
dalawang mananaliksik sa UP Los Baños noon pang 1949 na bigyan ng tinadtad na
pino na
dahon ng papaya at inihalo sa pagkain ng manok sa loob ng 3 araw. Resulta:
namatay o
nanghina ang mga bulati sa tiyan ng manok. Ang isa pang pag-aaral ay ginagamitan
naman ng
pinulbos na dahon at tangkay ng tabako na tinuyo sa araw nang maghapon.
Hinaluan ng 2 bahagi ng pinulbos na tabako sa 12 bahagi ng feed mash at sodium
sulfate, isang
sustansiyang asin na nagpapadami sa mga manok. Ipinakain ang ganito sa manok sa
loob ng 3
araw at nagpatanggal nang mga bilog na bulati. Nang ginawa ito sa loob ng pitong
araw, kahit
tapeworm (flat) ay nalinis nang husto.
Ang mga pagpupurgang ito ay hindi nakaapekto sa pangingitlog ng manok o sa amoy
na karne
nito.
HUSTONG PROTINA SA PAGKAIN NG MANOK
Ang manok ay nangangailangan ng protina. Likas sa kanila ang maghanap ng
protinang
kailangan kapag ito'y kulang na sa kanilang pagkain. Ang pakpak ng manok ay may
taglay na
protina, kaya, kung kulang sila sa sustansiyang ito, kahit pakpak ay
pagtitiyagaan nila.
Sustansiya sa Pagkain ng Manok
Alam ba ninyo kung husto sa sustansiyang protina ang pagkain ng inyong manok?
Ito ang mga
Palatandaan:
Kulang sa Sustansiyang Protina:
· Kung nakakalbo ang ilang manok dahil nagtutukaan sila sa isa't isa.
· May mga sugat ang ibang manok dahil sa katutuka ng kasamahan.
· Kakaunti ang pakpak sa nakakalat sa sahig ng kulungan.
Sapat sa Protina:
1. Maraming pakpak na nakakalat sa sahig. Natural sa manok na naglalagas sila ng
pakpak
habang sila ay lumalaki. Ang sapat sa protina ay hindi pinapansin ang pakpak na
ito.
2. Hindi sila nagtutukaan, at walang sugatan.
KUSOT PARA SA PAGKAIN NG HAYOP
Ang kusot (sawdust) ay may taglay na 50-60% cellulose at mga 30% lignin. Ang
cellulose ay
mahalagang sustansiya sa pagkain ng hayop na nagbibigay ng enerhiya, samantalang
ang lignin
naman ay sagabal sa pagtunaw ng cellulose sa tiyan ng hayop.
Upang mapakinabangan ang kusot para sa pagkain ng hayop, dapat alisin ang lignin
na taglay
nito.
MAGTANIM NG BAWANG
Ang bawang ay tumutubo sa mabuhanging lupa, sa luad na lupa o maluwag na (silt).
Matataba at
malalaking butil ang sumisibol kapag sa mabuhanging lupa, kapag tama ang
paglagay ng pataba.
Gusto ng bawang ang malamig na panahon sa mga unang buwan ng paglaki nito, kaya
mabuting
itanim ito sa mga buwan ng Oktubre at Nobyembre.
Paghahanda:
1. Sa hapon nga araw bago itanim, maingat na paghiwa-hiwalayin ang mga butil.
Siguruhing hindi masisira ang balok nito. Piliin lang ang malalaki.
2. Ibabad ang mga butil sa malathion (3 kutsarita sa 5 galon ng tubig) nang mga
2 minuto
upang hindi talaban ng sakit at hayop. Patuluin.
3. Araruhin at pantayin ang lupa, alisan ng damo at sukal. Sabuyan ng tamang
(rekomendadong dami) ng pataba at ihalo ito sa lupa bago ito pantayin. Sa bawat
ektarya
gamitan ng 125-175 kilo ng urea (45-0-0) at 14-14-14 (o 12-24-12 NPK).
Paghaluing
mabuti. Kung walang urea, gumamit ng 235-270 kilo ng ammonium sulphate na
ihahalo
sa 115-130 kilo ng 14-14-14 o 12-24-12 na abono. Ihalo sa lupa.
4. Latagan ng dayami ng palay ang buong lupa ng mga 5 cm. Patubigan ang lupa
nang
husto lang mabasa ito. Pagkaraan ng ilang araw handa na itong taniman.
5. Sa pagtatanim, tandaan ang tataniman ng mga tali na may layong 20 cm sa isa't
isa, sa
ibabaw ng dayami.
6. Ilubog ang bawat butil nang 1/4 sa lupa, tapos diinan ng lupa, sa
magkakalayong 20 cm
hile-hilera.
7. Hindi kailangan ng bawang ang masyadong irigasyon, tama na ang basa ang lupa.
8. Maaari nang anihin kapag 3/4 ng ibabaw na dahon ay nahinog nang husto o
natuyo.
9. Bunutin nang marahan ang mga bawang at ayusin sila nang patayo, hile-hilera,
na ang
dahon ay nasa itaas upang hindi gaanong mainitan ang mga butil.
Mga Kalaban ng Halamang Bawang
1. Ang pamatay sa uod ay pag-isprey ng EPN-300 -- 3 kutsara sa 5 galong tubig na
may
sticker, at Imidan 50 w.p. -- 3 kutsara sa 5 galong tubig na may sticker.
2. Ang pamatay sa bukbok ay 3 kutsarang Tedio V-18 sa 5 galong tubig. Iisprey
minsan sa
isang linggo.
3. Ang mga sakit na Tangle top at Pink Root ay naiiwasan lang sa pagtatanim ng
uri na may
laban dito.
MAGTANIM NG GABI SA PAGITAN NG NIYOG
Ang gabi ay tumutubo sa mataba at buhaghag na lupa na may sapat na dilig habang
ito'y
lumalaki. Ang panahon ng pagtatanim nito ay iba-iba, ayon sa uri ng panahon sa
lugar. Sa Klima
I, ang pagtatanim ay sa Mayo at Hunyo. Sa Klima II buong taon ay maaaring
magpabunga nito;
sa Klima III, Mayo-Hunyo at Oktubre-Disyembre, at sa Klima IV, sa
Hunyo-Setyembre at Enero-
Pebrero.
Pagtatanim:
1. Linisin ang tatamnan ng gabi ng mga damo, ugat at tuod. Araruhin nang
makalawa at
makatlong beses.
2. Gumawa ng mga tudling na mga 75 cm. ang layo sa isa't isa, at 2½ metro mula
sa puno
ng niyog.
3. Itanim ang binhi na kalahating metro ang layo sa isa't isa, sa ibaba ng
tudling.
4. Sa ika-3 buwan, lagyan ng mga 30 gramong pataba (14-14-14), at tabunan ito ng
mataas
na lupa.
5. Sa ika-9 na buwan, maaari nang anihin ang gabi kapag ang dahon ay nanilaw at
untiunting
natuyo.
6. Sa tulong ng pala, hukayin ang buong halaman at bunga.
MGA GAMIT SA GATAS NG KALABAW
Materyales:
1 litro gatas ng kalabaw (1 malaking bote ng Pepsi)
3 tasang asukal
Paraan sa Paggawa:
1. Palaman sa Tinapay
Pakuluan sa bukas na kaserola o kawale hanggang lumapot na parang kondensada ang
gatas at asukal.
2. Pastilyas de leche
Kung nais, patuyuin pa hanggang mawala ang tubig at maging malambot na lamang.
Ilatag nang pantay sa malapad na sangkalan at hiwa-hiwain sa laking nais.
3. Kesong Puti
Paraan:
a. Initin ang gatas sa init na 40° C. Kung walang termometer, malalaman na
ganito kna ang
init kung lulubog nang kaunti ang likod ng kamay sa ibabaw ng gatas. Kung
matatagalan
ang init nang ilang minuto, ayos ng nga ang init nito.
b. Alisin ang lutuan sa kalan at lagyan ng 20 cc katas ng abomasum (crude rennet
extract)
at isang (1) kutsarang suka. Ito ay nagagawa sa pagbababad ng kapirasong
abomasum
(1 sa 4 na sikmura ng baka na makukuha sa matadero) sa mainit na tubig.Sa loob
ng
kalahating oras, ang gatas ay maglalatak at mamumuo. Hiwa-hiwain ito nang
maliliit na
kuadrado parang mais.
c. Ilagay sa lutuan at initin nang mga 30 minuto hanggang sa matunaw ang mga
ito. Haluin
nang marahan. Lagyan ng isang kutsarang asin, haluing mabuti.
d. Palamigin. Iwan sa lalagyan nang mga limang minuto at alisan ng sobrang
tubig.
e. Lagyan ng isang kutsaritang sodium citrate (nabibili sa botika) upang
mapatagal ito na
hindi nasisira.
f. Pagkahalo, ilagay ito sa mga supot na plastik. Maaaring tumagal ito nang
isang linggo.
NIYOG AT PROTINA SA PAGKAIN NG BABOY
Napag-alaman ng mga mananaliksik sa UP Los Baños na ang copra meal ay maaaring
palitan
ang 39% ng mais at 52% ng soybean oil meal sa pagkain ng baboy.
Ang mais at soybean oil meal ay ang pinaka-importanteng sangkap sa pagkain ng
baboy. Ngunit
10% ng mais at lahat ng soybean oil meal ay inaangkat natin sa ibang bansa, na
nagpapataas ng
halaga ng produktong karneng baboy, at kung minsan ay nasasalat pa.
Noong una, sinasabing hindi dapat hihigit sa 20% ng pagkain ng baboy ang copra
meal. Ngunit
napag-aralan na kung ito'y lalagyan ng karagdagang amino acid (mga protina), ang
daming 40-
45% copra meal sa pagkain ng baboy ay hindi makakaapekto sa paglaki ng baboy at
sa uri ng
karne nito kapat nakatay. Dapat matiyak na ang pagkaing copra ay ligtas sa
aflatoxin (lasong
amag) at walang halo.
Ang porsiyento ng mga iba't ibang protina sa inihahalo sa copra meal ay ang
sumusunod:
Para sa lumalaking baboy (growing):
copra meal 40.00% o kaya 40.00%
soybean oil meal 11.70% o kaya 12.00%
yellow cor 41.25% o kaya 41.18%
L-lysine HCl 0.66% o kaya 0.65%
DL-methionine 0.04% o kaya 0.04%
L-threonine 0.13%
DL-tryptophan 0.02%
Coconut oil 3.06% o kaya 2.99%
dicalcium phosphate 1.31% o kaya 1.30%
limestone powder 1.08% o kaya 1.09%
antibiotic 0.20% o kaya 0.20%
asin 0.30% o kaya 0.30%
vitamin-mineral premix 0.25% o kaya 0.25%
--------------- -------------
100.00% 100.00%
Pormula para sa malaki nang baboy:
soybean oil meal
white corn 53.89%
copra meal 40.00%
L-lysine HCl 0.65%
DL-methionine 0.04%
L-threonine 0.09%
DL-tryptophan 0.03%
coconut oil 0.03%
dicalcium phosphate 1.39%
asin 0.30%
vitamin-mineral premix 0.20%
limestone powder 1.38%
--------------
100.00%
Makipag-alam sa inyong beterinaryo o sa tindahan ng mga feed tungkol sa paraan
ng paghahalo
ng mga nabanggit na sustansya.
PAGPAPATUBO NG KABUTE
(Mushroom -- Agaricus)
A. Materyales
· 500 gramong dayami ng palay (bagasse, dahon ng tubo) (½ kilo)
· 30-50 gramong taing manok (tuyo) (15-25%)
· 3 gramong Urea (1.5%)
· 4 gramong ammonium sulfate (2%)
· 8 gramong apog 4%
· 4½ gramong calcium sulfate (2-2.5%)
· 3-4 gramong potash (1½-2%)
B. Lugar na Patubuan -- 5m x 10m x 5m
· Bubong -- yero, may 2 lusutan ng hangin sa itaas, nakascreen ngunit walang
bintana
dito.
· Hollow block ang pader sa paligid.
· 2 pinto -- isa sa harap at isa sa likod.
· Ang sahig ay semento na may gripo (tubig) sa bawat pinto.
· May 16 na andana gawa sa kahoy, nakaprime -- 1.25m x 9.5m. Nakalayo ito sa
pader
nang ½ metro at 1½m sa gitna, magkalayo ang mga ito nang 60 cm.
· Ang hangin ay papasok,sa pinto kapag nakabukas sandali.
C. Kagamitan
· 1½m x 10m x 1m patubuan na kama
D. Paraan ng Paggawa
Pamamanis ng Dayami -- 5 araw (temperatura 55-65° C)
1. Punuin ng dayami ang kama at diligan ng tubig hanggang tumulo sa tabi.
Babaligtarin
ang dayami tuwing 4 na araw.
2. Sa unang pagbaligtad, ilagay ang taing manok at urea.
3. Sa ikalawang pagbaligtad, ilagay ang ammonium sulfate at kalahating apog.
Naaalis ang
bukol-bukol nito habang namamanis ang dayami.
4. Sa ika-3 at huling pagbaligtad, ilagay ang natitirang kalahati ng apog,
calcium sulfate at
potash.
5. Hahayaan itong mabulok hanggang 16-20 araw depende sa dali ng fermentation.
E. Pagtatanim
1. Ang bahay na patubuan ay dapat sarado ng 5 araw upang makulong ang init at
tumaas
hanggang 55° C-65° C. Ang dayami ay aayusin nang anda-andana na mga 12-15cm
kapal sa loob ng bahay na patubuan.
2. Kalahating kilong punla ang itatanim sa sukat na 1 metro cuadrado na kama.
3. Takpan nang 1-2 cm lupa na kinuha mula sa isang metro ang lalim at hinaluan
ng 1%
apog.
4. Sarhan ang bahay patubuan nang 2 linggo. Titingnan-tingnan lamang ang
tumutubong
kabute.
5. Sa temperaturang 17-22° C at halumigmig na 85-90%, maaari nang umani sa loob
ng 20
araw pagka tanim.
F. Pangangalaga
Upang maiwasan ang pagtubo ng mga kalabang amag (white mold, green mold at blue
mold)
ipinapayo ang sumusunod:
Sa mga peste:
· 1. mag-isprey ng 1 kutsarang benlate sa ½ galon tubig sa tumutubong hindi
nais.
· 2. mag-isprey ng azodrin kung may mga alupihan.
· 3. mag-isprey ng ferrous sulfate 200 ppm na tapang upang maging pare-pareho
ang
pagtubo ng ulo.
· 4. mag-isprey ng fuxal 1,000 ppm na tapang (pataba) pagkatapos na may sumulpot
na.
· 5. Diligan (ng tubig) kapag natutuyuan, o ang halumigmig ay nagiging mas
mababa
kaysa 75%.
PAGPAPARAMI NG PATO
Ayon sa mga dalubhasa ng Philippine Council for Agriculture and Resources
Research (Los
Baños) ang mga sumusunod ay mabisang panuntunan sa pag-aalaga at pagpaparami ng
pato.
1. Panatilihin ang tamang dami ng lalaki sa dami ng babaing pato sa bawat
kamalig: isang
lalaki sa 5 hanggang 10 babae. Mag-iwan ng ilang "extra" ng lalake sa ibang
kamalig
para pamalit kung may mamamatay o magiging hindi produktibo. Ang pagkilala ay:
ang mga lalaking pato ay sumisitsit samantalang ang babae ay kumukukwak.
at ang mga lalake ay pakulot ang buntot.
2. Ang mga lalake ay dapat matanda ng isang buwan kaysa sa babae, upang masiguro
na
handa silang mangasawa.
3. Piliin ang malulusog na pato -- maganda ang hugis ng katawan, mabuti ang anyo
ng
balahibo at masigla ang mga mata.
Huwag kukuha ng mukhang maysakit.
PAKINABANG SA TAING BABOY
Sinasabi ng mga Agrikulturista na ang bawat baboy ay naglalabas ng mga 3 kilong
dumi at ihi
araw-araw. Hindi naman puedeng itambak na lang ito sa isang lugar o itapon sa
ilog sapagkat
makalalason ito sa isda at mga buhay sa tubig.
Sa Taiwan, ang mga magsasaka ay ginagamit ang dumi ng baboy na pataba sa bukid
at mga
palaisdaan. Ito'y dahil napag-alaman na sa kinakain ng baboy, 40% lamang ng
sustansiya ang
napupunta sa katawan at halos ang 60% na natitira ay sumasara sa duming
itinatapon.
Ang mga sustansiyang taglay ng duming ito ay mga 1½% nitrogen, ½% potassium at
kulang ½%
phosphorus.
Ang lugar ng pinag-aalagaan ng baboy ay dapat nasa mataas-taas na lugar. Mula
dito ay may
kanal kung saan dumadaan ang dumi papunta sa isang tangke o poso-negro. Ito'y
ligid ng
semento o ladrilyo. Dito tumutuloy ang dumi, ihi o pagkaing natapon. Ang lusaw
na dumi ay
tumutulong sa bukid. Ang latak o buo ay nagagamit na pataba sa halaman. Ang mga
tanim na
kahiyang sa dumi ng baboy ay palay, mais, sorghum, damong pastulan, gulay at
punongkahoy.
PALATANDAAN NG SARIWANG ISDA AT LAMANG DAGAT
ISDA
· makintab at masikip na balat
· mapulang hasang (bagamat nalalagyan ng kulay)
· malinaw at mababaw ang mata (hindi lubog o namumula)
· hindi malambot ang katawan
· hindi masangsang ang lansa
· buo ang tiyan
· madulas o malaway-laway.
HALAAN AT MGA MAY TALKER
· sarado ang talukap
· malinis at mabuti ang amoy
ALIMASAG, ALIMANGO
· mabigat kaysa sa waring anyo
· matatag pa (hindi tanggal-tanggal) ang mga paa
HIPON
· hindi masangsang ang amoy
· matigas pa at mahigpit pa ang balat.
PATABA MULA SA BALAT NG ITLOG
Kapag giniling nang pino, mabuting pataba ang balat ng itlog sa gulay. Ang
repolyong nilagyan
nito ay mas berde at mas malalapad ang dahon at mas mabibigat kaysa sa hindi
nilagyan.
Maaari din itong gamitin sa pandikit kung ihahalo sa gawgaw. Ginagamit din itong
panghalo sa
semento na pampakapit sa baldosa (1 bahaging semento sa bawat 2 bahagi ng
giniling [pino] na
balat ng itlog).
PATABA MULA SA LATIAN
Ang mga latian ay mayaman sa lupang mataba na maaaring gawing fertilizer. Ayon
sa mga
dalubhasa sa UP Los Baños ang lupa sa latian ay nagtataglay ng ammonium sulfate.
Ito'y
maitim at magaan. Sinasabing ang bawat tonelada (1000 kilo) ng lupang itim na
ito mula sa
latian ay may taglay na mga 40k ng pangunahing sustansiyang kailangan ng halaman
o
katumbas ng 2 bag na ammonium sulfate (21-00 NPK).
PATAGALIN ANG BUHAY NG SUGPO
Paraan ng Paggawa:
1. Magbilad sa araw maghapon ng kusot (ng puting lauan).
2. Ilagay ito sa mga supot na plastik at itago sa refrigerator hanggang ang
lamig ng kusot ay
maging 15° C.
3. Ilagay naman ang sugpo sa palanggana ng tubig dagat; dagdagan unti-unti ng
yelo
hanggang maging 18° C ang lamig nito.
4. Alisin sa tubig ang sugpo at ilagay sa kusot, at isalansan sa karton (kahon)
na ang mga
tabi ay ligid ng styrofoam.
5. Maglagay ng mga 300 gramong dinurog na yelo sa plastik na supot; selyohan
ito, at
ipatong sa kusot.
6. Sarhan ang kahon ng masking tape.
7. Kinabukasan, hugasan ng may yelong tubig-dagat kang sugpo.
Isang Hapon na eksperto sa sugpo mula sa Southeast Asian Fisheries and
Development Center
(SEAFDEC) sa Iloilo ang nagsagawa ng pagsubok na ito upang mapatagal ang buhay
ng sugpo
kahit ito'y naka-empake. Nang binuksan ang kahon kinabukasan, buhay pa ang 93%
ng mga
sugpo. Nang inilagay sa tubig ang mga buhay agad silang lumangoy.
"PEDICURE" PARA SA BAKA
Sa isang pag-aaral sa isang unibersidad sa Carolina, USA, nakita na ang mga baka
ay
nangangailangan ng alaga sa kanilang mga kuko upang makapagbigay sila ng higit
na serbisyo.
Kapag sementado ang kanilang tuluyan, nagagasgas ang kanilang kuko. Kung
malambot naman
ang kanilang tinitigilan, lumalabis naman ang tubo ng kuko. Sa anumang paraan,
nasasaktan ang
baka at nagiging waring pilay dahil madaling pinapasok ng imperksiyon ang paang
may sugat.
Sinabi ng isang propesor sa Puerde Univ. (USA) na ang mga hayop na may
sustansiya ang
pagkain ay malakas tubuan ng kuko; ang baka na ginagamitan ng gomang banig ay
tinutubuan
ng labis na matigas na kuko, kaya mas mahal ang ibinabayad sa tagaputol ng
kanilang kuko.
Sinasabi rin na dapat putulan ng kuko ang baka ng minsan o makalawang beses
isang taon.
Kapag mabuti ang kondisyon ng kuko ng inahing baka, mas maraming gatas ang
ibinibigay nito.
Ang bakang may sakit sa paa ay hindi makakain ng mabuti. Kapag may sugat ang
baka sa paa,
paliguan ang paang ito (ibabad) sa 2-5% copper sulphate solution makalawang
beses
maghapon. Ang regular na paghuhugas ng paa ay makaiiwas sa impeksiyon. Ang
panghugas na
solusyon ay 1 bahagi ng formalin sa 2 bahagi ng tubig.
SALITAN NG LUYA ANG PUNO NG NIYOG
Ang luya ay tumutubo at namumunga nang mabuti sa matabang lupa na mabuhangin o
sa
matabang luad na hindi kukulang sa 30 cm. ang lalim.
Paghahanda ng binhi:
1. Gumamit lang ng sariwa at malusog na bunga. Putul-putulin sa laki na may 20
gramo, na
may 2-3 mata.
2. Hugasan ito at ibabad sa tubig na may captan (sa 20 litrong tubig, lagyan ng
45 gramong
captan) sa loob ng 10-15 minuto.
Paghahanda ng lupa:
1. Alisin lahat ng damo at ugat ng mga maliliit na kahoy.
2. Araruhin nang 2 o 3 beses para maalis ang damong ligaw.
3. Sa layong 2 metro mula sa puno ng niyog, gumawa ng mga tudling na kalahating
metro
ang layo sa isa't isa. Sa tuktok na bahagi ng tudling, itanim ang luya nang
isa-isa sa lalim
na 5 cm. na magkakalayo nang 30 cm.
4. Lagyan ng 1 kutsarang pataba (14-14-14) sa layong 8 cm. mula sa ibaba ng
tudling. (Ang
pinakamagaling na pataba ay ang abo ng mga pinagsunugang dahon at basura sa
bukid).
5. Takpan ang mga tanim ng mga dahon ng niyog, dahong saging o dayami.
6. Sa ika-2 at ika-4 na buwan, lagyan uli ng pataba. Alisan sa paligid ng mga
tumutubong
damong ligaw. Paluwagin ang lupa sa paligid ng tanim upang magka-oxygen ang mga
ugat nito.
Pag-aani:
Sa ika-9 na buwan, ang halaman ng luya ay maaari nang anihin kapag ang tangkay
ay
namumula at waring lanta.
1. Sa maliit na taniman, maaari nang hukayin ang luya sa pamamagitan ng tenedor
sa
bukid.
2. Hilahin ang bunga at ipagpag ang kasamang lupa. Ingatan na hindi mabali o
masira ang
luya.
3. Ihayhay upang matuyo.
Sa malakihang taniman, araro ang maaaring humukay sa tanim.
Patuyuin ang naaning luya sa kamalig na bukas ang paligid. Ihayhay na
pantay-pantay upang
matuyo sa hangin.
VITAMIN C PARA SA BABOY
Ayon naman sa mananaliksik sa UP Los Baños ang mga baboy na binibigyan ng
Bitamina C --
800 mg sa bawat kilo ng pagkain (o feed) ay bumigat at lumaki nang mas mabilis
kaysa sa mga
baboy na ang pagkain ay di nilagyan ng Vitamin C. At kapag nakatay, ang mga
pagkain ng may
Vitamin C ay mas maraming laman at di gaanong makapal ang taba sa likod.
BLAK NA WALANG SEMENTO
Dahil sa tumataas na halaga ng semento, ang Forest Products and Industries
Development
Commission (FORPRIDECOM) ay nagsaliksik upang makagawa ng mga blaks na mula sa
lupa
at tubig,o kombinasyon ng isa o dalawang ibang pinag-ayawan o mga kahoy na
patapon na,
tulad ng ipa, kusot ng niyog, o abo ng kahoy. Ang pampakapit ay apog. Ang apog
ay magaan na
mahanap halos sa buong Pilipinas at gayon din ang ibang gamit sa mga blak na
ito.
Materyales:
· apog
· buhanginkusot ng niyog
· lupa
· ipa
· abo ng kahoy
· abo ng ipa
Mga Kagamitan:
· 1/4" alambreng iskrin
· molde
· pala
Paraan ng Paggawa:
1. Pulbusin ang lupa, alisin ang malalaking piraso sa tulong ng 1/4" wire mesh
screen.
2. Paghaluhaluing mabuti ang alin man sa isa o dalawa, kombinasyon na sumusunod:
a. 3 bahagi lupa + 1 bahagi kusot ng niyog.
b. 3 bahagi lupa + 1 bahagi ipa
c. 5 bahagi lupa + 1 bahagi apog
d. 5 bahagi lupa + ½ bahagi apog + ½ bahagi abo ng ipa
e. 5 bahagi lupa + ½ bahagi apog + ½ bahagi abo (kahoy)
f. 4 bahagi lupa + 1 bahagi ipa + 1 bahagi apog
g. 2½ bahagi lupa + 2½ buhangin + ½ apog + ½ abo (kahoy)
3. Gumawa ng bundok-bundukan ng mga paghahaluin, na may uka sa tuktok lagyan ng
tubig.
4. Buhusan nang marahan ang uka at paghahaluin ng pala. Ang lalabasan ay dapat
hindi
masyadong tuyo o masyadong basa sa pagmomolde.
5. Ilagay sa molde. Yugyugin at kayasin ang ibabaw.
6. Patuyuin sa lilim nang ilang araw.
7. Ibilad sa araw nang ilang araw.
"HOLLOWBLOCKS" MULA SA BASURANG BUKID
Materyales:
· 1 bahagi ng semento3 bahagi ng kusot,
· lupa,
· ipa ng palay,
· tatal,
· pinagkatamnan,o mga butil-butil/durog na katawan ng puno ng niyog.
Paraan ng Paggawa:
1. Paghalu-haluing mabuti, tubigan sa hustong lapot.
2. Ilagay sa molde sa lilim nang ilang oras para matuyo.
3. Pagtuyo na, alisin sa molde ang "block" at itagilid nang 10 araw, na
maya-maya kay
didiligan ng tubig (upang hindi magputok).
"HOLLOWBLOCKS" MULA SA IPA
(o Rice Hull-Ash-Cement -- RHAC)
Paraan ng Paggawa:
1. Abuhin muna ang ipa ng palay.
2. Pinuhin ang abo.
3. Paghaluin ang:
60 parteng semento
40 parteng inabong ipa
tubig
4. Ilagay sa hulmahang yari sa kahoy.
5. Patuyuin.
LADRILYONG LUWAD
Masagana ang ating bansa sa luwad. Isa sa mga lugar na natuklasang may malawak
na
deposito ng luwad ay ang nayon ng Tala, Lunsod ng Kalookan. Di nga dapat
pagtakhan kung
bakit nagtayo rito ang Tala Foundation Ic. (TFI) ng isang pabrikang pinangalang
Cardinal
Ceramics Plant. Ang paggawa ng ladrilyo o laryo ay lubhang kapaki-pakinabang.
Ito'y
nakatutulong nang malaki sa kabuhayan ng mga tao't pamayanang kasangkot sa
kaunlaran ng
bansa. At, sabihin pa, ang mayayaman nating minahan ay nagagamit sa kapakanan ng
madla.
MAG-ULING NG DIYARYONG LUMA
Huwag sayangin ang diyaryong luma! Kapag "brown-out" o naubusan ng gas na
panluto,
maaaring gumamit ng inuling na diyaryong luma.
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad sa tubig ang lumang diyaryo (o mga panloob na dahon ng magasin) nang
mga
dalawang oras.
2. Kung babad na at malambot na, magpunit-punit nito, lamasin at gawing
bola-bola, mga
dalawang pulgada ang bilog.
3. Pigain ang tubig.
4. Ilatag sa semento sa mainit na araw upang matuyo.
5. Kapag tuyong-tuyo na, itago sa supot na plastik upang hindi sumipsip ng
umido.
6. Gamiting panggatong sa halip na uling o kahoy.
MGA BLAK NA YARI SA APOG, LUWAD, AT BUHANGIN
Dahil sa kasaganaan ng mga sangkap na matatagpuan sa buong bansa, ang National
Institute of
Science and Technology ay nakalikha ng mga blak na di kailangang paapuyan pa.
Ang blak ay
may parisukat na mukha at may uka sa mga tagilirang maaaring lagyan ng tali o
bigkis. Ang
sukat ay 8"x8"x6". Ang mga lalawigan ng La Union, Bulakan, Batangas, Quezon,
Bohol at Negros
Occidental ay may mga deposito ng 4 na uri ng "non-metallic ores" na ginagamit
dito. Ang luwad
at batong-apog ay matatagpuan sa halos lahat ng rehiyon ng Kapuluan samantalang
ang mga
bato't buhangin ay masagana sa mga rehiyong III, IV, VI at X.
Mga Hilaw na Sangkap:
· luwad
· bato
· apog
· tubig
· buhangin
Mga Kasangkapang Kailangan:
· piko
· pala
· salaang alambre
· moldeng kahong yari sa kahoy
Paraan ng Paggawa:
1. Durugin sa maliliit na piraso ang mga tipak ng luwad sa pamamagitan ng piko.
Sa tulong
ng salaang alambre, alisin ang mga dumi't di kailangang bagay gaya ng mga bato,
ugat,
sanga, atb.
2. Bistayin ang apog at buhangin nang hiwalay upang maibukod ang malalaking
piraso.
3. Paghalu-haluing mabuti ang limang (5) kahon ng luwad, dalawang (2) kahon ng
apog at
dalawang (2) kahon ng buhangin.
4. Unti-unting dagdagan ng tubig hanggang di natatamo ang tamang timpla. Ang
halo ay di
dapat maging basang-basa ni tuyong-tuyo para mapanatili ng blak ang kanyang
hugis
matapos maisilid sa molde.
5. Ilagay sa moldeng kahoy at siksikin hanggang di napupunong mabuti ang lahat
ng
espasyo. Kayurin ang labis sa molde.
6. Alisin ang molde at ang nayaring blak ay bayaang nasa lilim ng 3 araw. Isunod
dito ang
pagpapatuyo sa araw sa loob ng 3 araw din.
PAGGAWA NG FLOOR WAX
Materyales:
· 800 gramo parapina
· 100 gramo polyethelene wax
· 3.2 litro kerosin (Gaas)
· pangkulay
Paraan ng Paggawa:
1. Tunawin na magkahalo ang parapina at polyethelene wax.
2. Habang mainit pa, lagyan ng pangkulay kung nais. Idagdag ang 3.2 litrong gas.
3. Ibuhos sa molde o lalagyan, palamigin (titigas pag lamig).
PAGGAWA NG KANDILA
Materyales:
· pagkit na parapina (marka China)
· pagkit na polyethelene (marka Japan)
· mitsa
· pangkulay (kung nais)
· molde
· tunawan ng pagkit
Paraan ng Paggawa:
1. Sa 500 gramo (½ kilo) ng parapina, magdagdag ng 125 polyethelene wax at
tunawin sa
mahinang apoy.
2. Kung gagamit ng molde, ibuhos ang tinunaw na wax sa molde, ngunit tiyakin na
nasa
gitna ang mitsa. Madaling titigas ang kandila kung ilalagay ang molde sa tubig.
Kung mahabang kandila ang nais, ihanda muna ang mahahabang mitsa na nakapalawit
nang
bukod-bukod, isa-isa sa isang patpat o hawakan. Ilulubog ang mga ito nang
maraming ulit
hanggang sa makuha ang nais na taba ng kandilang ginagawa.
Sa bawat tubog, kumakapit ang pirapina sa mitsa. Pag-ahon nito ay medyo
matutuyo, ngunit
ilubog ulit upang kumuha ulit ng wax. Paulit-ulit na gawin ito hanggang kumapal
ang bumabalot
na wax sa mitsa.
PAGGAWA NG PAPEL MULA SA DAYAMI NG PALAY
Materyales:
· dayami ng palay
· sodium hydroxide
· sodium hypochlorite
· rosin size
· alum tawas
· katsa
Kagamitan:
· hulmahan (kahoy na susupil sa paghubog ng papel)
· molde na may pinong screen na pansala, kung saan nalalatag ang yaring papel
· lalagyan o palanggana
· kalan
· kaldero enamel o kawa o drum na hinditinatalaban ng asido
· 2-andana screen box
· ang taas na andana ay 20-mesh screen
· ang ibaba ay 100-mesh screen
· pamukpok (martilyo na kahoy ang ulo)
· plantsa o pandiin
Paghahanda ng Materyales:
1. Alisan ng dahon at pinanggalingan ng butil ng palay. Hiwa-hiwain ang tangkay
ng dayami
nang habang 5-7 cm; hugasan.
2. Pakuluan ang dayami sa 2% sodium hydroxide solution 10 bahagi ng solution sa
1
bahagi ng dayami sa loob ng 2-3 oras o hanggang lumambot and tangkay (ng
dayami).
3. Hanguin ang dayami at patuluin sa kahon na screen ang ilalim kung saan ito
huhugasang
mabuti.
4. Durugin ang dayami ng martilyong kahoy.
5. Salain sa dobleng andana na screen sa pamamagitan ng malakas na presyon ng
tubig.
6. Ayon sa nais na puti ng kalalabasang papel, ang masa ng dayami ay maaaring
paputiin
sa isahan o mga ilang hakbang na paraan:
Ang mga kondisyon ay ang sumusunod:
solusyon na nagpapaputi
(sodium hydrochloride) - 2%
lapot - 10%
tagal - 15 minuto
init - 35-45° C
Hugasang mabuti ang masa pagkatapos ng bawat hakbang.
Paggawa ng Papel:
1. Bago magawa ang pilyego ng papel, ang masa ay pinamamaga muna sa tubig sa 2%
lapot sa loob ng kalahating oras.
2. Patuluin ito at gawing bola-bola.
3. Papaluin ito ng kahoy na martilyo hanggang maalis ang mga buo-buo kapag nasa
tubig.
4. Ang binating dayami ay ililipat sa lalagyan at dagdagan ng tubig ayon sa
lapot na nais.
Mas manipis ang papel, mas malabnaw ang timpla ng tubig. Dadagdagan ito ng rosin
size (1%) at tawas (2%).
5. Sa walang hintong paghalo ng timplada, ilulubog ang molde nang kaunti at
sasalok ng
timplada at hahayaang kumalat ito sa molde sa pamamagitan ng pagtatagi-tagilid
nito at
pag-aalog, at hayaang ang labis ay bumalik sa kawa o lalagyan, at ang karamihan
sa
tubig ay lumabas sa scren.
6. Ihiwalay ang molde sa hulmahan at ilagay sa mga piraso ng katsa na sisipsip
sa basa.
7. Takpan ito ng isa pang materyal na sisipsip, at padadaanan ng roller. Ang
screen ay untiunting
hihiwalay sa pilyego (sheet).
8. Ilagay ang pilyego sa lisong yero, takpan ng mga panipsip at diinan nang 4 na
beses ng
roller.
9. Alisin ang mga panipsip at iyangyang (patuyuin) ang mga yari nang pilyego ng
papel.
10. Ang nayaring papel na gawa sa kamay ay kulay gatas, mga 0.43mm kapal, na
gamit sa
mga card at sari-saring gamit sa makapal na papel.
PAGGAWA NG SABON MULA SA LANGIS NG NIYOG
Ang langis ng niyog ay napatunayan nang mahusay gamitin sa paggawa ng sabon. Ang
paraan
ito ay madaling magpabula at maaaring gawin kahit sa bukid o mga nayong maraming
niyog.
Mga Materyales Para sa 14 na Bareta ng Sabon:
· langis ng niyog -- 5 litro (4.6 kilo)
· caustic soda 35 Be o lihiya -- 2.3 litro
· sodium silicate -- 1/4 litro
· pabango (essential oil) -- 2 cc
Mga Kasangkapang Kailangan:
· haluan (pang paa)
· molde, pamputol
· timba
· lalagyang plastik na may gripo
· tangke na lalagyan ng langis (stainless)
Paggawa:
1. Timbangin o sukating mabuti ang langis na gagamitin at isalin sa stainless na
lalagyan na
paghahaluan.
2. Sukatin ang lihiya at unti-unting idagdag sa langis; haluin nang mga 15
minuto.
3. Idagdag ang sodium silicate (pampakapit) at ang pabango, at halo pa nang halo
5-10
minuto.
4. Ibuhos ang timpladang sabon sa mga molde. Hayaan hanggang 72 oras (3 araw).
5. Putul-putuling ang mga bareta sa pamamagitan ng tali o alambre.
Ang sabon ay kulay puti o kulay gatas.
ULING NA BRIKET MULA SA PINAG-AYAWAN
Ang uling na briket ay pinulbos o dinurog na uling na minasa at binuo sa
pamamagitan ng
pampakapit (binder) -- maaaring pulbos na kasaba, mais o kamote. Bilang
panggatong, ang
briket na uling ay mas matindi ang init na naibibigay kaysa sa karaniwang uling
o kahoy. Halos
wala itong usok kapag may sindi, at tuloy-tuloy ang init nito. Mas matagal ang
dingas nito kaysa
karaniwang uling, at madaling dalahin o itago dahil matimbang ito sa bawat
piraso.
Ang briket na siksik na siksik ay nagagamit sa mga pugon na malalaki sa halip na
ang gamitin ay
karbon, sa pagtunaw ng bakal mula sa iron ore o batong pinanggagalingan nito.
Ang briket na uling ay maaaring magawa mula sa ipa ng palay, katawan ng puno ng
niyog, mga
tangkay nito o bao, o bunot at durog o pulbos mula sa bunot, at mga pinagkataman
ng kahoy,
pinagtabasan, mga sangang itinuturing nating basura mula sa mga puno.
Bukod sa gamit na panggatong, ang briket ay nagagamit din sa ibang industriya
tulad ng
paggawa ng carbon disulfide, carbon electrodes, carbon tetrachloride, carbon
carbide, sodium
cyanide at activated charcoal. Ang huling nabanggit ay ginagamit sa pagsala ng
hangin o tubig.
Mga Materyales na Kailangan:
· Uling na hindi mausok
· gawgaw na kasaba, mais o kamote
Mga Kasangkapang Kailangan:
· martilyo o pamukpok
· timba
· molde
· tapayan o patuyuan
Paraan ng Paggawa:
Ang mga briket ay maaaring magawa sa makina o manual. Ang paraan ay madali, lalo
na sa mga
lugar na maraming niyog.
Manual na Paggawa:
1. Ihanda ang di-mausok na uling -- makikilala ang mabuting uling kung ito ay
makintab at
waring metal ang tunog kapag itinuktok.
2. Durugin ang uling sa pamamagitan ng pagpukpok.
3. Iluto ang pulbos na kasaba (o pulbos na kamote o mais) sa banayad na init.
Ang gawgaw
na lalabasan ay dapat maging malapot na parang sirup ngunit hindi makapal o
malabnaw. Ito ang magiging pampakapit o binder.
4. Haluing mabuti ang pinulbos na uling at pampakapit na gawgaw sa isang timba o
lalagyan.
5. Masahin ito tulad ng paggawa ng tinapay.
6. Ilagay sa molde, halimbawa, tulad ng sungkaan.
7. Ibilad sa araw para matuyo. Mas mabuti kung sa horno (o tapahan o patuyuan sa
gagatungan).
ULING MULA SA BUSAL NG MAIS
Materyales:
· busal ng mais
· dram na de-200 litro laki
· pandilig na regadera o lata
Paraan ng Paggawa:
1. Punuin hanggang 1/3 ng dram ng busal ng mais at apuyan hanggang wala na itong
usok
2. Punuin pa ang 2/3 ng dram at sunugin muli hanggang wala nang usok.
3. Kapag hindi na umaaso, bakantihin ang dram.
4. Diligan ang mga busal hanggang mawala ang apoy.
5. Ilatag ang mga busal at patuyuin sa araw.
6. Ibukod ang uling sa durog at abo.
7. Itago sa lalagyan.
WOOD WOOL CEMENT BOARD
Ang wood wool cement board (WWCB) ay materyales na parang tabla na binubuo ng
mga
pinagtabasan, pinagtapunan at pinag-ayawan sa agrikultura, tulad ng mga tinabas
na kahoy,
sanga, puno o mga tulad nito, na kinatam nang pino at sinamahan ng semento at
ilang mga
kemikal sa pagbuo nito.
Ang ilang gamit nito ay pang partisyon sa loob ng bahay at panlabas na tabike,
at sa mga bagay
na ginagamitan ng plywood, hollow block o halong tisa atplywood.
Maaari din itong gamitin na "insulating material" na may laban sa amag.
Ang "board" na ito ay mura, matibay at maraming gamit. Ang paggawa ay simple at
hindi
nangangailangan ng maselan na gamit o espesyal na talino. Ito ay water proof at
hindi madaling
magdingas, kung ihahambing sa ibang materyal na gapareho ng gamit.
Materyales:
· higanteng ipil-ipil semento (Portland o Fortune)
· santol calcium chloride technical (grade 23 mangga sa tindahan ng semento)
· lauan
Kagamitan:
· marine plywood caul plates
· 3 hydraulic jack (10 ton. kapasidad na naglalapat ng diin na mga 2kg/sq. cm.)
· yakal na pan diin sa mga tabla
· bolt (tornilyong pantaranka sa tabla)
· matalas na bolo o palakol
· makina na paggawa ng excelsior (parang pinagkataman)
Paraan ng Paggawa:
1. Ang mga kahoy na 12-40 cm. and diametro ay pinuto-putol nang 40 cm. at
tinanggalan
ng balat (o bakol).
2. Ipinasok sa makina na pang excelsior (parang pinagkataman na 4mm x 4mm ang
labas
na mga kahoy).
3. Ibinabad ang excelsior sa tubig nang 2 araw, ngunit pinapalitan araw-araw ang
tubig
upang matanggal ang asukal at mga nalulusaw na sustansiyang taglay ng mga kahoy.
4. Inilatag ang excelsior sa sahig para matuyo ng mga 2 araw, depende sa kapal
ng latag
nito.
5. Hinalo nang mabuti ang excelsior at semento (45/55%) at calcium chloride
technical
grade nang mga 2-3 minuto.
6. Inilatag nang pantay ang pinaghalong semento at excelsior sa 12mm. kapal na
marine
plywood caul plate na nilalatagan ng plastik, at hinubog sa pamamagitan ng
pagpapatong-patong ng caul plate.
Para sa 12mm kapal na board, ang lumabas ay 12 banig, sa 30mm, 10 banig at sa
50mm kapal -- 7 banig sa bawat balsada ng pagdidiin.
7. Ang mga banig ay dinaganan ng 3 hydraulic jack ng tig-10 tonelada kapasidad,
(na ang
bawat jack ay naglalapat ng diin na mga 2kg/cm kuadrado).
Mga blokeng yakal ang ginagamit na pang diin sa nais na kapal ng board.
8. Pagkatapos na maisalansan, inipit ang mga ito ng bolt (tornilyong pantranka)
nang 24 na
oras.
9. Isinalansan pagkatapos ang mga board na may 2 patpat (o kahoy) sa bawat
pagitan
upang mapadali ang pagkondisyon ng mga ito, sa loob ng 3-4 na linggo.
Ang mga nagawang Wood Wool Cement Board (WWCB) ay nakapasa sa pamantayan
ng WACB ng ibang bansa.
SAHIG MULA SA DUMI NG KALABAW O BAKA
Ang sahig mula sa dumi ng kalabaw o baka ay matandang teknolohiya sa kanayunan,
na
tinatawag na "bastiya." Nang nakilala ang semento, ito'y napatabi. Ngunit
ngayong napamahal
ang semento, ang bastiya ay ibinabalik na muli, lalo na sa mga paligid ng
Antipolo, Rizal, kung
saan ang pampakapit na halamang puso-puso ay laganap. Sa Gitnang Luzon, ang
panghalo ay
dayami o tuyong tangkay ng palay. Ang kaigihan ng dumi ng kalabaw at baka na
sahig ay hindi
ito maalikabok.
Mga Materyales:
· Dumi ng kalabaw o baka (1 araw ang tanda)
· tubig
· dahon ng puso-puso (Tagalog)
Mga ibang pangalan ng puso-puso sa iba't ibang lugar:
· Balanganan (Mindoro)
· Mapipi (Ticao Island)
· Butus (Bataan)
· Olos-olos (Pangasinan)
· Dalawen (Isabela)
· Parasablut (Zamboanga)
· Dunggul (Cagayan)
· Sablot (La Union, Cagayan, Ilocos Sur, Lauat (Masbate) Isabela)
· Lokblut (Aniburayan)
· Siblot (Cagayan)
· Omangog
· (Guimaras Island)
· Tagu-tugan (Camarines)
· Malakakao (Bataan)
· Tubjus (Batanes Islands)
· Marang (Polilio)
Mga Kagamitan:
· lusong at pambayo
· lata na walis o bras
· malambot na walis o bras
Paraan ng Paggawa:
1. Paghahanda ng pundasyon
Kulungin ng kahoy, kawayan o bato ang lugar na nais lagyan ng ploring (sahig).
Luwad o
lupa (garden soil) ang pundasyon mga 3 pulgada ang kapal.
Pagkapantay nito, lagyan ng abo upang kuminis.
2. Paghahanda ng dumi ng kalabaw/baka.
Maghalo ng 7 bahagi ng kalabaw sa 2 bahagi ng tubig (o ang lapot na gusto) at 3
bahagi
ng dinikdik na puso-puso.
Ito'y humahalo nang manual lamang (kamay).
3. Magpahid ng manipis, isang direksiyon lamang, sa tulong nga bras o malambot
na walis.
Pagtuyo na, magpahid ng ikalawang patong. Dagdagan ng tubig ang tinimpla kung
natutuyo ito. Ulitin nang ulitin ang ganito hanggang matamo ang kapal ng
flooring na
nais.
Karaniwan, ang flooring ay natutuyo sa maghapon.
PATAGALIN ANG PAGKASARIWA NG ISDA
Ang mga palatandaan ng sariwang isda ay nakikita sa kanyang panlabas na anyo at
amoy at sa
paraang kemikal na pagsusuri.
Maliban sa hito at dalag, ang isda ay humihinto ng paghinga sa oras na maalis
ito sa tubig, lalo
na maalis ito sa tubig, lalo na ang isdang-dagat.
Mabili sa ibang bansa ang ating isda, lalo na ang bangus, sa mga Pilipino doon;
ngunit hindi tayo
makapagpadala nito sa abroad kundi sa anyo ng daing at tinapa kadalasan,
sapagkat hindi
makapasa sa pamantayan ng ibang bansa ang pag-iimbak natin nito sa yelo dahil sa
maling
paraan.
Ang pagkabulok ng isda ay dulot ng mga bacteria at sangkap na enzymes na nasa
labas ng isda,
hindi mula sa kalamnan nito. Dala ito ng tubig kung saan, nanggaling ang isdas,
kay nasa laway
itong isda, sa hasang, at lamang-loob. Halimbawa, ang tuna na huli sa Mindanaw
ay may taglay
na 18 uri ng microorganismo sa bawat gramo ng balat nito; ang talaba na huli sa
Manila Bay ay
may libo-libong organismo sa bawat gramo niya. Sa tuna, ang huli sa Mindanaw ay
walang
taglay na mikrobyo ng dumi ng tao, ngunit ang huli sa Manila Bay ay mayroong
libo-libo nito sa
bawat gramo niya.
Kaya upang maantala nang kaunti ang pagkasira ng sariwang isda, alisin ang
hasang at bituka at
hugasang mabuti upang mawala ang dulas nito.
Sa pagyeyelo ng isda, may antas na nagkakayelong kristal ang laman ng isda - sa
pagitan ng 0'C
at -3.89'C ( 32'F-25'F). Kapag inilagay sa 0'C ang isada sa loob ng 24 na oras
pagkahuli nito,
tatagal ito nang mga pitong (7) araw sa tubig ng yelo (0'C). Mas madaling
magkayelo, at maliliit
ang kristal na yelo sa laman, mas nananatili ang masarap na lasa ng isda. Ito
ang "quick
freezing". Dapat ibaba sa -3.89'C mula sa 0'C ang lamig sa hindi hihigit nang
dalawang (2) oras
upang maging "quick freezing".
Kapag humigit sa 2 oras ang pagkakaroon ng kristal na yelo sa laman ng isda, ito
ang "slow
freezing" na karaniwan sa mga freezer ng refrigerator na pambahay.
Ang isda ay may 15% hanggang 25% protina na may taglay ng lahat ng amino acid
tulad ng mga
nasa karneng baka at manok.
PAG-IIMBAK NG HIPON
Materyales:
· Sodium bisulfite - 1 1/4% (1.25%)
· Tubig - 98.3/4% (98.75%)
Paghaluin ang nabanggit. Ilubog ang hipon dito, at patuluin. Itago sa yelo.
PAGPAPATAGAL NG ISDA KAHIT WALANG YELO
Sa malalayong lugar na walang koryente, ang pagpapanatiling sariwa ng isda ay
malaking
gugulin. Sa india, ang bagay na ito ay matagal nang suliranin, lalo pa sa
panahon ng maraming
huli ng isda. Ang pag-iimbak nila ay sa pamamagitan ng pag-aasin at pagbibilad
sa araw tulad
nang sa atin.
Humanap ng naiibang paraan ang mga mananaliksik nila, na ang isda ay maitatago
nang ilang
araw kahit walang yelo sa karaniwang temperatura, na hindi nawawala ang
pagkasariwa at
mabuting lasa nito.
Sa iba't ibang pagsubok na ginawa na ginagamitan ng mga kemikal na pangpagkain,
nakita nila
ang paraang pinakamabuti, na maaaring manatiling sariwa ang isda hanggang 72
oras mula sa
pagkahuli dito, na hindi sumasama ang lasa.
Paraan ng Paggawa:
1. Linisin ang isda - kaliskisan, alisan ng hasang at lamang-loob, at hugasang
mabuti.
2. Hiwahiwain na posta.
3. Ibabad sa sumusunod na solusyon:
a. 8% asin - pakuluan nang ilang minuto at palamigin at lagyan ng:
.5% potassium sorbate at
0.25% sodium benzoate
Tumatagal ang isdang ibinabad dito nang 72 oras.
b. 8% asin - pakuluan at palamigin, lagyan ng
0.5% potassium sorbate
0.25% sodium benzoate, at
0.1% sodium bisulphite
Mas masarap ang lasa nito sa ika-48 oras, ngunit tumagal din ng pareho noong
una.
4. Paglulutuin na, hugasan at patuluin nang 10 minuto.
BURONG TILAPIA
Sa panahon ng tagbagyo at umaapaw ang mga isda, maaaring magtago nito na
pang-ulam para
sa hinaharap, bukod sa pagdadaing nito.
Mga kailangan:
· lalagyang malaki ang bibig at may takip na mahigpit
· kutsilyo
Materyales:
1. Hatiin sa gitna sa likod ang isda sa pamamagitan ng kutsilyo.
2. Alisan ng hasang, lamang-loob at dugo. Hugasang mabuti.
3. Magsaing ng dalawang tasang bigas sa 4-5 tasang tubig. Palamigin ang sinaing.
4. Pinuhin ang dalawang kutsaritang angkak, ihalo sa 2 tasang kanin.
5. Isterilisahin ang lalagyan (paarawan sandali).
6. Ikalat sa ilalim ng lalagyan nang manipis ang kanin at isalansan ang isda at
kanin nang
salitan.
7. Takpan ng makapal na kanin na suson ang ibabaw sa lahat na isda.
8. Sarahan nang mahigpit ang lalagyan.
9. Hayaang umasim hanggang 3 linggo.
BINAGONG PARAAN SA PAGGAWA NG PUTONG HIPON (Alamang)
1. Gumamit lamang ng sariwang alamang. Hugasang mabuti ang sariwang alamang.
2. Ilagay agad sa mga basket pagkaani at paulit-ulit ilubog sa tubig-dagat upang
maalis ang
mga dumi.
Alisin ang mga isda, suso, damong-dagat, at iba pa na hindi alamang -
makakaapekto
ang mga ito sa lasa at mabangong amoy ng puto.
Huwag paghahawakan upang maiwasan ang pagtubo ng mga microorganism.
3. Pagpapatuyo
a. Ikalat sa banig ang nilinis at pinatiktik o pinatulong alamang - tuyuin sa
araw nang 3-5
oras.
b. Dapat nakataas ang bilaran upang hindi madumihan ng mga nakawawalang hayop.
c. Sikaping ligtas sa langaw at dumi ang ibinibilad.
d. Maaaring magtuyo sa horno (mg 130'C) kung tag-ulan.
4. Pagbabayo - bayuhin ang tinuyong alamang sa malinis na lusong (o bayuhan) -
mga 5
minuto o hanggang naninikit na ang napipinong hipon.
5. Pag-iimbak - balutin ang binayong hipon sa supot at imbakin magdamag.
6. Pag-huhulma - sa sumunod na araw, buuin ang maliliit na puto sa pamamagitan
ng
kamay. Ginagawa ito upang madaling matuyo ang binayong hipon.
7. Pagpapatuyo - ibilad nang 2 oras sa araw upang mabawasan ang halumigmig sa
antas
na 39%.
8. Pagbabayo - bayuhin ang tuyong putong hipon sa lusong, hanggang maging pino.
9. Paghuhulma- buuin sa anyong putong pabilog o pahaba sa pamamagitan ng kamay.
Sa
alin mang anyo, gawing isang kilo ang dami ng bawat isa.
10. Pagpapalamig - hayaan ang putong alamang na lumamig sa temperatura ng silid
na
nahahanginan upang matuyo.
11. Pagpapakete - gumamit ng dahon ng saging na pambalot. Para sa mas matagal na
pag-iimbak, gamitan ng supot na plastik (polyethelene).
Maaring tumagal ito ng hanggang 2 taon kung malinis at maayos ang pagkakagawa at
pagiimpake.
ISDANG QUEKIAM
Materyales:
· 1/2 kilo dalagang bukid
· 1/4 kilo laman ng hipon
· 1 itlog binating mabuti
· 1/2 tasa tinadtad na singkamas
· 1/2 tasa tinadtad na sibuyas
· 1/2 tasa tinadtad na celery
· 1/2 tasa tinadtad na carrot
· 1/2 tasa harina
· 1/4 na kutsaritang nguyong powder
· 1/2 kutsaritang paminta
· 1 1/2 kutsarang asin
· 3 piraso taupee (pambalot)
Paraan ng Paggawa:
1. Himayin ang isda, alisan ng balat at tinik.
2. Tadtarin (o gilingin) magkasama ang hipon at isda.
3. Pagsamasamahin lahat ng sangkap.
4. Pasingawan nang 20 minuto.
5. Ibalot sa taupee o aluminum foil.
6. Iprito sa mainit na mantika.
7. Hiwain sa nais na laki at ihain na may sarsa (sweet-sour sauce).
Sweet-Sour Sauce:
· 3/4 na tasang tubig
· 3/5 na tasang asukal
· 1 kutsarang cornstarch
· 2 kutsarang toyo
· betsin
Pagsamasamahin ang sangkap at initin hanggang matamo ang nais na lapot.
LANGGONISANG ISDA
(Fish Frankfurter)
Materyales:
· 1 ¼ na kilo laman(labahita)
· ¼ na kilo tabang baboy
· 23 gm asin
· 4 gm accord powder (pampakapit)
· 12 gm frankfurter seasoning
· 5.5 gm Prague powder
· 12.5 gm asukal
· ½ kilo yelo
Paraan ng Paggawa:
1. Gilingin na magkahiwalay ang isda at taba ng baboy.
2. Idagdag ang asin at panglasa sa isda.
3. Ihalo ang kalahati ng yelo at haluin nang haluin na pahiwa.
4. Isama ang frankfurter seasoning, taba, asukal, at iba pang yelo.
5. Haluin nang haluin hanggang pino.
6. Isilid sa bituka ng soriso (balat) mga 10 cm haba.
7. Paasuhan nang kalahating oras 71-75’C.
8. Pagkaaso, ilubog sa mainit na tubig (73’C) nang 10 minuto.
9. Alisin ang balat.
10. Impakihin sa lalagyang plastik at itago sa freezer. (Mabuting paaso ang
dahon ng
bayabas.)
PAGLALATA NG BANGUS
Ang isang paraan ng pag-iimbak ng bangus o anupamang isda ay ang paglalata.
Sapagkat hindi
lahat ay may pressure cooker at ang paggamit ng lata ay nangngailangan ng
espesyal na
pangsara, maaring gumamit ng garapon ukol dito sa halip na lata.
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng sariwang bangus ( o isda) na ilalata.
2. Alisan ng kaliskis, lamang-loob, ulo, palikpik at buntot.
3. Hugasang mabuti. Ibabad sandali sa tubig na may asin upang maalisan pa ng
dugo at
maging matatag at maputi ang laman, at magkalasa ito.
Ngunit huwag masyadong patagalin dahil lalambot ang laman. (May iba-ibang
pagluluto
ang ginagawa ng may nais bago ito tuluyang ilata, tulad ng pagpapasingaw,
pagpapaaso
(tinapa), pagbibilad, pagpiprito, pag-aasin, paggiling, at iba pa.)
4. Sa pagsilid sa lalagyan, mag-iwan ng mga 4-5 cm mula sa itaas bago sarahan
ang
lalagyan.
5. Alisan ng hangin ang lalagyan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa kumukulong
tubig
sa init sa 82'C (pasingawan).
6. Sarahan ang lalagyan. Kung lata, sarahan sa sarahang de makina. Kung garapon,
lagyan ng gomang pang selyo sa paligid ng takip.
7. Pakuluan sa 115'C-121.1'C kung garapon o 10-15/sq sa pressure kung pressure
cooker.
8. Palamigin nang kusa pagkaluto.
ISDANG BURGER
Materyales:
· 1 kilo laman ng isda
· 3 kutsaritang asin
· 2 kutsaritang paminta
· 1 tasang tinadtad na sibuyas
· 2 itlog
· 2 kutsaring pulbos na gatas o 4 na kutsarang gatas
· ebaporada
· 1 kutsaritang hamburger seasoning
· langis pamprito
Paraan ng Paggawa:
1. Paghaluhaluin ang mga sangkap.
2. Bilog-bilugin at pipiin, iprito.
KROPEK NA ISDA
Fish Protein Concentrate (FPC)
Materyales:
· 2 tasa gawgaw na mais
· 4 kutsara FPC ( o pinulbos na isda)
· 2 kutsarita asin, kaunting vetsin
· 1 1/2 kutsarita pulbos na paminta
· 4 tasang tubig
· 1 tasang mantika
· arina
Paraan ng Paggawa:
1. Pagsamasamahin ang mga gawgaw, FPC, asin, paminta, vetsin, arina.
2. Haluing mabuti sa 4 tasang tubig.
3. Punasan ng mantika ang bandeha na paglalagyan (iyong maaring initin).
4. Ikalat sa bandeha ang mga tatlong kutsarang timplada na mga kalahating
sentimetro ang
kapal.
5. Pasingawan ang bandeha sa loob ng 2 minuto.
6. Hiwahiwain ang napasingawang timplada sa nais na laki.
7. Ayusin sa isang trey ang mga hiniwa at ibilad sa araw o sa solar drier nang
isa o
dalawang araw.
8. Iprito nang lubog sa mantika.
9. Patuluin at palamigin.
10. Ilagay sa plastik na supot at isara sa pamamagitan ng pag-iinit sa kandila
sa dulo ng
supot.
PAGGAWA NG SARDINAS
Materyales:
· bangus - 100 gramo laki
· sarsa ng kamatis - 4 na kutsara
· langis na panluto - 2 kutsara
· asin - 1/2 kutsarita
· betsin - 1/3 kutsarita
· siling malaki - 2 hiwa
Paraan ng Paggawa:
1. Kaliskisan ang isda, alisan ng lamang-loob, hasang at mga palikpik at buntot.
2. Hiwahiwain ang isda ayon sa laki ng lata. Alisan ng maitim na balot ang loob
ng tiyan.
Hugasan at patuluin.
3. Ayusin sa lata.
4. Pasingawan ang lata nang 20 minuto para maalis ang tubig sa isda.
5. Alisin ang tubig sa loob ng lata. Ilagay ang mainit na kamatis at lahat ng
sangkap.
6. Sarahan ang lata, isalang sa init sa 240'F nang isa't kalahating oras.
7. Upang hindi lumabis ang luto, ilagay agad ang lata pagkaluto sa umaagos na
tubig.
8. Punasan ang pinalamig na lata.
9. Ang mga inalis na bahagi ng isda ay magagamit sa paggawa ng pinulbos na isda,
concentrate o fish curls.
PAGGAWA NG SISIDLAN NG LANGGONISA
Ang mga karaniwang ginagamit na bahay ng langgonisa ay bituka ng kinatay na
baboy, tupa o
baka. Ang bawat bituka ay nabubuo ng limang sapin-sapin na bahagi ng katawan.
Mula sa
loob, ito ay ang:
· mucosa o latag ng uhog o laway na binubuo ng mga selula na tumutulong sa
panunaw,
pagdaloy ng sustansiya at pagsipsip nito mula sa ibang bahagi ng katawan, bukod
sa
iba-ibang ugat at sangkapng panunaw.
· submucosa- may mga hibla at ugat na may taba na nakalubog dito. Ito ay mayaman
sa
collagen, na siyang pinakamateryal ng supot ng langgonisa.
· Paikot na makinis na latag ng muscle o laman.
· latag ng mga hibla.
· serosa (pinakalabas na hilera), binubuo ng manipis na hibla na nababanat. Ang
serosa
ng baka ay mas makapal kaysa sa serosa ng baboy.
Paraan ng Paggawa:
Sa pamamagitan ng kamay, hinihila nang maingat ang bituka mula sa kinatay na
hayop.
Pag-aalis ng taba
Maingat na kayurin ng kutsilyo ang taba. Hangga’t maari, alisin lahat ng taba
sapagkat ito ang
umaanta kapag nalaunan na ang mga bitukang sisidlan, at hindi na maaring gamitin
pa.
Magagamit din ang tabang ito sa paggawa ng mantika.
Maaaring sa unang pagkayod ay hindi maalis lahat ang taba, ngunit unti-unting
maaalis din ang
mga ito.
Sa Paghila ng bituka ng baboy at tupa, naaalisan na ito ng taba, pati na ng
balahibo sa bituka ng
baboy, kaysa sa pagkayod ng kutsilyo.
Sa pag-aalis ng taba, maaring hati-hatiin ang iba-ibang bahagi ng bituka, ayon
sa nais na
paggagamitan.
Pag-aalis ng laman sa bituka
Naaalis ang laman nito sa pamamagitan ng kamay o makina at sa tulong ng
pagbobomba ng
tubig na nakalilinis.
Pag-aalis ng dulas(o laway)
Ayon sa laki at uri ng bituka ang pamamaraang ginagamit sa pag-aalis ng dulas
nito. May
nagpapadaan sa roller o pangkayod na nagtatanggal ng serosa. Ang mas malaki ay
binabaliktad at binobomba ng tubig na mainit.
Pagkalinis nito, ibinababad magdamag sa tubig na may asin na matapang.
Pag-gagrado at pag-iimbak
Ang pag-uuri ng balat ng langgonisa ay ayon sa klasa, laki at uri. Ang mataas na
uri ay iyong
walang depekto tulad ng butas, galos, o butlig. Ito ang tinatawag na “export
quality” sa Estados
Unidos.
Pagkatapos mauri ang mga bitukang sisidlan, binobomba ito ng hangin o tubig
upang masukat
ang laki ng bilog nito. Ang mga bituka ng baboy o tupa ay tinutungkos nang mga
90 metro; ang
sa baka ay mga 30 metro bago ipadala sa mga bilihan.
Pagkauri nito, inaasnan pa uli ng saging pino at iniimbak pang lalo; pinatutulo
ang basa.
Pag igang-iga na, ipinapagpag ito at inaasnan muli kung kailangan.
Iba pang sisidlan:
· Pantog ng baka- pagkalinis ay pinatutuyo sa hangin, kapag tuyo na ay
tinitiklop at maarin
nang ipagbili.
· Sapin-sapin na pinagdugtong-dugtong na sisidlang bituka ng baboy o tupa, na
waring
kinorte sa iba’t ibang molde. Idinadaan sa init ang mga ito na siyang
nagpapadikit-dikit
ng mga sapin. Pagkalamig at pagkatuyo pa, iniimpake at ipinagbibili.
Pag-iimbak ng mga sisidlan
Ang mga sisidlang inimpake sa asin ay nasisira. Kailangan nito ang lamig na mga
4’C ngunit
huwag pabayaang tumigas sa yelo sapagkat magkakaroon ng sira o putok, na
pagmumulan ng
tutubuan ng amag. Ingatan din ang amag na mahilig sa alat- pula ito na siyang
sisira sa iniimbak
na sisidlan.
PATAGALIN ANG BIGAS
Maari nang maimbak nang matagal ang bigas nang hindi ito ginagamitan ng
pesticide. Sa halip,
ginagamitan ngayon ng carbon dioxide( na hindi lason) na ginagamit na pausok.
Ang pesticide ay hindi naman lubusang sumusupil sa mga hayop at bukbok na
pumipinsala sa
bigas na nakaimbak. Kahit bombahan ng pesticide ang mga sako ng bodega, ang loob
nito ay
hindi naaabot, kaya nabubuhay pa rin ang mga bukbok sa kalagitnaan ng sako na
hindi naaabot
ng kemikal. Bukod dito, nag-iiwan ng “latak” ng lason ang pesticide na
nakasasama sa tao.
Paraan ng Paggawa:
1. Magsupot sa plastik at selyohan ng carbon dioxide.
2. Ilagay ito kasama ng mga sakong bigas.
Maiiwasan ang problema ng bukbok at iba pang peste na sumisira sa bigas at
mapananatili ang
mabuting lasa ng bigas kahit hanggang 15 buwan.
KUTSINTANG KALABASA
Materyales:
· 1 tasang kalabasa na nilaga at minasa
· 3/4 tasang asukal na pula
· 3/4 tasang arina (all-purpose flour), salain
· 1 tasang tubig
· 1 kutsaritang lihia (lusawin)
Paraan ng Paggawa:
1. Lusawin ang asukal sa tubig at pakuluan. Palamigin.
2. Unti-unting ilagay ang arina.
3. Ilagay ang kalabasa at haluin nang haluin hanggang pino.
4. Salain.
5. Ilagay ang lusaw na lihia, haluin.
6. Imolde sa mga pan ng mamon na hindi puno. (Lagyan ng patlang mula sa itaas
dahil
aalsa ito pag naluto.)
KALABASANG MAHA
Materyales:
· 1 tasang cornstarch(arina ng mais)
· 3 tasang ikalawang gata ng niyog
· 1 tasang unang gata ng niyog
· 1 1/2 tasang durog na kalabasa(nilaga at minasa)
· 1/4 kutsaritang vanilla
Paraan ng Paggawa:
1. Paghalu-haluin ang cornstarch at 1 tasang ika-2 gata.
2. Ilagay ang 2 tasa pa, ang 1 tasang unang gata, kalabasa, asukal, at vanilla.
Haluing
mabuti, salain.
3. Lutuin sa mahinang apoy at haluin nang haluin hanggang lumapot.
4. Imolde, palamigin.
5. Lagyan ng budbud kapag ihahain.
Paggawa ng budbud:
1. 1/3 tasa ng asukal sa bawat 1 tasa ng sapal ng niyog.
2. Isangag hanggang maging golden brown ang kulay.
KALABASANG HALAYA
Materyales:
· 1 tasang nilaga at minasang kalabasa
· 1 tasang nilaga at minasang gabi
· 1/2 tasang asukal na puti
· 1/3 tasang gatas na kondensada
· 1/4 kutsaritang vanilla
· 2 kutsarang mantekilya
· 1 kutsarang mantekilya pang pahid sa molde
Paraan ng Paggawa:
1. Salain sa salaan ang kalabasa at gabi hanggang maging pinong pasta.
2. Pagsamasamahin ang kalabasa, gabi at asukal.
3. Iluto ito sa mahinang apoy na halo nang halo upang hindi masunog.
4. Kapag lumalapot na, ilagay ang kondensada at vanilla.
5. Ipagpatuloy ang paghalo sa mahinang apoy hanggang matama ang lapot na nais.
6. Ilagay ang mantekilya, ihalong mabuti hanggang ang ibabaw ay makinis at
makintab.
7. Imolde sa nais sa korte sa mga moldeng pinahiran ng mantekilya.
8. Ilagay sa bandeha kapag ihahain na.
KALABASANG "MACAROONS"
Materyales:
· 1/2 tasang mantekilya
· 1/3 tasang asukal na puti
· 4 itlog
· 1/2 balot na dessicated coconut
· 3/4 tasang ginadgad na kalabasa
· 2 kutsaritang vanilla
Paraan ng Paggawa:
1. Haluing mabuti ang mantekilya(i-cream) hanggang maging magaan at mabula.
2. Unti-unting idagdag ang asukal at paghaluing mabuti.
3. Idagdag isa-isa ang itlog, haluing mabuti pagkalagay ng bawat isa.
4. Ilagay ang kondensada.
5. Isama ang dessicated coconut,kalabasa at vanilla.
6. Ilagay sa mga moldehan ng mamon na may sapin na papel o aluminum foil.
7. I-oben sa 350'C nang kalahating oras.
KALABASANG SUMAN (KALCOSUMAN)
Materyales:
· 1/2 tasang malagkit
· 1 1/2 tasang bigas
· 3/4 tasang ika-2 gata ng niyog
· 1 1/2 tasang asukal
· 2 tasang ginadgad na kalabasa
· 1/3 tasang latik ng niyog
· dahon ng saging
· panali
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad na magkasama ang malagkit at bigas magdmag, at giniling na malagkit
(galapong) kinabukasan.
2. Ilubog ang galapong sa gata hanggang lumambot.
3. Idagdag ang asukal at kalabasa.
4. Haluing mabuti at iluto sa mahinang apoy, halo nang halo hanggang lumapot.
Palamigin.
5. Maghanda ng dahon ng saging(ilalaib) na babalutan ng suman.
6. Pahiran ng bahagya ng mantekilya ang ipambabalot.
7. Balutin nang tig-2 kutsara ang dami sa bawat isusuman, na may kaunting latik
sa ibabaw
bago isara ang balot.
8. Talian at pasingawan nang kalahating oras ang suman.
PANDESAL NA KALABASA
Materyales:
· 12% harinang kalabasa
· 88% harinang (trigo) karaniwan
· yeast
· katiting na asin
· mantika
· asukal
Paraan ng Paggawa:
1. Lusawin ang yeast sa mainit-init na tubig at hayaan nang 8-10 minuto.
2. Paghaluhaluin ang harina, harinang kalabasa, mantika, at batihin sa Hobart
mixer (speed
2) nang 6 na minuto habang idinagdag ang asukal at asin. Hayaan ang masa nang
kalahating oras.
3. Pipiin ng rolling ang masa at pagulungin ng pahabang bilog
4. I-oben sa karaniwang paraan ng paluluto ng tinapay.
KALABASA MAIS NA CHIPS
Materyales:
· kalabasa
· mais na harina
· pampalasa (flavoring)
· asukal (o asin)
· mantika
Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang kalabasa, hiwahiwain nang maninipis, pasingawan at gilingin.
2. Ihalo sa kalabasa ang harinang mais sa daming: 7 bahaging kalabasa(70%), 8
bahaging
mais (30%)
3. Ihalo ang pampalasa (asukal o asin at flavoring).
4. Pasingawan nang 15 minuto
5. Padaanin sa makina ng noodle sa kapal na 1.2 cm chips.
6. Tuyuin ang mga lumalabas na chips sa forced draft oven sa init na 65'C-70'C
nang 2 1/2
oras. Tatagal ito nang 6 na linggo sa supot na plastik at 10 linggo sa supot na
laminated.
MASUSTANSIYANG "CRUNCHIES"
Likas sa mga batang lumalaki ang maging masigla at malikot sapagkat puno sila ng
enerhiya.
Ngunit dahil din lumalaki ang kanilang mga sangkap at buto, lalo nilang
kailangan ang
sustangsiya upang matugunang ang pangangailangang ito at matustusan ang
kailangang
enerhiyang lumalabas sa kanila.
Dahil dito, natural na maging mahilig kumain ang mga bata kaya dapat na ang
kanilang kinakain
ay mga pagkaing may katuturan, at hindi mga walang saysay na pagkain o "junk
food".
Ang paghahalo ng munggo at mais ay magbibigay ng malaking pagtustos sa kailangan
nilang
enerhiya. Pinayaman ito sa Bitamina B at A sa sumusunod na paraan:
Materyales:
· 5 1/4 tasa arinang mais (o 800 gramo)
· 1 3/4 tasa arinang munggo (200 g)
· 5 tasa tubig (900 ml o kulang isang litro)
· 2 tasa langis na panluto
· Panlasang barbecue o keso (artificial flavor)
· Bitamina
Paraan ng Paggawa:
1. Ihanda ang pinulbos na mais at munggo sa paggiling nito nang magkabukod.
2. Ihalo ang arinang mais sa arinang munggo.
3. Idagdag ang tubig at mga bitamina, haluing mabuti hanggang maging pino.
4. Isalin ang masa sa mga aluminum na molde nang mga 1.3 cm kapal.
5. Pasingawan ito nang mga 20 minuto.
6. Padaanin ang masa sa panghiwa (sa korteng nais) at 2 cm kapal.
7. Tuyuin sa oben (60'-65'C) nang 2 oras o sa araw.
8. Iprito nang lubog sa mantika hanggang kulay golden brown.
9. Isalin sa pan at budburan nang pantay ng artificial flavor.
10. Itago sa plastik na supot hanggang nais nang ihain.
"CRUNCHIES" NA PAMPADAGDAG NG DUGO
Upang matustusan ang yerong kailangan ng mga lumalaking bata, ng mga buntis at
mga inang
nagpapauso, ang "nutri crunch" na ito ay pinagyaman sa pamamagitan ng dugo ng
hayop-baboy,
baka o manok.
Mga sangkap:
· 800 gramong arinang bigas
· 150 gramong gatas na walang taba (skimmed milk)
· 50 gramong pinulbos na dugo
· 20 gramong asukal
· 15 gramong asin
· 60 gramong barbecue flavor
· 700 ml tubig
· langis na panluto
Paghahanda ng pinulbos na dugo:
1. Ipunin ang dugo sa isang malinis na lalagyan. Ingatan ito sa alikabok at
langaw.
2. Ilatag nang pantay sa aluminum pan na mga 3 1/2 cm kapal.
3. Pasingawan ito hanggang mamuo ang dugo (mga 10-20 minuto).
4. Gilingin o ligisin nang pino.
5. Ilagay ang pinong dugo sa patuyuan at takpan ng katsa o sinamay.
6. Tuyuin ito sa oben (60'C) o sa araw hanggang malutong na, pihitin tuwing
isang oras.
7. Pulbusin sa dikdikan o gilingan; itago hanggang gagamitin. Itago sa plastik
at takpan.
Paggawa ng Malutong na "Crunchies"
1. Magpulbos ng bigas
2. Paghaluin ang pulbos na bigas, pulbos na dugo at pampalasa.
3. Tubigan at haluin hanggang maging masa.
4. Ikalat nang mga 1 1/2cm kapal sa aluminum pan.
5. Pasingawan nang mga 20 minuto.
6. Hiwahiwain sa nais na laki at korte.
7. Patuyuin ang mga piniraso sa oben o sa araw hanggang lumutong.
8. Iprito nang lutang sa mantika hanggang maglobo ang "crunchies".
9. Lagyan na artificial flavor ang naipritong crunchies at alugin hanggang
mapantay ang
lasa ng flavor.
10. Itago sa mga plastik na supot.
DARAK SA HALIP NA HARINA
Sa pagsisikap na makadagdag sa bitaminang kinakain ng mga bata, sinubukan ng mga
mananaliksik ng DOST ang mga paglalahok ng darak sa halip na purong arina ang
gamitin sa
mga tinapay at kakanin
Paraan ng Paggawa:
1. Salain nang pinong pino ang darak.
2. Ihalo nang 10%, 20% o 30% sa gagamiting arina sa paggawa ng: spritz cookies,
lemon
snap cookies, polboron, cookies o oatmeal cookies.
May kaunting mahahalata sa lasa at kulay, ngunit sa pangkalahatan ay kasiya-siya
rin ang lasa.
PAGGAWA NG HARINANG KASABA
May 2 paraan ng pagpupulbos ng kasaba:
A.
1. Hiwain nang manipis ang nalinis at binalatan na bunga.
2. Ipunin ang mga ito sa isang palangganang tubig.
3. Ilatag ang hiwahiwang piraso nang maayos sa isang trey at ibilad sa araw o
tuyuin sa
solar drier.
4. Gilingin ang tinuyong kasaba at salain nang pino.
5. Itago sa lalagyan na mahigpit ang takip.
B.
1. Linisin ang binalatang bunga.
2. Kudkurin at pigain upang maalis ang katas.
3. Ilatag ang kinudkod sa trey at ibilad sa araw o tuyuin sa solar drier.
4. Gilingin ang tinuyong ginadgad na kasaba at salain nang pino.
5. Itago sa lalagyan na mahigpit ang takip.
CASSAVA CHIPPY
Materyales:
· 1/2 kilo kinudkod na kasaba
· 3 gramo betsin
· 1/2 gramo barbecue spice
· 1/2 gramo pamintang itim
· 5 1/2 gramo asin
Paraan ng Paggawa:
1. Linisin at balatan ang kasaba, kudkurin.
2. Pagsamasamahin lahat ng sangkap at kasaba. Haluing mabuti hanggang maging
malapot na pasta.
3. Ilatag nang manipis at pantay sa dahon ng saging o sa aluminum trey.
4. Pasingawan nang mga 5 minuto.
5. Alisan sa pasingawan at ilagay sa sangkalan. Hiwain nang mga 4 x 1 1/2 cm
laki.
6. Alisan ang hiwahiwang pinasingawan at ayusin sa butas-butas na trey.
7. Patuyuin ang mga ito sa araw o patuyuan hanggang lumutong.
8. Ilagay sa supot na plastik at sarhan. Maari na itong iprito na kasaba-chippy.
CASSAVA CHIPS
Materyales:
· 1 kilo kasaba
· 1 kutsaritang betsin
· 1 1/2 kutsaritang barbecue spice panlasang barbecue)
· 3 kutsarang asin at isa pang kurot na asin at isa pang kurot na asin.
· 9 1/2 tasang tubig
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang kasaba, balatan at hiwain pahalang nang maninipis na
maninipis.
2. Ibabad sa 2% asin sa tubig na kasama ang mga panlasa.
3. Ilatag ang hiwa-hiwang kasaba sa trey at pasingawan nang 5 minuto.
4. Tuyuin ang pinasingawang hiwahiwang kasaba sa solar drier (o artificial drier
sa init sa
60'C nang 5 oras).
5. Ibalot sa plastik na supot, sarhan at lagyan ng pangalan.
Maaring itago o iprito na cassava chips.
KASABA-HIPON STICK
Materyales:
· 1 kutsaritang baking powder
· 1/2 tasang all purpose flour
· 2 kutsarang asukal
· 1/4 kutsaritang asin
· 5 kutsaritang pulbos na tuyong hipon
· 2 kutsaritang langis
· 1 kurot na sodium bicarbonate
· 1/2 tasang kinudkod na kasaba
· 2 kutsarang tubig
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang kasaba at balatan, kudkurin.
2. Alisan ng sobrang katas.
3. Paghaluhaluin ang mga tuyong sangkap sa malaking tasa.
4. Ilagay ang kinudkod na kasaba at 2 kutsaritang langis. Haluing mabuti.
5. Sa tulong ng 2 kutsilyo, hiwahiwain ang mga masa nang kasinlaki ng butil ng
munggo.
6. Idagdag ang tubig at lamasing mabuti.
7. Kalatan ng harina ang sangkalan (board) at dito pipiin ang masa sa tulong ng
rolling pin.
Kung kailangan, dagdagan pa ng harina para maging madali ang pagpipi.
8. Hiwahiwain ang piniping masa nang kasinlalaki ng sigarilyo. Pagulungin ang
mga ito
upang mabilog ang tabi.
9. Ayus-ayusin sa lalagyan(baking pan) ast iluto sa horno.
10. Alisin ang mga baking pan sa oben at palamigin.
11. Tanggalin ang mga "stick" sa pan sa kayod ng kutsilyo.
12. Impakihin sa supot na plastik, lagyan ng pangalan o ihain.
CASSAVA BUTTER CAKE
Materyales:
· 1 3/4 tasa pulbos na kasaba
· 1/4 tasa pulbos ng munggo
· 1 tasa asukal
· 1 tasa gatas na binantuan
· 1/2 tasa margarine
· 2 itlog
· 2 kutsarita baking powder
· 1/2 kutsarita vanilla
Paraan ng Paggawa:
1. Salain samasama ang sinukat na harinang kasaba at baking powder.
2. Sa malaking tason, mag-krema ng margarin hanggang maging pino ito.
3. Unti-unting ilagay ang asukal at haluing mabuti.
4. Salit salit na ilagay unti-unti ang:
binating pula ng itlog
harinang kasaba
harinang munggo
baking powder at
gatas
5. Haluing mabuti ang mga ito nang isang direksiyon lang ang paglaho.
6. Batihin ang puti ng itlog hanggang yumabong at tumigas.
7. Ihalo unti-unti sa paghalo ng mga naunang sangkap.
8. Ilagay (lahat) sa panghornong lalagyan (pan) at iluto sa 307'C nang 25-30
minuto.
9. Alisin sa oben at palamigin. Ihain.
CASSAVA COCONUT COOKIES
Materyales:
· 2 1/2 tasang harinang trigo
· 2 1/2 tasang harinang kasaba
· 1/2 tasang asukal
· 1 tasang mantekilya o margarin
· 2 tasang sapal(dessicated coconut)
· 2 itlog
· 5 kutsarang baking powder
Paraan ng Paggawa:
1. Salain samasama ang mga sinukat na baking powder at harinang kasaba.
2. Idagdag ang sapal.
3. Mag-krema ng margarin sa ibang tason.
4. Unti-unting ilagay ang asukal at itlog sa nakremang margarin.
5. Idagdag ang harina at baking powder at masahing mabuti hanggang maging
malambot
na masa. Gumawa ng bola-bola mula sa masa.
6. Pahiran ng mantika o mantekilya ang pang-hornong lalagyan o trey(mga 5
gramo). Pipiin
ang mga bola sa tulong ng tinidor at ayusin sa trey.
7. I-oben (sa pinainitan na horno) hanggang maging golden brown.
8. Alisin ang trey sa oben at tanggalin ang mga cookies habang mainit upang
hindi dumikit.
9. Palamigin, itago sa plastik sa supot, o ihain.
PANDESAL NA MAY KAMOTE
Sa isang pag-aaral sa UP Los Baños, nakita na mas masarap, mas mura at mas
nakapagpapalusog ang pandesal na ginagawa mula sa pulbos na kamote, soybean, at
sorghum,
kaysa sa karaniwang pandesal na gawa sa harina lang.
May dalawang proporsyon na ginamit:
10% arinang kamote
10% arinang soybean
80% all purpose flour
Nagtataglay ito ng 12.25 gramo ng protina,
na may 600 calories bawat 100 gramo
10% sorghum flour
10% soybean flour
80% all purpose flour
Nagtataglay ito ng 14.26 gramo ng protina,
na may 57.04 calories bawat 100 gramo
Sa pagpupulbos ng kamote, tingnan ang pagpupulbos ng kasaba.
PAGGAWA NG TAMALES
Ang tamales ay isa sa mga kaugaliang ihanda ng Pilipino. Ito'y dinala dito sa
atin noon pang
panahon ng kastila, at naging pagkaing espesyal lalo kung may handaan.
Mga kailangan:
(para sa 6 hanggang 8 piraso)
· 3 1/2 tasang bigas(na pinulbos)
· 6 tasang gata ng niyog
· 1 tasang asukal na pula
· asin, paminta na panglasa
· 1 tasang giniling na sinangag na mani
· 2 tasang nilagang mani
· 2 kutsarang buto ng atsuete
· 12 piraso ng dahon ng saging o aluminum foil 10"x12"
· 2 pitso ng manok na nilaga at hiniwahiwa nang 1/2" pirapiraso
· 1/2 kilong baboy na pigi, hiniwa nang 1/2" pirapiraso
· 1/2 kilong niluto, binalatang hipon
· 1/2 kilong lutong hamon na hiniwa nang 1/2" pirapiraso
· 2 nilagang itlog, hiniwa
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad ang buto ng atsuete sa 1/2 tasang tubig. katasin ito (ligisin ng
daliri) at hayaan
nang mga 1/2 oras. Salain at itabi ang mapulang pinagkatasan.
2. Paghaluhaluin ang gata, pulbos na bigas, asukal, asin at paminta.
3. Iluto sa mahinang apoy nang 25 minuto, halo nang halo upang hindi dumikit sa
ilalim ng
kawali.
4. Ihalo ang sinangag na mani(giniling) at lutuin pa nang anim(6)na minuto, halo
nang halo.
5. Ibukod ang kalahati nito sa isang lalagyan. Ito ang regular na timplada.
6. Sa kalahatin g natitira, ilagay ang katas ng atsuete at iluto pa nang 5
minuto, halo nang
halo. Ito ang pulang timplada.
7. Sa dahon ng saging o foil, lagyan ng 3 kutsara ng regular na timplada. Ayusin
ito nang
mga 3 pulgada kuwadrado.
8. Lagyan ng manok, baboy, hipon, hamon, itlog at mani sa ibabaw.
9. Takpan ng 3 kutsarang pulang timplada, balutin sa dahon o tin foil. Mga 6-8
balot ang
magagawa dito.
10. Ayusin sa pasingawan at lutuin nang 20 minuto.
GATAS NG SOYBEAN
Mga kailangan:
· 1 tasang soybean
· 3 tasang tubig panluto
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad magdamag ang soybean. Banlawan, patuluin.
2. Ilaga nang kalahating oras.
3. Patuluin, gilingin nang pino.
4. Ihalo sa 3 tasang tubig.
5. Salain upang lumabas ang katas.
6. Pakuluin ang katas nang mga 15 minuto.
KAPENG SOYBEAN
Sa mga maysakit sa puso at hindi dapat uminom ng tunay na kape, ang kapeng
soybean ay
maaring ipalit.
Paraan ng Paggawa:
1. Linisin ang mga butil, alisan ng mga duming sumasama dito.
2. Isangag sa kawali ang tatlumpong(30) minuto sa mahinang apoy hanggang maging
medyo brown.
3. Gilingin nang pino o dikdikin.
4. Iluto ito tulad ng karaniwang kape.
TOKWA-SAPAL KROPEK
Sa halip na tsitsirya ang mirindalin ng mga bata, makabubuting bigyan sila ng
masustansiyang
kropek mula sa soybean. Ang paraan ay katulad din ng paggawa ng ibang kropek.
Paraan ng Paggawa:
1. Mula sa sapal ng ginawang gatas na soybean, haluan ito ng pulbos na bigas,
tubig at
asin.
2. Haluing mabuti hanggang matamo ang makinis na pasta.
3. Ilatag sa mga trey na aluminyo at pasingawan nang 15 minuto. Palamigin.
Hiwahiwain sa
nais na laki.
4. Ibilad sa araw (o initin sa cabinet dryer sa 70'C) nang tatlong(3) oras o
hanggang
matuyo.
5. Iprito nang lutang sa mantika.
6. Pahiran ng panlasa(artificial flavoring)
7. Impakihin.
KROPEK NA MUNGGO
Upang mabigyan ng higit na sustansiya ang mga bata sa pagkain nila ng mga
tsitsirya, gamitan
ng masustansiyang sangkap tulad ng munggo ang kanilang pagkain.
Mga Sangkap:
· 5 tasang arinang bigas
· 2 1/2 tasang arinang munggo
· 2 tasang langis o mantika
· 2 kutsarang pampalasa(keso o barbecue)
· 1 1/2 kutsaritang asin
· 2/3 tasang tubig
Paraan ng Paggawa:
1. Sa magkahiwalay na paggiling, gumawa na arinang bigas at arinang munggo, at
paghaluin ang mga ito.
2. Idagdag ang tubig at asin.
3. Haluing mabuti hanggang maging malambot na masa.
4. Ilagay sa lalagyang aluminum sa kapal na mga 1cm.
5. Pasingawan ang masa nang mga 15 minuto.
6. Hiwain ayon sa laking nais at hugis na kapal na mga 2cm.
7. Patuyuin sa araw hanggang malutong.
8. Iprito sa kumukulong mantika hanggang lumutong ang kropek.
9. Budburan ng pampalasa at haluin at kalugin.
10. Ilagay sa plastik at isara ng init ng plantsa o kandila.
KESO MULA SA PULBOS NA GATAS AT GATA NG NIYOG
Ang kesong ito ay may taglay na 12%-14% protina.
Mga kailangan:
· 1 2/3 tasang pulbos na skim milk (gatas na inalisan ng taba at tubig)
· 6 1/2 tasang tubig
· 1 1/2 tasang gata ng niyog(una at pangalawang gata)
-lagyan ng isang tasang tubig ang unang paaaggata at 2/3 tasa sa ikalawang
pagkatas
· 4 na kutsarang asin
· 1 1/3 kutsaritang pampabuo(DTRI-IFS-6 milk coagulant). Ito ay nagagawa rin sa
pagbababad ng kapirasong sikmura ng baka(na nakukuha sa matadero) sa mainit na
tubig. (crude rennet extract) 20cc katas nito sa isang kutsarang suka.
Mga kagamitan:
· Kaserola o lutuan na 2 litro ang lulan
· termometro, panghalo, sandok, kutsilyo
· butas-butas na trey o molde
· pambalot(dahon ng saging o cut wrap na pape)
Paraan ng Paggawa:
1. Ilagay ang pulbos na gatas sa lutuan at unti-unting lagyan ng tubig hanggang
malusaw
ang gatas.
2. Ilagay ang gata at asin, haluing mabuti.
3. Initin sa 75'C, haluin nang marahan.
4. Ilagay ang lutuang kay gatas sa isang lalagyang may tubig upang lumamig
hanggang
mga 38'C-40'C.
5. Ilagay ang pampabuo(coagulant) at haluin nang isang minuto.
6. Takpan ang lutuan at itabi nang mga 40-50 minuto o hanggang tumigas at maari
nang
hiwain.
7. Hiwahiwain ang namuong timplada nang mga 1"x1". Itabi nang mga 10 minuto.
8. Alisan (salukin)ang katas (naninilaw na berde), ngunit ingatang huwag masira
ang
hiniwahiwang kurtadong gatas.
9. Haluin bahagya ang kurtadong gatas para lumabas pa ang katas hanggang maipon
ang
mga 1 1/2 litro.
10. Isalin ang kurtadong gatas sa butas-butas na trey o molde na may latag na
malinis na
katsa.
11. Pantayin ang kapal, takpan ng katsa ast hayaang maiga pa nang isa o dalawang
oras.
Kung nais ang mas matigas na keso, hayaan sa vegetable compartment ng
refrigerator nang
magdamag upang maalisan pa ng katas.
PAGGAWA NG TAHO
(mula sa Soybean)
Mga kailangan:
· 3 tasang soybean(walang sakit at bagong ani)
· 2 bar puting gulaman
· 3 tasang asukal na pula
· panala(katsa o nylon)
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad magdamag ang soybean sa tubig na 3 beses ang dami kaysa sa mga buto.
2. Alisan ng balok, gilingin; Dagdagan ng tubig unti-unti (mga 6 na tasa) habang
ginigiling.
3. Magpakulo ng 7 tasang tubig sa isang kaserola, ilagay ang 2 bar na gulaman
hanggang
matunaw ito.
4. Ibuhos ang giniling na soybean sa kumukulo at orasan ito nang 7 minuto o
hanggang
mawala ang amoy ng butil.
5. Salain upang maihawalay ang gatas.
6. Itabi hanggang mamuo.
7. Ihain na may syrop(3 tasang nilusaw na asukal na pula sa 1 tasang tubig).
8. Maaring ikaramelo ang asukal upang maging mas maganda ang kulay at mas
masarap.
TAHO MULA SA GATA NG NIYOG
Sa halip na soybean, gumamit ng gata ng niyog at gulaman sa paggawa ng taho.
Paraan ng Paggawa:
1. Maghalo ng purong gata at kasingdsaming tubig at initin.
2. Magtunaw (sa ibang lalagyan) ng 1/4 na haba ng gulaman sa katamtamang dami ng
tubig, at pakuluan.
3. Salain ang tunaw na gulaman at gata. Initin at haluin nang haluin nang mga 20
minuto.
4. Ilagay sa lalagyang molde at palamigin (patigasin).
5. Paggawa ng syrup:
Maghalo ng dalawang(2)tasang asukal na pula sa isang(1) tasang tubig, initin
hanggang lumapot.
MANGO JAM
Sa paggawa ng mango jam, huwag gamitan ng mga bakal na kagamitan tulad ng
kutsilyo,
kaserola o iba pa upang hindi mangitim ang kalabasang jam.
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang manggang hinog, hiwain at kayurin ang laman.
2. Salain ito sa magaspang na salaan.
3. Sa bawat dalawang(2) tasang laman ng mangga, lagyan ng isang (1) tasang
asukal.
4. Lutuin sa mabigat na aluminyong kaserola o kawale , at haluin nang haluin
hanggang
lumapot.
5. Isalin sa mga garapong pinakuluan (o pinaarawan) at takpan.
TINUYONG MATAMIS NA MANGGA
Mga manggang Pico ang nasubukan nang gawing kendi, sa paraang sumusunod:
1. Hiwahiwain ang laman ng mangga.
2. Lagyan ng sirop unti-unti upang masipsip nito nang husto ang asukal- mula
50'-60'Bx.
3. Lagyan ng 0.2% sodium metabisulfite upang hindi ito masira.
4. Patuyuin sa oben tulad ng pagpapatuyo sa ibang minatamis. (54'C sa 2 oras
hanggang
ang halumigmig ay bumaba nang 16%).
MANGO CHUTNEY
Mga Sangkap:
· 4 tasang hiniwang mangga(manibalang)
· 1/2 pirasong luya
· 1 ulo ng bawang
· 8 pirasong sibuyas-tagalog
· 2 pirasong paminta
· 1 maliit na kahon ng pasas
· 2 tasang suka
· 3 tasang pulang asukal
· 4 kutsarang asin(magaspang)
Mga kagamitan:
· kutsilyong stainless
· kaserola
· palangganang enamel
· sandok
· tasang sukatan
· kalan
· sangkalan
· garapon
Paraan ng paggawa:
1. Piliin ang halos magkakasinglaking manibalang na mangga.
2. Hugasan mabuti.
3. Balatan at hatiin sa dalawa ang mangga. Huwag isama ang buto.
4. Hiwain ang mangga nang pahaba(1/4 pulgada ang kapal).
5. Ilagay sa garapon at budburan ng 4 na kutsarang magaspang na asin.
6. Isa-isantabi nang magdamag.
7. Patiktikin ang mangga.
8. Pakuluan ang suka at asukal.
9. Idagdag ang mga pampalasa at patuloy na initin sa loob ng 5 minuto.
10. Ilagay ang hiniwang mangga at lutuin hanggang lumapot ang pinaghalong
asukal, suka
at ibang pampalasa.
11. Isalin sa pinakuluang bote at takpan.
12. Palamigin nang nakabaligtad at iimbak.
BINURONG MANGGA
Paraan ng Paggawa:
1. Hiwahiwain ang manggang hilaw, hugasan.
2. Budburan ng asin (na hindi hihigit sa 10% at hindi kukulangin sa 5% sa
katumbas na
dami ng tubig kapag tinubigan ito).
3. Kinabukasan, lagyan ng katumbas na dami ng tubig, at hayaang 2 linggo.
BINURONG KAMIAS
Paraan ng Paggawa:
1. Hiwahiwain ang kamias, hugasan.
2. Budburan ng asin (na hindi hihigit sa 10% at hindi kukulangin sa 5% sa
katumbas na
dami ng tubig kapag tinubigan ito).
3. Kinabukasan, lagyan ng katumbas na dami ng tubig, at hayaang 2 linggo.
TINUYONG MATAMIS NA PAPAYA
May mga lugar na umaani nang saganang sagan sa mga bungangkahoy ngunit wala
namang
paraan na mailuwas sa mga pamilihan tulad ng kung may mga pangyayaring hindi
maiwasan. Sa
halip na hayaang mabulok ang mga bungang ito, halimbawa papaya, matamisin na
lang sila at
ipagbili o ihain kung kailan may pagkakataon o kung kailan kailangan. Maaring
tumagal ang
minatamis na papaya, halimbawa, nang 10 buwan sa pagkakaimbak.
Materyales:
· Manibalang na papaya
· Kalamansi - 1 kutsarang katas sa bawat tasa ng sirup
· Sodium metabisulfate powder: sa bawat 1/4 kutsarita, lagyan ng: 1 kutsaritang
apog sa 4
na tasang tubig.
Sirup:
· 1 bahaging asukal sa 2 bahaging tubig
· 1 kilong asukal sa bawat kilo ng hiniwang papaya
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang manibalang na papaya, balatan, alisan ng buto at hugasang
muli.
2. Hiwahiwain nang mga 12 x 4 cm.
3. Ayusin sa nylon o sinamay at pasingawan sa kumukulong tubig nang mga 5-6
minuto.
4. Ibabad ang papaya magdamag sa timplada ng apog at matabisulfite solution.
5. Patuluin.
6. Ilubog ang papaya sa mainit na sirup na may kalamansi. Hayaan magdamag.
7. Kinabukasan, patuluin ang sirup at dagdagan pa ng 1 1/2 tasang asukal.
8. Ilubog ang papaya sa mainit na sirup at hayaan magdamag.
9. Ulitin ang bilang 7,8,at 9 nang 3 araw pa.
10. Patuluin at banglawan. Ayus-ayusin sa trey at i-oben sa 65'-70'C nang 16-18
oras, o sa
araw hanggang kumunat.
11. Isupot at itago.
MATAMIS NA "PRUNES" MULA SA BALIMBING
Mga kailangan:
· 2 kilong balimbing
· 1 kilong asukal na pula
· kaunting asin
· toyo
· 1 kutsarang apog sa 1 galong tubig
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng matatag na balimbing, hugasang mabuti.
2. Hiwain nang pahaba sa apat na piraso ang balimbing.
3. Ibabad sa tubig na may apog magdamag.
4. Hugasan sa umaagos na tubig.
5. Pakuluan nang mga limang(5) minuto.
6. Ilagay ang asukal na pula, pakuluan nang isang oras.
7. Idagdag ang asin, toyo.
8. Patuluin.
9. Patuyuin sa araw.
10. Palamigin, itago sa plastik na supot at sarhan.
KAMATIS NA KENDI
Sa tag-araw na saganang sagana ang bunga ng kamatis, dapat itong imbakin sa
iba't ibang
paraan upang magamit sa panahon ng tagsalat. Ang isa dito ay ang paggawa ng
kendi.
Mga kailangan:
· hinog (pulang) kamatis na makapal ang laman.
· asukal na puti
· garapong pagtataguan o mga sisidlan
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan, banlian at alisan ng balat ang mga kamatis.
2. Hiwain pahalang sa gitna at alisan ng buto.
3. Lagyan ng asukal na kasindami ng kamatis, at iwan magdamag.
4. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang maging malinaw.
5. Ilatag ang mga kendi sa trey at paarawan upang matuyo, o initin sa oben
(cabinet drier)
hanggang halos tuyo.
6. Ipagulong sa asukal na puti at patuyuin muli hanggang maging malutong.
7. Ibalot sa cellophane o plastik o itago sa mga garapon.
PINYA KENDI
Mga sangkap:
· 1 pinya (katamtamang laki)
· 4 tasang asukal
Mga kagamitan:
· kawali/kaserola
· kandila
· sangkalan
· bandeha
· tasang panukat
· kalan
· kutsilyo
· cellophane/plastik bag
· kutsara
· solar drier
· salaan
Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang pinya at alisan ng mata. Hugasan.
2. Hiwain at alisin ang matigas na bahagi sa gitna.
3. Putul-putulin nang pakuwadrado.
4. Ihanda ang arnibal (2 tasang asukal at 1 tasang tubig).
5. Pakuluan ang arnibal. Ilagay ang pinya at pakuluan sa loob ng 20 minuto.
6. Ibabad magdamag.
7. Salain at hugasang mabuti sa tubig.
8. Patuyuin sa solar drier sa loob ng 16-20 na oras.
9. Palamigin.
10. Igulong sa asukal at balutin ng cellophane.
11. Ilagay sa plastik bag.
12. Isara ang dulo ng plastik bag sa pamamagitan ng apoy ng kandila.
PINEAPPLE JUICE
Pumili ng mabuting hinog na pinya (hindi pisak, sobra ang hinog o may
pagkabulok).
Paraan ng Paggawa:
1. Hiwahiwain nang maliliit ang pinya at kunin ang katas.
2. Sa bawat litro ng katas, lagyan ng kalahating porsyentong (1/2%) sodium
benzoate at 3
gramong citric acid upang hindi ito amagin.
3. Lagyan ng asukal kung nais.
4. Initin sa 80’C nang 5 minuto, haluin nang haluin.
5. Isalin habang mainit sa mga garapon o lalagyang lata.
6. Ibanyo marya ng 15 minuto. Palamigin. Maari din itong gawin sa katas ng tubo.
PAGGAWA NG "NATA DE PINYA"
Ang “nata de pinya” ay isang produktong gawa mula sa sariwang katas ng pinya.
1. Pumili ng mga hinog na pinya. Hugasang mabuti upang maalis ang nakadikit na
lupa.
2. Talupan, at hati-hatiin sa maliliit na piraso.
3. Gilingin o tadtarin at kuhanin ang katas sa pamamagitan ng bahagyang pagpiga
ng
kamay.
4. Lagyan ang lamukot ng katimbang na dami ng tubig.
5. Lagyan ng kalahating tasa ng “mother liquor” ang bawat limang tasa ng
pinaghalong
tubig at pinya.
6. Ibuhos ang pinaghalo sa mga malalaking garapon. Punuin ang bawat isa nang
maikatlong bahagi.
7. Takpan ng papel ang mga garapon at ilagay sa isang tabi upang tumubo ang nata
sa
loob ng tatlong linggo.
8. Anihin ang nata at hugasang mabuti.
9. Hati-hatiing pakubiko o pahaba at ibabad sa tubig nang isa o dalawang araw;
palitang
malimit ang tubig.
10. Pakuluan sa tubig ang mga nata nang tatlong beses; palitan ang tubig
pagkakulo
hanggang maalis ang amag at lasa ng suka. Patuluin.
11. Lagyan ng asukal na kasintimbang ng nata ang bigat at haluing mabuti.
12. Hayaan ang pinaghalo na mababad magdamag.
13. Igahin ito nang 10 minuto at lagyan ng nais na pampalasa.
14. Ilagay ito sa pang preserbang mga garapon at isterilisahin sa kumukulong
tubig nang 25
minuto.
15. Pagkaalis ng nata sa pinagpatubuang mga garapon, haluan ng isang tasang
tubig.
Takpan ang mga garapon at hayaang tumubo ang nata. Apat o limang ani ang
magagawa samantalang inuulit ang ganitong pamamaraan.
Paraan ng Paggawa:
Upang maalis ang pait/askad.
1. Pakuluan nang 3 palit ng tubig nang 15 minuto.
2. Ibabad ang balat ng suha sa 2% asin sa tubig magdamag.
3. Ibabad ang pinakuluang balat ng syrup na unti-unting dadagdagan ng tamis
tuwing 3 oras.
4. Pakuluan sa huling lapot ng syrup nang 3 minuto.
5. Banlawan sa kumukulong tubig at patuluin. Ang kalalabasang kendi ay berde.
MATAMIS NA BALAT NG KALAMANSI
Paraan ng Paggawa:
1. Pakuluan ang balat ng kalamansi nang 10 minuto.
2. Alisan ng lamukot (ihiwalay sa balat).
3. Ibabad sa 3% asin sa tubig nang 24 oras.
4. Pakuluan nang 10 minuto sa 2 palit ng tubig.
5. Ibabad sa syrup na unti-unting dinadagdagan ng matamis (35’C-65’Bx).
6. Dagdagan ang syrup ng 10’Bx tuwing 3 oras.
7. Upang kumintab, pakuluan ang mga balat sa huling lapot ng syrup sa loob ng 10
minuto.
8. Banlawan ang mga balat sa kumukulong tubig at patuluin.
9. Patuyuin ang mga balat sa oben nang 2 oras (54.4’C) o hanggang ang halumigmig
nito
ay mga 16%.
10. Ang kulay nito ay berde o berde-oliba; malambot ito at matamis na may lasang
kalamansi-mentol.
SAYOTENG KENDI
Materyales:
· sayote
· asukal
· apog-1/2 kutsarita
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan at talupan ang sayote, alisin ang gitna at hiwain nang pahaba.
2. Magtunaw ng ½ kutsaritang apog sa 4 ½ tasang tubig, ibabad ang sayote dito
nang 3
oras.
3. Patuluin ang sayote, ilagay sa kumukulong tubig nang mga 5 minuto; patuluin
muli.
4. Sa bawat kilo ng sayote, maglagay ng ½ tasang asukal, haluing mabuti at
hayaang
nakababad sa asukal nang magdamag. Patiktikin.
5. Maglagay ulit ng ¼ tasa asukal, pakuluin at ibabad ulit dito ang sayote.
6. Patuluin, ilagay ang sayote sa mainit na tubig.
7. Kunin ang arnibal. Ulitin ang pamamaraan #5 at pakuluin ang asukal hanggang
lumapot.
8. Ibabad ang sayote dito nang ilang araw.
9. Patiktikin at ilagay sa mainit na tubig.
10. Hayaang matuyo. Palamigin at isupot sa plastik.
SAYOTENG "CATSUP"
Materyales:
· Sayote
· asin
· Siling maanghang
· sodium benzoate
· suka
· sibuyas
· asukal
· bawang
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang sayote at hiwaing pahaba.
2. Balatan, alisan ng buto, at hiwaing maliliit na kuadrado(cubes).
3. Pakuluan sa kaunting tubig.
4. Patuluin, ligising mabuti.
5. Maggayat ng sibuyas, bawang, siling maanghang.
6. Paghaluhaluin sa sapat na suka, asukal at isang kurot na asin.
7. Lutuin hanggang sa lumapot.
8. Magtunaw ng pangkulay sa pagkain sa ½ tasang tubig, samahan ng katiting sa
“sodium
benzoate”.
9. Ibote, pasingawin
GUAVA JELLY
Mga kailangan:
· Bayabas na magulang ngunit hindi gaanong hinog
· kalamansi
· salaan(sinamay)
· denaturadong alcohol pantesting
· katsa
· kaserolang aluminyo
· panukat na tasa
· kahoy na panghalo
· garapon
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang bayabas, alisan ng mga dulo.
2. Hiwahiwain nang maliliit, ilagay sa lagaan at lagyan ng tubig na bahagyang
nakalubog
ang mga bayabas.
3. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang lumambot, mga 12-15 minuto.
4. Ilagay sa basang katsa; sa pamamagitan ng pagbalot at pagpilipit dito
bahagyang
palabasin ang katas, ngunit hindi ang laman.
5. Itesting ang taglay nitong pectin. Maglagay ng isang kutsarang katas sa 2
kutsarang
alkohol denaturado; Kung maging Malabo, mahina ang pectin nito. Kung mayaman ito
sa pectin, magkakabuo ito (tingnan sa huli).
6. Itesting sa asim:
1 kutsarang katas ng kalamansi sa
8 kutsarang tubig
Kung masyadong maaasim, lagyan ng katas ng papaya o melon. Kung matabang,
lagyan pa ng kaunting katas ng kalamansi.
7. Lagyan ng isang tasang asukal sa bawat tasa ng katas. Haluin upang malusaw
ang
asukal.
8. Pakuluan at salain muli upang maalis ang mga hindi natunaw na asukal o dumi.
9. Pakuluan mabuti nang hindi hinahalo hanggang matamo ang punto ng pagka-jelly.
Jelly na kapag:
a. ang init sa dulo(ibabaw) ng jelly ay 104’C-105’C.
b. maglubog ng kutsarita sa nilulutong matamis. Kapag jelly na, magsisinulid ang
nilulutong matamis kapag hinango ang kutsarita.
c. magpatak ng 1 ½ kutsarita ng niluluto sa isang basong tubig. Jelly na ito
kapag ang
patak ng matamis ay sumasayad sa ilalim ng baso na hindi kumakalat.
Hayaang mawala ang mga bula o salain ang sagap sa tulong ng malinis na sinamay
bago isalin sa mga garapong pagtataguan.
10. Palamigin nang kaunti. Buhusan ng tinunaw na kandila sa ibabaw ng namuong
jelly.
11. Sarahan at itago sa malamig at madilim na lugar.
Kapag ang ginagamit na garapon ay bago, hindi na kailangan ang kandila sa ibabaw
ng jelly.
Ang bagong garapon ay may lining na goma kaya hindi na kailangan ang kandilang
pansara.
Ang mga ibang prutas na mayaman sa pectin ay anonas, granada, guayabano, papaya,
rimas,
saging, santol, chico, singuelas at kamatis at mga ilan pa.
HALEANG DUHAT (DUHAT JELLY)
Gumamit lang ng hinog na duhat.
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan, alisan ng mga tangkay.
2. Pakuluin nang bahagya sa kaunting tubig sa loob ng 3-5 minuto.
3. Alisan sa apoy at ligisin ng kahoy na kutsara.
4. Ilagay ang nalutong laman sa supot na tela at patuluing mabuti.
5. Lagyan ng isang kutsarang katas ng kalamansi at isang tasang asukal sa bawat
tasa ng
katas ng duhat.
6. Haluin upang matunaw ang asukal at salain muli.
7. Lutuin nang madali hanggang ang magkaparehong maliliit na bula ay mawala at
mangilan-ngilang malalaking bula ay waring tumalon.
8. Sagapan at isilid sa lalagyan.
DUHAT JUICE
Paraan ng Paggawa:
Hugasan ang duhat, sukatin ( sa baso o tasa).
1. Lagyan ng kasing daming tasa/ baso ng tubig ang duhat.
2. Pakuluan nang 15 minuto.
3. Palabasin ang katas
4. Ulitin ang pagtutubig, pagpapakulo at ika-2 pagkatas (2,3 at 4).
5. Pagsamahin ang una at ikalawang katas, salain sa sinamay sa makitalong
tiklop.
6. Dagdagan ng asukal at kalamansin (o ascorbic acid ) sa nais na lasa.
7. Pakuluan muli, isalin sa lalagyan habang mainit.
8. Takpan, palamigin, itago o ihain.
Ang duhat juice ay mabisang gamot sa mataas ang tamis ng dugo o may diabetes.
ORANGE JUICE MULA SA DALANGHITA
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng husto ang hinog at malusog na dalanghita.
2. Hugasan, hatiin nang pahalang.
3. Katasin, salain.
4. Maaring lagyan o hindi lagyan ng asukal.
5. Initin ang katsa sa 85’C nang mga 5 minuto, at sige-sige ang paghalo habang
iniinit ito.
6. Habang mainit, ibuhos sa mga bote(laki 227ml na pinakuluan ), ngunit mag-iwan
ng mga
kalahating sentimetro (1/2 cm) mula sa bibig ng bote.
7. Ibanyo marya (pakuluan sa mahinang apoy) nang mga 10 minuto.
8. Higpitan ang takip, palamigin, itabi na. Lagyan ng tubig at asukal ayon sa
gusto ng
iinom.
ORANGE MARMALADE
Mga kailangan:
· dalanghitang sevilla
· 1 limon asukal
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang mga dalanghita at limon. Alisan ng mga dulo, buto at dumi.
2. Tadtarin ang mga prutas (may balat) nang kamay o makina, ngunit hindi naman
masyadong pino.
3. Ilagay ang tinadtad na prutas (kasama ang balat) sa isang malaking sisidlan
na
matatakpan ng tubig.
4. Ang dami ng tubig ay hindi mahalaga dahil ang pagkulo nito ay makababawas ng
tubig
hanggang matamo ang tamang dami ng tubig at matamis.
5. Ang palatandaan ay kung matamo ang init na mga 105'C.
6. Pakuluan nang walang takip, mga 20-30 minuto o hanggang bumawas ang dami nang
mga 1/3.
7. Initin muli. Sa bawat 575 ml (higit nang kaunti sa 1/2 litro) lagyan ng isang
tasang
asukal, unti-unti, at halo nang halo hanggang malusaw ang asukal.
8. Pakuluan muli at lutuin pa hanggang lumapot (kapag napunto na ang niluluto sa
isang
platito sa init ng silid) o hanggang ang init ay umabot sa (candy thermometer)
na
105'C.
9. Alisin sa apoy at hayaan nang mga 5-10 minuto.
10. Haluin, isalin sa malilinis na bote. Tiyakin na walang nakausli na balat o
matulis.
11. Lagyan ng kaunting alkohol tulad ng brandy o vodka sa ibabaw kung nais.
Ito'y
nagpapataboy ng amag na maaring tumubo sa pagitan ng takip at matamis (mga 1
kutsarita).
12. Maari ding sarhan sa pamamagitan ng de roscas na takip ng bote, kapag ito'y
malamiglamig
na.
GUAYABANO JUICE
Ang paggawa ng "juice" o mga katas ng prutas na inumin ay halos parepareho sa
lahat ng
prutas. Ang naiiba lamang ay nasa nais idagdag na ibang sangkap, at kung minsan,
sa paraan
ng pagtitinggal nito.
Mga materyales:
· hinog na guayabano
· asukal
· kalamansi
Mga kagamitan:
· tasa at kutsarang panukat
· kutsilyo
· lata o boteng pagtataguan
· supot na katsa
· kaserola
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang guayabano, balatan, alisan ng mga buto at ubod.
2. Hiwahiwain ang mga 5 cm kuwadrado.
3. Lagyan ng isang tasang tubig ang bawat tasa ng guayabano.
4. Initin sa 80'C nang mga 3 minuto. Kung walang thermometer, initin
hanggang lumambot at maari nang makuha ang katas nito.
5. Habang mainit, pakatasin sa pamamagitan ng supot ng katsa.
6. Katasin muli sa kaparehong dami ng tubig at salain at isama sa unang katas.
7. Lagyan ng 1/4 na kutsaritang katas ng kalamansi sa bawat tasa ng katas;
lagyan ng
asukal sa nais na tamis.
8. Ilagay sa mga isterilisadong bote. Ibanyo marya sa 82'C init nang mga 15
minuto mula
sa pag-init ng tubig.
9. Sarahang mabuti at ilagay sa kumukulong tubig nang mga 10 minuto.
10. Palamigin, lagyan ng pangalan ang bote at maari nang ihain sa panahong nais.
KENDING SANTOL
Mga kailangan:
· Santol
· asukal
· lihiya (commercial flakes ng sodium hydroxide)
Mga kagamitan:
· trey na aluminyo
· panghalo o sandok na kahoy
· trey na alambre o kawayan
· kaserola (stainless, porselana o mabigat na aluminyo)
· kutsilyo
· termometro
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan sa umaagos na tubig ang santol.
2. Banlian sa kumukulong tubig nang mga 3-5 minuto.
3. Ilubog sa 5% lihiya nang 5 minuto sa init na halos kulo (94'C)
(humigit-kumulang isang
tasang sodium hydroxide solution sa 3 litrong tubig).
4. Ilagay agad sa umaagos na tubig at kayurin ang balat.
5. Hiwahiwain, alisan ng buto.
6. Ihanda ang syrup-1/2 tasang asukal sa bawat tasa ng tubig, dito ilagay ang
mga prutashustong
matakpan sa lalagyan.
7. Pakuluan ang santol sa syrup na ito nang mga 3-5 minuto at ibabad dito
magdama.
8. Alisan ng syrup. Dagdagan ng 1/2 tasang asukal sa bawat 3 tasang syrup at
pakuluan
hanggang lumapot.
9. Ilagay ang santol habang mainit, iwanan dito magdamag.
10. Ulitin ito nang 3 beses.
11. Sa huling pagbabad sa syrup, alisin at banlawan sa tubig ang santol.
12. Ilatag sa trey na alambre at patuyuin sa araw o sa solar drier.
13. Isupot sa plastik bago itago.
PINAYAMAN SA BITAMINA MATAMIS NA BAO
Sa pagluluto ng matamis na bao na palaman sa tinapay, ang sumusunod ay inihalo
upang
magkaroon ito ng karagdagang sustansiya:
· 2 bahagi- gata ng niyog
· 1 bahagi- asukal na pula
· 1% ascorbic acid (Vit.C)
· 2-7% pinulbos na soybean, gisantes, garbanzos, bigas.
Hindi gaanong tumatagal ang paraang ito na tulad ng karaniwang pagluluto ng
matamis na bao,
kaya hindi dapat itago nang matagal.
MURANG PAGKUKUNAN NG SUKA
Nasubukan ng isang mananaliksik na estudyante ng Panabo Provincial High School
na si Dean
Cabote noon pang 1977, na ang tangkay ng dahon ng niyog ay maaari ding pagkunan
ng suka.
Ito'y dahil kung paanong ang nakatikom na bulaklak ng niyog ay nakukunan ng tuba
dahil sa
taglay niyang sustansya, gayon ding sustansya ang dumadaloy sa tangkay ng iisang
puno. Ang
mga ibang napagkukunan ng suka tulad ng mga prutas na matatamis ay mahal na di
hamak,
kung ihahambing dito.
Paraan ng Paggawa:
1. Pumutol ng sariwang tangkay ng dahon, hiwahiwain nang mga 10 cm haba, 5 cm
lapad
at 1/2 cm kapal bawat isa, mga 10 piraso.
2. Pakuluan ang mgai ito sa isang (1) litrong tubig nang mga 10 minuto.
Palamigin
hanggang maligamgam.
3. Lagyan ng 10 gramong asukal na puti( 2 kutsarang pantay) at 3 gramong yeast o
paalsa(1 kutsaritang pantay).
4. Ilagay ito sa garapon na may takip na katsa upang mamanis.
5. Pagkalipas ng 2 linggo, salain at ibanyo marya (pakuluan nang hindi direkto)
nang 10
minuto.
6. Ang natitira na mga 800 gramo ay kasing asim at kasing bango ng 6 na linggong
suka
mula sa tuba.
SUKA MULA SA SABAW NG BIGAS
Ang kailangan:
· asukal na puti- 3/4 tasa sa bawat tasa ng hugas-bigas.
Paraan ng paggawa:
1. Salain ang ika-2 hugas-bigas sa malinis na tela.
2. Sa bawat tasa ng sinalang hugas, lagyan ng 3/4 na tasa ng asukal na puti.
Haluing
mabuti nang matunaw ang asukal.
3. Ilagay sa kaserola at ibanyo marya nang mga 20 minuto. Palamigin.
4. Ilipat sa galon o tapayan.
5. Lagyan ng yeast (paalsa o lebadura) 1/4 kutsaritang yeast sa bawat 4 na
tasang hugas.
6. Hayaang mamanis 4-7 araw, o hanggang wala nang bula.
7. Salain ang maalkohol na hugas upang maihiwalay ang yeast.
8. Sa hugas na ito, idagdag ang panimulang suka - 1 tasang vinegar starter sa 4
na tasang
hugas.
9. Itabi nang isang buwan o hanggang matamo ang asim na nais.
10. Patandain ang suka sa tapayan o damahuwana.
11. Salain at ibanyo marya bago ibote.
12. Kung nais ang malinaw na suka, lagyan ng binating puti ng itlog (2 itlog sa
bawat 40
tasang suka) at salain.
SUKA MULA SA KATAS NG PINYA
Maaring pagkunan ng gagawing suka ang hinog na pinya, sobrang hinog, mga may
galos o mga
pinagbalatan.
Paraan ng Paggawa:
1. Lamasin ang hinog na pinya (o mga nabanggit) at haluan ng tatlong (3)
bahaging tubig
sa bawat isang bahagi ng pinya.
2. Salain sa dobleng katsa.
3. Lagyan ng isa’t kalahating (1 ½ ) kilong asukal sa bawat siyam(9) na litrong
sinalang
katas.
4. Pakuluan sa mahinang apoy (65’C) nang mga 20 minuto, palamigin.
5. Isalin sa damahauana ( o lalagyang losa o porselana) at lagyan ng 2
kutsaritang
Fleischmann’s yeast.
6. Takpan ng malinis na katsa o kaya tapunan ng maluwag na binilog na bulak.
7. Hayaan ito nang 4 hanggang 7 araw hanggang mawala na ang mga bula.
8. Salain sa malinis na katsa ang iba pang buo-buong latak.
9. Pakuluan muli sa 65’C nang 20 minuto. Palamigin.
10. Lagyan ng dalawang (2) litrong panimulang suka (starter o kaya maasim na
suka.
11. Punuin ang lalagyan sa pagpapaasim. Hayaan ito nang mga isang buwan o
hanggang
matamo ang nais na asim.
12. Salain ang suka at ibanyo marya (65’C) upang hindi mabuhayan ng mga
microorganismo. Isilid sa mga lalagyan.
Kung nais ang malinaw na suka, maglagay ng binating puti ng 2 itlog (sa bawat 10
litrong suka).
Initin ito hanggang mamuo ang itlog. Salain.
SUKA MULA SA BALAT NG SAGING
Mga Kailangan:
Sa bawat isang kilong balat ng saging(saba o cavendish)
· 3/4 na tasang asukal
· 1/4 na tasang ammonium sulfite
· sukang panimula (vinegar starter, nabibili sa ITDI Pedro Gil cor. Taft,
Manila)
· baker's yeast
Paraan ng Paggawa:
1. Lagyan ng 4 na tasang tubig ang balat ng saging at pakuluan.
2. Kunin ang katas, salain sa katsa.
3. Ilagay ang ammonium sulfite at asukal, palamigin.
4. Lagyan ng katiting na baker's yeast.
5. Hayaang mamanis nang 8 araw. Ang magiging taglay na alkohol nito ay mga
9%-10%.
6. Lagyan ng isang tasang vinegar starter at itabi.
7. Hayaang umasim sa loob ng 27 araw. Sa panahong iyon ay 4%-6% ang alkohol.
8. Ibote at itabi upang lalo pang umasim.
MGA IBAT-IBANG GAMIT NG SUKA
Bukod sa gamit sa pagkain at pagluluto, may marami pang ibang gamit ang suka
tulad ng mga
sumusunod; ayon sa mananaliksik:
SA PAGKAIN
1. Lagyan ng isang kutsaritang suka sa langis na pamprito upang hindi masyadong
sumipsip ng mantika ang ipiniprito.
2. Upang hindi mangitim ang inilalagang patatas, lagyan ng ilang patak ng suka
ang tubig
na kumukulo.
3. Kapag nagluluto ng itlog na wala sa balat lagyan ng isang kutsaritang suka
ang tubig sa
pagluluto nito.
4. Upang manatiling buo ang butil ng bigas, lagyan ng isang kutsaritang suka ang
tubig sa
pagluluto nito.
5. Nakapagpapagdali ng pagpapalambot ng karne kung lalagyan ng isang kutsaritang
suka
ang pinakukulong karne.
IBA PANG GAMIT
6. Para maalis ang amoy ng mga bote o garapon, banlawan ito ng tubig na may
suka.
7. Kapag ibinabad ang damit sa mainit-init na suka, mawawala ang mantsa ng pawis
dito.
8. Maalis ang mantsa ng pagkasunog kung kukusutin ito nang may suka.
9. Isang kutsaritang suka na isinama sa pagbabanlaw ng medias na nylon, ay
makapagpapanatili ng pagka-elastik nito.
10. Isang kutsaritang suka sa isang pinta ng barnis ay makadadagdag sa kintab
nito.
11. Nakapagpapaalis ng amoy ng pintura sa kuwarto kung maglalagay ng suka sa
isang
platito sa kuwartong may amoy pintura.
SAWSAWAN MULA SA BALAT NG SAGING
Mga kailangan:
· Sa bawat isang kilong balat ng saging (saba o cavendish)
· 12 kutsarang asukal
· 9 kutsarang suka
· 1/4 kutsaritang sodium benzoate
· asin , paminta
Paraan ng Paggawa:
1. Maghugas at hiwahiwain ang balat ng saging at alisan ng mga hibla.
2. Ilubog sa kumukulong tubig nang mga 10 minuto.
3. Lagyan ng 2 tasang tubig, lamasing mabuti at salain sa katsa.
4. Ilagay ang asukal, suka at asin at paminta.
5. Initin sa lutuan na may takip nang mga 10 minuto.
6. Lagyan ng sukang syrup na may panlasa at haluin nang haluin hanggang lumapot.
7. Lagyan ng 1/4 na kutsaritang sodium benzoate.
8. Isalin sa malinis na bote, sarahang mabuti.
9. Pakuluan nang 15 minuto sa tubig.
10. Palamigin.
PASTA MULA SA BALAT NG SAGING
Materyales:
Sa bawat isang kilong balat ng saging
· isang kutsaritang asin
· 2 tasang tubig
Paraan ng Paggawa:
1. Ilubog sa kumukulong tubig ang balat ng saging nang mga 10 minuto.
2. Lagyan ng 2 tasang tubig, masahin at salain sa katsa.
3. Ilagay ang asin, lutuin hanggang malapot na pasta.
4. Ilagay sa malinis na bote, alisan ng hangin at pakuluan nang mga 15 minuto
5. Palamigin.
PAGGAWA NG TOKWA
Mga kailangan:
· 1 tasang soybean
· 1 kutsaritang suka
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad ang mga butil ng soybean magdamag. Palitan ang tubig nang ilang beses,
alisan
ng mga lumulutang.
2. Hugasan, gilingin ang soybean. Lagyan ng mga 6 na tasang tubig sa bawat tasa
ng butil
habang ginigiling.
3. Ilaga ang giniling na soybean nang mga kalahating oras na hinahalo habang
niluluto.
4. Salain sa katsa ang nalutong soybean.
5. Ihalong mabuti dito ang 1 kutsaritang suka sa bawat tasa ng soybean.
6. Balutin sa tela ang namuong soybean.
7. Alisan ng natitirang tubig sa pamamagitan ng paglalagay ng pabigat sa ibawbaw
nito.
8. Ang mamumuong gatas o tokwa ay magagamit nang panghalili sa karne(o
panggulay).
PAGGAWA NG MISO
Ang miso ay may tatlong uri - puting miso, maalat na miso, at may katamtamang
alat na miso.
Ang paghahanda sa mga ito ay naayon sa tagal ng pagbuburo.
Ang mga kailangan ay ang sumusunod:
· Kahoy na kahon 60 x 30 x 5 cm.
· Pressure cooker o caserolang lutuan
· Panligis ng mga butil
A. Puting Miso
1/2 kilong soybean
1 kilong bigas
300 gramong asin
Panimula (starter- A. oryzae)
B. Katamtamang Alat at Madilaw-dilaw na Miso
5 kilong soybean
5 kilong bigas
2 kilong asin
Panimula
C. Maalat at Mapulang Miso
5 kilong soybean
3 kilong bigas
2-10 gramong asin
Panimula
Paraan ng Paggawa:
BIGAS
1. Hugasan ang bigas, ibabad magdamag.
2. Pasingawan hanggang maari nang maligis sa daliri.
3. Palamigin hanggang 35'C at ilagay ang starter.
4. Ihalo itong mabuti ilagay sa kahon sa lugar na ang init ay mga 25'C. Kung
magiging mas
maiinit pa rito, buksan ang mga lagusan ng hangin at hayaang mahanginan ito.
5. Hayaang manganak ang amang sa loob ng 24-48 oras. Haluin ang kanin sa kahon
tuwing 5 oras at pagpalitpalitin ang lugar o salansan ng kahon.
SOYBEAN
1. Linisin ang soybean, ibabad magdamag.
2. Palitan nang 3 beses ang tubig at alisan ng balok
3. Ilaga ( o i-pressure cook) sa 2 bahagi ng tubig hanggang lumambot, palamigin.
4. Durugin ( o lamasin).
5. Ihalong mabuti ang kanin na nilagyan ng amag at asin, ( magtabi ng mga 20
gramong
asin na panlagay sa ibabaw ng mga pagsisidlang bariles).
6. Ilagay nang siksik sa bariles (walang-hangin). Kinisin ang ibabaw at lagyan
ng asin.
7. Takpan ng plastik, daganan nang hindi lumutang.
8. Ilagay sa silid na mga 15'C-30'C lamig.
9. Hayaan itong mamanis nang isang buwan para sa puting miso; 3 buwan para sa
katamtamang alat ng miso; at 6 na buwan para sa maalat na miso.
10. Gilingin ang pinapanis na miso.
11. Ibanyo marya (pakuluan sa double boiler sa 50'C nang mga 20 minuto.
12. Isilid sa mga supot na plastik, alisan ng hangin at sarahan.
PAGPAPATUBO NG TOGE
Ang gulay na toge ay maaring gawin mula sa munggo o soybean.
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad magdamag ang mga butil (soybean o munggo).
2. Sa isang bilao, maglatag ng basang tela. Dito ilatag ang binabad na mga
butil.
3. Takpan ng isa pang telang basa. Mayamaya ay basain.
4. Itabi sa malamig na lugar na walang liwanag (madilim) sisibol ito sa loob ng
3 araw.
Maari din gawin ito sa lalagyang nilulusutan ng tubig, na may sapat na laki para
sa pagtubo ng
sisibol ng toge. Maya-maya ay basain, tulad ng kung ginagawa sa bilao.
PAGGAWA NG BALUT
May dalawang paraan ang paggawa ng balut- isa pang maliitang negosyo at isa pang
malakihan.
Itlog ng pato ang karaniwang ginagamit dito.
Pang maliit na negosyo:
1. Sa isang malaking lalagyan o kahon (na kahoy) maglatag ng pinainit na ipa ng
palay,
mga 6 hanggang 8 pulgada ang kapal.
2. Ang mga itlog na nakasupot ng 20 hanggang 50 ay ayusin sa mainit na ipa.
Takpan ang
mga itlog ng ganoon ding dami ang mainit na ipa.
3. Takpang mabuti ang kahon upang hindi madaling mawalan ng init.
4. Tuwing umaga, tingnan ang mga itlog, at kung kailangang initin muli ang ipa,
na dapat
nasa mga 38'C.
5. Sa ikatlong araw, silipin ang mga itlog sa tulong ng sinindihang kandila o
liwanag kung
lumalaki ang sisiw, o kung may sisiw. Kung wala, alisin na ito. Ibalik sa ipang
mainit
ang may sisiw.
6. Sa ika-13 araw, silipin sa liwanag ng ilaw muli ang mga itlog. Ang hindi
nagsisiw ay
alisin. Ito ang itlog penoy.
7. Sa ganitong gulang, ang may sisiw ay tinatawag na balut sa puti.
8. Sa ika-17 araw, ang sisiw ay may balahibo na nang kaunti. Ilaga na ang mga
ito.
Pang malakihang negosyo:
· Pareho din ang paraan maliban lang sa paggamit ng incubator sa halip na
pinaiinit sa
ipa.
PAGGAWA NG SIOPAO
Materyales:
Para sa Masa:
· 4 1/2 tasang harina
· 1 1/4 tasang tubig na maligamgam
· 3/4 tasang asukal
· 3 kutsarang langis
· 1 kutsarang baking powder
· 2 kutsaritang yeast (lebadura)
· 1/4 kutsaritang asin
Para sa Palaman:
· 1/4 na kilong baboy, o manok
· bawang, sibuyas na panggisa
· 4 na kutsarang toyo
· 1/2 tasang tubig
· 1/2 tasang luto nang beans
· 1 kutsarang harina lusawin sa 1 kutsarang tubig (pampalapot)
Kagamitan:
· Tason o timplahan ng mga sangkap;
· Malapad na sangkalan na paghahaluan ng masa;
· Kudrakudradong papel na sapin ng siopao.
Paraan ng Paggawa:
1. Lusawin ang yeast at asukal sa maligamgam na tubig, itabi nang mga 10-15
minuto.
2. Paghaluhaluin ang asukal, asin, at langis sa tason.
3. Idagdaga ang nilusaw na yeast at kalahati ng harina. Haluing mabuti.
4. Idagdag pa ang natitirang harina at lamasing mabuti.
5. Lamasing mabuti sa sangkalang malapad ang timplada hanggang sa maging
makinis(pino).
6. Gawin itong malaking bola at ilagay sa tason na minantikaan. Mantikaan din
ang ibabaw
ng masa (bola).
7. Takpan at hayaang umalsa sa loob ng mga 30-40 minuto sa araw (o lugar na
mainit).
8. Pipiin ang masa, hatiin nang hatiin at gumawa ulit ng mga bola. Hayaang
umalsa pa.
9. Pipiin ang mga bola, lagyan ng isa-isang kutsarang laman sa gitna at sarahan.
Ipatong
sa kuadradong maliliit na papel bawat bola upang hindi dumikit sa lutuan.
10. Pasingawan nang mga 10-15 minuto, depende sa laki ng mga bola (siopao) na
ginawa.
Paggawa ng Palaman:
1. Igisa ang pinitpit na bawang, sibuyas, hiwahiwang baboy (o manok) na palaman
hanggang maluto.
2. Ilagay ang beans, toyo at kaunting tubig.
3. Bago hanguin sa apoy, ibuhos ang pampalapot na harina at tubig, haluing
mabuti
GULAMAN MULA SA HALAMANG DAGAT
Ang halamang-dagat ay dapat inaani sa dagat nang maagang-maaga o kung mababa ang
kati.
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti, patuluin at ibilad(ilatag nang manipis sa alambreng screen o
kawayang bilaran) nang 1 linggo.
2. Para mawala ang lansa at amoy, ibabad muli nang 5-10 minuto sa tubig na
sariwa at
tuyuin muli sa araw hanggang maging kulay maruming dilaw.
3. Ikula sa 1 litrong tubig na may 1 kutsarang suka hanggang maging kulay
berdeng oliba.
4. Ibilad muli hanggang maging kulay mababang brown.
Pagkatas ng agar
1. Ilagay ang 1 kilong tinuyong halamang-dagat sa 1 litrong tubig na may 1
kutsarang suka.
o kaya, mas mabisa:
sa 3 1/2 litrong tubig
80 ml ng 0.1 N sulfuric acid
2. Pakuluan at haluin nang haluin sa loob ng 1 oras.
3. Habang mainit pa, salain sa katsa.
4. Hayaang lumamig na mag-isa sa loob ng 5 oras sa temperatura ng silid.
5. Kapag matigas na, hiwahiwain ito sa hugis at laking nais.
6. Ilagay sa yelo na binudburan ng asin nang mga 2-3 araw, o sa freezer na
magdamag.
7. Kinabukasan, hayaang mawala ang lamig at matuyo.
8. Ibilad muli sa araw hanggang matamo ang nais na hilatsa o kapinuhan.
9. Kapag lumamig na, maari na itong iluto o dalhin sa palengke.
PAGPAPALAMBOT NG KARNE
Magtimpla ng 1/10-1% papain-water solution. Ibabad nang ilang minuto dito ang
karne, at
patuluin bago iluto.
PAGGAWA NG PAPAIN
Ang papain ay mula sa papayang hilaw na nasa puno.
· Mas malaki ang papayang hilaw mas marami ang lalabas na latex o dagta.
· Pinakamaraming dagta ang nakukuha sa paghahango unang 3 beses isang linggo sa
isang buwan.
· Mas maraming hiwa (sa paghango) mas bawas ang tulo ng dagta.
· Pinakamabuting oras ng pagkuha ng dagta ay sa pagitan ng 8:00 ng umaga - 12:00
ng
tanghali.
Paraan ng pagkuha ng dagta:
1. Hiwaan ng matalim na kristal ang papayang hilaw nang mga 2 mm lalim.
2. Sahurin ang tumutulong dagta ng plastik na kutsara o tabo at isalin sa
lalagyang kristal
(bote).
3. Tuyuin ang dagta(sa araw o oben).
4. Pulbusin ang dagta.
PAGGAWA NG MIKI SA BALATONG AT BIGAS
(RICE-SOY NOODLES)
Panimula:
Ang patuloy na pagsaliksik ng mababang halaga ng pinagmumulan ng protina at
enerhiya upang
makatulong sa malnutrisyong suliranin ng ating mamamayan ay nagbigay daan sa
masusing
pag-aaral sa pagpapayaman ng protina at enerhiya sa ating pagkain.
Alang-alang sa pagkapopularidad at pagkahilig ng mga Filipino sa mike (noodles)
ang FNRI,
DOST ay nagsagawa ng maprotina at masustansiyang mike (noodles) sa pamamagitan
ng
pagdadagdag ng harina mula sa balatong (soy-beans) sa harina ng bigas. Ang
pinayamang
produkto ay maprotina at masustansiya kaysa nabibili na gawang pangkomersiyal at
ito ay
maaring gamitin sa programa ng supplementong pagpakain.
Mga sangkap:
· Bigas (880g)..............................................4 1/2 tasa
· Tubig, kumukulo (630 ml)............................2 3/4 tasa
· Harina ng soybean (200g)...........................2 1/2 tasa
· Asin (30g).................................................6 kutsarita
· Gawgaw ..................................................1/2 tasa
Mga materyales:
· Mangkok
· Pangkalo (mixer)
· Kutsarita
· Kaldero (kettle)
· Tasa
· Noodle machine
· Cornmill o Gilingan
· Solar dryer/ cabinet dryer
Paraan ng Paggawa:
1. Magtakal ng 4 1/2 tasa ng bigas sa mangkok.
2. Ibabad ang bigas sa 2 3/4 na tasa na kumukulong tubig sa loob na isang oras.
3. Gilingin ang binabad na bigas sa cornmill o gilingan.
4. Idagdag ang 2 1/2 tasa na harina mula sa balatong (soy beans), 6 (tsp.) na
kutsaritang
asin at 1/2 tasa na gawgaw sa giniling na bigas.
5. Haluing mabuti ang tinimpla o pinagsama sa loob ng 5-7 minuto para maging
maayos
ang masa (dough).
6. Hubugin ang mga (dough) pabilog na may 6.4 cm-7.6 cm diametro.
7. Lutuin ang binilog na masa (dough) sa kumukulong tubig sa loob ng 30 minuto.
8. Patuyuin ang nilutong binilog na masa (dough) sa loob ng 10 minuto.
9. Padaanin sa makina ng paggawa ng mike (noodle machine) para maging hibla.
10. Patuyuin sa ang hibla sa kabinet na patuyuan (Cabinet dryer) sa loob ng 4 na
oras sa 48-
50'C o sa araw (Solar dryer) hanggang lumutong.
SOTANGHON MULA SA MUNGGO
Ang karaniwang ginagawang sotanghon ay soybean, ngunit hindi sapat ang ating ani
nito kay
umaangkat tayo.
Ang mga mananaliksik sa UP Los Baños ay nakagawa ng sotanghon mula sa munggo, at
ito ay
walang kaibahan sa karaniwang sotanghon.
Paraan ng Paggawa:
A. Almirol
1. Ibabad sa tubig ang munggo magdamag.
2. Gilingin at salain nang maraming ulit hanggang matamo ang kapinuhan ng 400
mesh na
panala.
3. Ang latak na maiiwan nito ay siyang gagawin sotanghon.
Ang bahaging hindi gagamitin ay nagtataglay ng maraming protina ng munggo, na
magaling
pagkain ng baboy.
B. Sinusinulid na Sotanghon
1. Dagdagan ng kaunting tubig ang almirol habang hinahalo ito nang hinahalo,
hanggang
matamo ang lapot na...
Ang timplada ay magsisinusinulid ngunit napapatid.
2. Ilubog sa kumukulong tubig ang sinusinulid.
3. Banlawan.
4. Itago muna sa malamig bago patuyuin.
5. Ibilad sa araw hanggang martira lang ang 4% halumigmig.
SARIWANG ITLOG
(at ang mga binibigay nito)
Ang itlog ay sariwa:
· Kapag naaninag ang pula nito kung sisipatin ito sa liwanag.
· Lulubog nag pahiga kapag ilagay sa tubig.
· Buo at matatag ang pula kapag binasag, at ang puti nito ay malapot na "jelly",
hindi
matubig.
Patagalin ang pagkasariwa ng itlog:
1. Sa pagsalansan, ang matulis ang nasa ibaba, ang mabilog ang nasa itaas.
2. Punasan lang ng malinis na basahan ang balat kung ito'y marumi, huwag
huhugasan ang
itlog. Kaya bumili lang ng malinis ang balat.
3. Itago sa refrigerator o sa lalagyang nakayangyang o bukas.
4. Ilagay sa preskong lugar. Ang mga itlog ay sumisipsip ng amoy ng kanyang
kapaligiran
ito'y nasa kulang o maamoy na lugar.
Mga gamit sa itlog:
· Upang magpalabot ng sabaw o sarsa ng niluluto.
· Pampakapit tulad ng sa embutido, torta, o relyeno.
· Nagpapagaan sa "cake" at mamon.
· Nagpapaganda sa kulay ng niluluto tulad ng tinapay o empanada.
· Gamit sa paggawa ng mayones at sa mga salad.
· Pang-adorno sa ulam.
Kabutihang ibinibigay ng itlog sa tao:
· Nagpapalusog ng balat at nagpapatatag ng laman.
· Nagpapapula ng dugo.
· Nagpapalinaw ng mata.
· Nagpapabilis ng paglaki ng mga bata.
· Nagbibigay ng lakas para sa trabaho o laro.
Ang mga bata, mga buntis at inang nagpapasuso at matatanda ay nangangailangan ng
kahit
isang itlog isang araw upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang katawan.
Ang mga
may gulay 20 hanggang 59 ay kalahati lang ang pangangailangan sa itlog.
Iba pang mga katangian ng itlog:
· Ang kulay ng balat ng itlog ay walng kinalaman sa taglay nitong sustansiya.
· Ang balut ay mas maraming bitamina A at calcium.
· Nagdudulot ng maraming cholesterol ang itlog, ngunit hindi dsapat kaligtaan sa
pagkain
kahit tuwing makalawang araw.
· Sa pagluluto, ilagay lang sa mahina o katamtamang apoy.
· Ang labis na pagkaluto nito ay nagpapatigas.
· Upang madaling matanggal ang balat ng nilagang itlog, ilagay ito agad sa
malamig na
tubig pagkalaga.
· Sa ganito ring paraan, hindi magkakaroon ng maitin na kulay sa paligid ng
pula.
ITLOG NA MAALAT SA PUTIK (luwad)
Ang isa pang paraan ng paggawa ng itlog na maalat at ang pag-iimbak ng itlog sa
luwad, sa halip
na tubig na inasnan.
Mga kailangan:
· itlog (pato o manok)
· luwad
· asin
Mga kagamitan:
· tasang panukat
· palayok
Paraan ng Paggawa:
1. Paghaluhaluin ang 12 tasang luwad at 4 tasang asin. Unti-unting lagyan ng
tubig
hanggang maging pantay ang halo.
2. Maglagay nito (makapal) sa ilalim ng loob ng palayok.
3. Balutan nito ang bawat itlog.
4. Isalansan ang mga itlog sa palayok, na may mga 2 1/2 cm pagitan upang
maiwasan ang
pagkabasag.
5. Takpan muli lahat ng luwad pa na may asin at itabi nang mga 2 linggo (15
araw).
6. Pagkalipas ng ganitong panahon, sumubok ng isang itlog. Pakuluan nang hindi
init sa
100'C kung matabang pa, tagalan pa ang pag-iimbak sa luwad.
7. Pag husto na ang alat, ilaga ang mga itlog nang mga 15 minuto na ang init ay
hindi aabot
sa 100'C.
8. Kulayan ng pula kung nais.
MAYONESA
Mga kailangan:
· salad oil (maaring palitan ng langis na panluto o mantika)
· katas ng limon (maaring palitan ng suka)
· asin, asukal, paprika (o mustasa)
Paraan ng Paggawa:
1. Ihiwalay ang pula ng itlog at ilagay sa malinis at tuyong tason (1-qrt,
laki).
2. Sa tulong ng tinidor, batihing mabuti at walang hinto(mga 5 minuto) ang itlog
hanggang
maging maputlang dilaw.
3. Idagdag ang asin, batihing mabuti.
4. Idagdag ang mantika ( o langis 28'C init) nang patak-patak habang binabati sa
bawat
dagdag, hanggang mailagay ang mga 1/4 tason.
5. Idagdag ang 1/2 kutsaritang suka, batihin pang mabuti.
6. Idagdag nang salitan ang mantika (o langis) at (suka o limon) batihing mabuti
sa bawat
dagdag.
7. Dagdagan ang dami ng langis nang 1/2 kutsara kapag nagiging matatag na.
8. Batihin nang batihin hanggang mailagay nang lahat ang langis at suka.
9. Isilid ang mayonesa sa garapon na isterilisado at takpan nang mahigpit.
10. Itago sa temperatura ng silid hanggang gagamitin.
PATAGALIN ANG BUHAY NG PRUTAS AT GULAY SA PINAGLAGARIAN
Paraan ng Paggawa:
1. Ilagay ang masa-masang pinaglagarian sa isang malaking timba o palanggana.
2. Ilagay dito ang mga prutas at gulay at tabunan muli ng pinaglagarian.
3. Alisin ang matatalas na bagay sa pinaglagarian na maaring makasugat o
makagasgas sa
prutas at gulay.
-magiging daan ito ng pagpasok ng microorggganismo na sanhi ng pagkabulok.
4. Huwag hayaang maipon ang tubig sa ilalim ng bunton ng prutas o gulay dahil
pasisimulan ito ng pagkabulok.
Sa loob ng 11 araw, 2% lang ang nawawalang bigat ng prutas o gulay sa ganitong
paraan, ngunit
sa karaniwang kondisyon, ito'y nawawalan ng 10% bigat sa ganoong panahon.
Mula sa: Philippine Farmers' Journal, July-Aug. 1983
Iba pang paraan:
Upang mapatagal ang buhay ng mga sariwang gulay, itago ang mga ito sa:
A. Kusot na binasa ng tubig
1. Hugasang mabuti ang kusot (pinagkataman), kung maari ay tubig na may chlorox
- 1
litrong tubig sa 1 kutsarang chlorox.
2. Kung ang kusot ay nagamit nang dati sa pag-iimbak, ibilad muna sa araw upang
maisterilisa.
3. Alisan ng matutulis na piraso o anumang makagagalos sa gulay.
4. Basain at haluing mabuti ang kusot - 1 litrong tubis sa isang kilong kusot.
5. Ilubog ang mga gulay sa basang kusot nang maayos.
6. Itabi sa malamig na lugar.
B. Sariwang Dahon ng Saging
1. Ilaib nang kaunti ang dahon upang hindi maghati-hati.
2. Palitan ang dahon bago ito kumulubot at mawalan ng kapasidad na magpasariwa.
Ang sigarilyas na binalot sa sariwang dahon ay tumatagal nang higit isa't
kalahating linggo,
ngunit kung hindi ito binalot ay mga tatlong araw lang ang itinatagal.
K. Banga o Palayok na Basa
1. Buhusan ng tubig ang bangang nakatakip, hanggang pati ang mga gilid nito ay
basangbasa.
Ulitin kung matutuyo ang mga gilid.
2. Ipatong ang banga sa palanggana o lalagayang may tubig ngunit lagyan sa loob
(sa
ilalim ) ng tuntungan ang mga gulay upang hindi mabulok sa tubig.
Ang mga gulay tulad ng repolyo, kamatis, sitaw, talong, sigarilyas, at kahit
mangga, ay tumatagal
nang isang linggo.
ANG PAG-IIMBAK NG KAMATIS
Napag-aralan ng UPLB na may pamamaraan na maaring isagawa kung nais mapadali o
maantala ang pagkahinog ng kamatis:
1. Kapag itinago ang kamatis sa tuyong abo ng ipa ng palay,ang pagkahinog nito
ay
mapadadali.
Ito'y dahil nagpapadami ng ethylene gas ang tuyong abo ng ipa kay napapabilis
ang
paghinog.
Kung ilalagay sa malamig ay magkakaroon ito ng pulang klulay ng pakahinog.
2. Kapag itinago ang kamatis sa masa-masang abo hindi magpapahinog ni
nagpapaantala
ng pagkahinog. Ang pagkahinog dito ay kusa at mas matigas ang kamatis kahit
hinog,
kaysa sa pinahinog sa tuyong abo.
PINULBOS NA KAMATIS
Paraan ng Paggawa:
1. Ilubog sa kumukulong tubig ang kamatis nang isang minuto.
2. Ilubog sa 500 ppm solution ng sodium metabisulfate nang 2 minuto.
3. Patuyuin sa oben (54'C) o 130 'F nang 9 na oras hanggang ang halumigmig ay
7.5%.
4. Dikdikin ang mga tuyong hiwahiwang kamatis sa almiris upang mapulbos.
Kung gusto nang iluto muli, tubigan nang hustong dami. Ang kalalabasan ay mapula
at lasa at
amoy kamatis.
MAG-IMBAK NG KAMATIS
Ang paggamit ng kamatis sa pagluluto ay walang panahon at maraming masasarap na
lutuin ang
ginagamitan ng kamatis. Ngunit sa panahon ng tagsalat sa kamatis, ito'y
napakamahal kayat
napipilitan ang nagluluto na gumamit ng de lata/kahon na kamatis. Kaya
makakabuting magimbak
nito sa tagsagana.
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang kamatis na husto ang hinog ngunit matigas.
2. Ilubog nang mga isa hanggan kalahating minuto sa kumukulong tubig (o
pasingawan
nang mga 2-3 minuto).
3. Ilubog sa malamig na tubig upang madaling mabalatan.
4. Alisan ng balat at ubod.
5. Isalansan ang mga kamatis nang siksik sa pinakuluang garapon (o pinaarawan)
na ang
agwat mula sa takip ay mga higit isang sentimetro.
6. Huwag tutubigan. Ilagay ang kalahating kutsaritang asin at 1/3 kutsaritang
apog sa
garapon ng kamatis.
7. Alisan ng hangin ang garapon - ilagay ito sa tubig sa kaserola na iinitin
nang mga 77'C
nang 15 minuto.
8. Ang taas ng tubig ay hanggang 2/3 lang ng taas ng garapon upang hindi ito
pasukin ng
tubig.
9. Sarahang mabuti ang garapon at pakuluan nang mga 35 minuto.
10. Palamigin at itago.
MAGTUYO NG KAROT
Ang karot ay mayaman sa Bitamina A at C. Sa panahon ng kasaganaan nito, mabuting
magtuyo
at mag-imbak nito upang magamit kapag dumating ang kasalatan.
Materyales:
· Karot na hustong gulang, matingkad ang kulay at sariwa
· gawgaw: 4 na kutsara at 4 na tasang tubig,
- haluin nang haluin habang iniinit
· supot na plastik na tataguan
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang karot, hiwahiwain nang mga 4 x 10 x 10 mm.
2. Ayusin sa sinamay o nylon at ilubog sa kumukulong tubig nang mga tatlong (3)
minuto.
3. Ilubog ang karot (na inilubog sa kumukulong tubig) sa lutong gawgaw nang
isang minuto.
4. Patuluin at ayusin ang karot sa trey.
5. Patuyuin sa oben (60'-65'C nang 7-8 oras) o sa araw hanggang wala na itong
katas
kapag pinisa.
6. Kung sa araw tutuyuin, huwag ibilad nang direkto, kundi ilagay sa loob ng
isang kahon na
may mga butas na maliliit sa apat na tabi. Takpan ang itaas ng kahon ng itim na
tela o
madilim na plastik.
7. Isupot sa plastik at sarhan kapag tuyo na.
8. Kung gagamitin na, ibabad ang 1/4 na tasang karot sa isang tasang tubig na
mainit-init
sa loob ng kalahating oras.
9. Iluto na katulad nang pagluluto sa sariwang karot.
PAGTUTUYO NG CELERY
1. Hugasang mabuti ang sariwang celery na may matabang tangkay.
2. Hiwahiwain ang tangkay nang mga 3/4 cm at ang bahaging madahon nang mga 3 cm
haba.
3. Ilatag sa nylon o sinamay na basket na hindi tataas 2 1/2 cm ang kapal.
4. Pasingawan nang isang minuto.
5. Ibabad sa .05% calcium chloride (apog) nang 5 minuto.
6. Ilubog sa kumukulong 0.2% sodium metabisulfite solution nang 2 minuto.
7. Tuyuin sa 60'C-65'C init nang mga 7 oras.
8. Itago sa plastik na supot.
PAGTUTUYO NG SILING MALAKI
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang sariwang (magulang ) na sili na may matingkad na berde.
2. Hatiin at alisan ng buto at loob. Hiwain nang mga 2 cm laki.
3. Ilatag sa sinamay o nylon bago pasingawan (hindi kakapal sa 2 cm).
4. Ilubog sa 5% asin sa tubig nang mga 1 1/2 oras (30 minuto).
5. Pasingawan nang 2 minuto.
6. Tuyuin nang 7-8 oras sa 60'C-65'C init.
7. Ilagay sa mga plastik na supot.
PAGPAPAHINOG NG PRUTAS
Ang pagmamadali sa pagkahinog na magulang na prutas ay naisasagawa nang maayos
sa
pamamagitan ng tamang paggamit ng karburo.
Ang prutas ay dapat nasa kahon, at may tamang temperatura at sapat na
halumigmig.
Ang maling paggamit sa karburo para sa artipisyal na pagpapahinog ng prutas ay
kung ibinabalot
sa papel ang buobuong karburo at ilalagay kasama ng prutas. Ito'y nakapapaso sa
prutas.
Kapag magulang na ang prutas at pinahinog nang artipisyal, walang pagkakaiba ang
pagkahinog
nito sa natural na pagkahinog, maging sa lasa at sa uri. At kung tama ang
paglagay ng karburo,
mas matingkad ang pagkadilaw ng prutas at naaantala ang pagkulubot ng mga ito.
Ang nagpapahinog sa prutas ay ang ethylene gas na lumalabas sa karburo at hindi
ang karburo
mismo. Ang ethylene gas ay hindi lason sa tao, at walang masamang epekto.
PAANONG MAANTALA ANG PAGKAHINOG NG PRUTAS
Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa UP Los Baños, ang pagkahinog ng prutas
ay
maaantala nang isa hanggang dalawang linggo sa sumusunod na paraan:
1. Huwag pitasin agad. Ang mga puno ay may likas na pampaantala sa pagkahinog ng
bunga.
2. Ingatan na hindi magalusan ang prutas sa pagpitas, pagkakarga, pagsasalin.
Dito
pinapasukan ng mikrobyo at sakit ang prutas. Madaling mahinog at mawalan ng
timbang.
3. Ang hinog na prutas ay likas na naglalabas ng ethylene, isang uri ng gas na
nagpapadali
ng pagkahinog. Huwag pagsamahin ang mga prutas na hinog at hilaw.
4. Huwag isama ang may diperensiya o may sakit na prutas sa malusog. Malakas ang
ethylene sa mga prutas na may sakit.
5. Huwag paiinitan sa araw. Nagpapadali ito ng pagkahinog.
6. Ilayo sa init ng motor o makina. Ito'y may taglay din na ethylene.
7. Mas mataba ang temperatura ay mas mabagal ang pagkahinog ng prutas. Kung
walang
refrigerator ay ilagay ang prutas sa pinakamalamig na lugar.
8. Kung may refrigerator, itago ang prutas sa plastik na supot na may
butas-butas na
maliliit.
9. Lagyan ng uling na binabad sa potassium permanganate o kung wala ito ay
maliliit na
tipak ng semento o perlite.
PAGAANTALA SA PAGKABULOK NG MANGGA
(Hot Water Treatment)
Ang Hot Water Treatment (HWT) ay nakapagpapaantala ng pagkabulok ng mangga nang
hindi
nakakaapekto sa lasa nito. Mas matingkad at pantay-pantay ang kulay
pagkanahinog, at hindi na
kailangang gamitan ng pamatay-kulisap na kemikal sapagkat hindi na ito
kinakapitan ng sakit.
Paraan ng Paggawa:
1. Maghanda ng dalawang sisidlan ng tubig na mainit - maaring gamitin ang
kalahating
dram o tulad nito, ayon sa dami ng ilulubog na mangga.
Ang isang dram ay ang paglalagyan ng mainit na tubig na paglulubugan ng mangga,
at
ang isa ay pag-iinitan ng tubig na pang mantini ng init na kailangan.
2. Ang init ng tubig ay dapat hindi lalayo sa 52'C-55'C. Kapag lumalayo na dito
ang
temperatura, bantuan ng mainit mula sa isang dram. Kailangang gamitan ng bulb
temperature upang mapanatili ang ganitong init.
3. Ilubog agad ang bagong ani at magulang na mangga nang mga sampung (10)
minuto.
4. Palamigin sa umaagos na tubig ang mangga pagkahango.
5. Pahanginan upang matuyo bago itago sa (malinis na) sisidlan.
PAG-AANTALA NG PAGKAHINOG NG SAGING SA MALAYSIA
May mga makabagong pamamaraan ang mga katabi nating bansa na maari nating
mapulot. Ang
mga mananaliksik ng Malaya University at Malaysian Agricultural Research and
Development
Institute ay may bagong pamamaraan sa pagaantala ng pagkahinog ng saging. Hindi
ito ang
kasalukuyang paraan nila na binabalot ang saging sa supot na may polythene. Ito
ay mabisa
lang nang 11 araw.
Ang bagong paraan nila ay ang paggamit ng kemikal na "Bynonyl", isang panlaban
sa amag, na
hindi nakasasama sa tao. Nasubukan na ito sa saging na hilaw, na tinatawag
nilang "pisang
emas". Binabawasan ng paraang ito ang pagdami ng amag at inaantala ang
pagkahinog ng
saging, bukod sa pinabubuti pa ang kalidad nito.
Paraan ng Paggawa:
1. Lagyan ng bynonyl ang saging at balutin sa plastik na supot na hindi
napapasok ng
hangin.
2. Kapag inalisan ng balot, itago ang saging sa temperaturang 15'C. Saka pa lang
ito
mahihinog nang normal.
ETHREL: NAGPAPAHINOG NG SAGING AT KAMATIS
Ang mga bunga ay hindi dapat pitasin kung mura pa dahil sa natural na paraan ay
hindi ito
mahihinog. Ngunit may mga pagkakataon na ang puno ay nasira nang ang bunga ay
mura pa,
tulad ng kung may bagyo o hindi sinasadyang pangyayari.
Natuklasan sa UP Los Baños na maari din palang pahinugin ang murang bunga kung
gagamitan
ng kemikal na ethrel.
Paraan ng Paggawa:
1. Sa isang baldeng lata, punuin ang kalahati ng tubig. Lagyan ng 10 kutsarang
ethrel at
lusawin sa tubig.
2. Unti-unti pang dagdagan ito ng tubig hanggang maging 19 na litro. Haluin nang
haluin
habang nagbubuhos.
3. Ibuhos ang kalahati nito sa iba namang balde.
4. Ilubog nang husto ang saging nag 5 minuto. Patuyuin pagkatapos sa hangin.
Mahihinog
ito sa loob ng 5 araw.
5. Kung gagamitin muli ang timplada, takpan ito at itago sa malamig na lugar.
6. Magagamit ito hanggang 15 araw basta huhugasan nang malinis ang prutas at
tutuyuin
muna bago ilubog.
Nakita ng mga mananaliksik na kapag ang paglulubog sa ethrel ay ginawa 4-7 araw
pagka-ani
nahihinog ang saging sa loob ng 2-3 araw.
Kamatis
· Sa kamatis naman na mura (21 araw pagkabuga), nahihinog ang 90% , 10 araw
pagkalagay sa ethrel. Ang iba ay hindi pumula.
· Kung mahina ang ethrel, hindi tumatalab sa kamatis o hindi nahihinog nang
husto.
· Kapag mas maaga sa 21 araw pinitas ang bunga, hindi maganda ang resulta at
hindi
makain.
carburo at ethrel
· Mas kaunti ang kailangang ethrel kaysa sa carburo sa pagpapahinog ng saging.
Mangangailangan ng 20 gramong carburo bawat litro ng tubig.
DAHON NG KAKAWATE: NAGPAPAHINOG NG SAGING NA SABA
Napag-aralan sa UP Los Baños na kapag inilagay o nilagyan ng dahon ng kakawate
ang hilaw na
saging na saba, mapapadali ang pagkahinog nito; at pantay ang pagkahinog at
matingkad ang
kulay.
Ayon sa mga mananaliksik, ang taglay ng kakawateng bioethylene na inihihinga
nito, isang uri
ng gas, ang siyang nagpapahinog ng saging.
Nakita rin na ang pagkabawas sa timbang ng nahihinog na saging na may kakawate
ay limang
(5%) porsiyento lamang, samantalang ang hindi nilagyan ng kakawate ay 19% ang
iginaan sa
loob na anim na araw.
Ang paraan: Isalansan ang mga prutas, lagyan ng hanay ng dahon ng kakawate.
Lagyan ulit ng
saging at hanayan muli ng dahon, salit-salit.
TAMANG PANAHON PAGPITAS NG PRUTAS
May kani-kanyang tamang panahon sa pagpitas ang bawat uri ng prutas. Kapag
pinitas ito nang
mura; mahinog man ay hindi gaanong masarap, hindi lumalabas ang tunay na lasa
niya, at
kumukulubot ang balat.
Ang mga citrus-dalandan, dalanghita, kalamansi at mga kauri nito ay hindi
mabuting anihin nang
umagang umaga - nababawasan ang tingkad ng kulay nila. Kapag tangha-tanghali na,
(pagitan
ng 9:00 n.u.-3:00 n.h.) hindi na gaano ang mantsa ng dagta at pagpinsala sa
balat.
Ang tamang pagpitas sa mangga ay 32 araw mula sa hustong pamumulaklak. Kung ang
pamumulaklak nito ay napilit sa tulong ng kemikal, gawing 118-122 araw bago
pitasin.
Kapag hinayaang matuyo sa balat ng mangga ang dagta niya, nakababawas ito ng
ganda at
sarap.
Malalaman kung ang mangga ay husto na ang gulang kung ito'y lumubog kapag
inillagay sa
tubig.
Ang mga bunga sa puno na hindi husto ang sinag ng araw ay mas matagal gumulang
kaysa sa
nakabilad sa araw.
Pagkaani, dapat ihatid na ang prutas sa pagdadalhan. Ang matinding init ng
panahon at
pagkaantala nito sa paghatid ay madaling magpabulok.
Huwag hayaang makulob ang prutas sa lalagyan dahil madali itong mabubulok
-naluluom sa sarili
niyang hininga ang ethylene. Dapat ay nahahanginan sa kanilang lalagyan.
Upang makontra ang ethylene, lagyan ng potassium permanganate ang lalagyan ng
prutas.
TAMANG PAG-IIMBAK NG KAMOTENG-BAGING
Ang kamoteng-baging ay maaring tumagal nang dalawa hanggang tatlong buwan kung
tama ang
pag-ani at pag-iimbak.
Paraan ng Pag-iimbak:
1. Gumamit ng kaing na husto lang ang ilululan na kamote upang hindi maglaglagan
at
magaslusan. Sa galos naguumpisa ang pagkabulok ng bunga.
2. Huwag gumamit ng sako dahil sa bagay na ito.
3. Ang imbakan ay dapat malapit sa taniman, sa inyong bahay, o saan man maalwan
sa
pagdadala ng bunga.
4. Gumamit ng kawayan sa kabahayan, kogon o dahon ng niyog sa bubong, o sawali
sa
dingding ng imbakan.
PATAGALIN ANG BIGAS
Maari nang maimbak nang matagal ang bigas nang hindi ito ginagamitan ng
pesticide. Sa halip,
ginagamitan ngayon ng carbon dioxide( na hindi lason) na ginagamit na pausok.
Ang pesticide ay hindi naman lubusang sumusupil sa mga hayop at bukbok na
pumipinsala sa
bigas na nakaimbak. Kahit bombahan ng pesticide ang mga sako ng bodega, ang loob
nito ay
hindi naaabot, kaya nabubuhay pa rin ang mga bukbok sa kalagitnaan ng sako na
hindi naaabot
ng kemikal. Bukod dito, nag-iiwan ng “latak” ng lason ang pesticide na
nakasasama sa tao.
Paraan ng Paggawa:
1. Magsupot sa plastik at selyohan ng carbon dioxide.
2. Ilagay ito kasama ng mga sakong bigas.
Maiiwasan ang problema ng bukbok at iba pang peste na sumisira sa bigas at
mapananatili ang
mabuting lasa ng bigas kahit hanggang 15 buwan.
PAG-IIMBAK NG MAIS
Ang madalas na kalaban ng pag-iimbak ng mais ay ang bukbok o unos na namumugad
sa mga
butil nito. Dahil dito, hindi na tutubo ang mais na sinira ng unos. Sa sumusunod
na paraan,
tumatagal ang mais nang isang taon na kaya pang sumibol nang 95%.
Paraan ng Pag-iimbak:
1. Patuyuin ang mga butil ng mais hanggang mga 10% na lang ang taglay na
halumigmig
nito.
2. Ilagay sa lata ng biskwit na 5 galon ang lulan at walang butas.
3. Magpatuyo ng uling (mga 4%-5% ang taglay na halumigmig) at pulbusin ito (mga
2 kilo).
4. Ilagay ang uling sa ilalim ng lata, lagyan ng sapin na karton na may
butas-butas.
5. Ilagay ang mais. Kasya dito ang mga 6 na kilong butil.
6. Takpan ng pandikit ( o kola) ang palibot na takip upang hindi mapasok ng
hangin, nang
hindi masira ang mga butil. Ang paggawa ng kola ay:
1 bahagi pomada o sebo
1 bahagi pinulbos na tisa o apog
Ang papatay sa unos kung mayroon mang nasa mais, ay ang carbon dioxide na
manggaling sa
mga butil ng mais.
MGA PALATANDAAN NG SARIWANG ISDA AT LAMAN-DAGAT
ISDA
· makintab at masikip ang balat
· mapulang hasang (bagamat nalalagyan ito ng kulay)
· malinaw at mababaw ang mata (hindi lubog o namumula)
· hindi malambot ang katawan.
· hindi masangsang ang lansa
· buo ang tiyan
· madulas o malaway-laway
HALAAN AT MAY TALUKAP
· sarado ang talukap
· malinis at mabuti ang amoy
ALIMASAG, ALIMANGO
· mabigat kaysa sa waring anyo
· matatag pa (hindi tanggal-tanggal) ang mga paa
HIPON
· hindi masangsang ang amoy
· matigas pa at mahigpit pa ang balat.
PATAGALIN ANG PAGKASARIWA NG ISDA
Ang mga palatandaan ng sariwang isda ay nakikita sa kanyang panlabas na anyo at
amoy at sa
paraang kemikal na pagsusuri.
Maliban sa hito at dalag, ang isda ay humihinto ng paghinga sa oras na maalis
ito sa tubig, lalo
na maalis ito sa tubig, lalo na ang isdang-dagat.
Mabili sa ibang bansa ang ating isda, lalo na ang bangus, sa mga Pilipino doon;
ngunit hindi tayo
makapagpadala nito sa abroad kundi sa anyo ng daing at tinapa kadalasan,
sapagkat hindi
makapasa sa pamantayan ng ibang bansa ang pag-iimbak natin nito sa yelo dahil sa
maling
paraan.
Ang pagkabulok ng isda ay dulot ng mga bacteria at sangkap na enzymes na nasa
labas ng isda,
hindi mula sa kalamnan nito. Dala ito ng tubig kung saan, nanggaling ang isdas,
kay nasa laway
itong isda, sa hasang, at lamang-loob. Halimbawa, ang tuna na huli sa Mindanaw
ay may taglay
na 18 uri ng microorganismo sa bawat gramo ng balat nito; ang talaba na huli sa
Manila Bay ay
may libo-libong organismo sa bawat gramo niya. Sa tuna, ang huli sa Mindanaw ay
walang
taglay na mikrobyo ng dumi ng tao, ngunit ang huli sa Manila Bay ay mayroong
libo-libo nito sa
bawat gramo niya.
Kaya upang maantala nang kaunti ang pagkasira ng sariwang isda, alisin ang
hasang at bituka at
hugasang mabuti upang mawala ang dulas nito.
Sa pagyeyelo ng isda, may antas na nagkakayelong kristal ang laman ng isda - sa
pagitan ng 0'C
at -3.89'C ( 32'F-25'F). Kapag inilagay sa 0'C ang isada sa loob ng 24 na oras
pagkahuli nito,
tatagal ito nang mga pitong (7) araw sa tubig ng yelo (0'C). Mas madaling
magkayelo, at maliliit
ang kristal na yelo sa laman, mas nananatili ang masarap na lasa ng isda. Ito
ang "quick
freezing". Dapat ibaba sa -3.89'C mula sa 0'C ang lamig sa hindi hihigit nang
dalawang (2) oras
upang maging "quick freezing".
Kapag humigit sa 2 oras ang pagkakaroon ng kristal na yelo sa laman ng isda, ito
ang "slow
freezing" na karaniwan sa mga freezer ng refrigerator na pambahay.
Ang isda ay may 15% hanggang 25% protina na may taglay ng lahat ng amino acid
tulad ng mga
nasa karneng baka at manok.
PAG-IIMBAK NG HIPON
Materyales:
· Sodium bisulfite - 1 1/4% (1.25%)
· Tubig - 98.3/4% (98.75%)
Paghaluin ang nabanggit. Ilubog ang hipon dito, at patuluin. Itago sa yelo.
PAGPAPATAGAL NG ISDA KAHIT WALANG YELO
Sa malalayong lugar na walang koryente, ang pagpapanatiling sariwa ng isda ay
malaking
gugulin. Sa india, ang bagay na ito ay matagal nang suliranin, lalo pa sa
panahon ng maraming
huli ng isda. Ang pag-iimbak nila ay sa pamamagitan ng pag-aasin at pagbibilad
sa araw tulad
nang sa atin.
Humanap ng naiibang paraan ang mga mananaliksik nila, na ang isda ay maitatago
nang ilang
araw kahit walang yelo sa karaniwang temperatura, na hindi nawawala ang
pagkasariwa at
mabuting lasa nito.
Sa iba't ibang pagsubok na ginawa na ginagamitan ng mga kemikal na pangpagkain,
nakita nila
ang paraang pinakamabuti, na maaaring manatiling sariwa ang isda hanggang 72
oras mula sa
pagkahuli dito, na hindi sumasama ang lasa.
Paraan ng Paggawa:
1. Linisin ang isda - kaliskisan, alisan ng hasang at lamang-loob, at hugasang
mabuti.
2. Hiwahiwain na posta.
3. Ibaba sa sumusunod na solusyon:
a. 8% asin - pakuluan nang ilang minuto at palamigin at lagyan ng:
.5% potassium sorbate at
0.25% sodium benzoate
Tumatagal ang isdang ibinabad dito nang 72 oras.
b. 8% asin - pakuluan at palamigin, lagyan ng
0.5% potassium sorbate
0.25% sodium benzoate, at
0.1% sodium bisulphite
Mas masarap ang lasa nito sa ika-48 oras, ngunit tumagal din ng pareho noong
una.
4. Paglulutuin na, hugasan at patuluin nang 10 minuto.
BURONG TILAPIA
Sa panahon ng tagbagyo at umaapaw ang mga isda, maaaring magtago nito na
pang-ulam para
sa hinaharap, bukod sa pagdadaing nito.
Mga kailangan:
· lalagyang malaki ang bibig at may takip na mahigpit
· kutsilyo
Materyales:
1. Hatiin sa gitna sa likod ang isda sa pamamagitan ng kutsilyo.
2. Alisan ng hasang, lamang-loob at dugo. Hugasang mabuti.
3. Magsaing ng dalawang tasang bigas sa 4-5 tasang tubig. Palamigin ang sinaing.
4. Pinuhin ang dalawang kutsaritang angkak, ihalo sa 2 tasang kanin.
5. Isterilisahin ang lalagyan (paarawan sandali).
6. Ikalat sa ilalim ng lalagyan nang manipis ang kanin at isalansan ang isda at
kanin nang
salitan.
7. Takpan ng makapal na kanin na suson ang ibabaw sa lahat na isda.
8. Sarahan nang mahigpit ang lalagyan.
9. Hayaang umasim hanggang 3 linggo.
BINAGONG PARAAN SA PAGGAWA NG PUTONG HIPON (Alamang)
1. Gumamit lamang ng sariwang alamang. Hugasang mabuti ang sariwang alamang.
2. Ilagay agad sa mga basket pagkaani at paulit-ulit ilubog sa tubig-dagat upang
maalis ang
mga dumi.
Alisin ang mga isda, suso, damong-dagat, at iba pa na hindi alamang -
makakaapekto
ang mga ito sa lasa at mabangong amoy ng puto.
Huwag paghahawakan upang maiwasan ang pagtubo ng mga microorganism.
3. Pagpapatuyo
a. Ikalat sa banig ang nilinis at pinatiktik o pinatulong alamang - tuyuin sa
araw nang 3-5
oras.
b. Dapat nakataas ang bilaran upang hindi madumihan ng mga nakawawalang hayop.
c. Sikaping ligtas sa langaw at dumi ang ibinibilad.
d. Maaaring magtuyo sa horno (mg 130'C) kung tag-ulan.
4. Pagbabayo - bayuhin ang tinuyong alamang sa malinis na lusong (o bayuhan) -
mga 5
minuto o hanggang naninikit na ang napipinong hipon.
5. Pag-iimbak - balutin ang binayong hipon sa supot at imbakin magdamag.
6. Pag-huhulma - sa sumunod na araw, buuin ang maliliit na puto sa pamamagitan
ng
kamay. Ginagawa ito upang madaling matuyo ang binayong hipon.
7. Pagpapatuyo - ibilad nang 2 oras sa araw upang mabawasan ang halumigmig sa
antas
na 39%.
8. Pagbabayo - bayuhin ang tuyong putong hipon sa lusong, hanggang maging pino.
9. Paghuhulma- buuin sa anyong putong pabilog o pahaba sa pamamagitan ng kamay.
Sa
alin mang anyo, gawing isang kilo ang dami ng bawat isa.
10. Pagpapalamig - hayaan ang putong alamang na lumamig sa temperatura ng silid
na
nahahanginan upang matuyo.
11. Pagpapakete - gumamit ng dahon ng saging na pambalot. Para sa mas matagal na
pag-iimbak, gamitan ng supot na plastik (polyethelene).
Maaring tumagal ito ng hanggang 2 taon kung malinis at maayos ang pagkakagawa at
pagiimpake.
ISDANG QUEKIAM
Materyales:
· 1/2 kilo dalagang bukid
· 1/4 kilo laman ng hipon
· 1 itlog binating mabuti
· 1/2 tasa tinadtad na singkamas
· 1/2 tasa tinadtad na sibuyas
· 1/2 tasa tinadtad na celery
· 1/2 tasa tinadtad na carrot
· 1/2 tasa harina
· 1/4 na kutsaritang nguyong powder
· 1/2 kutsaritang paminta
· 1 1/2 kutsarang asin
· 3 piraso taupee (pambalot)
Paraan ng Paggawa:
1. Himayin ang isda, alisan ng balat at tinik.
2. Tadtarin (o gilingin) magkasama ang hipon at isda.
3. Pagsamasamahin lahat ng sangkap.
4. Pasingawan nang 20 minuto.
5. Ibalot sa taupee o aluminum foil.
6. Iprito sa mainit na mantika.
7. Hiwain sa nais na laki at ihain na may sarsa (sweet-sour sauce).
Sweet-Sour Sauce:
· 3/4 na tasang tubig
· 3/5 na tasang asukal
· 1 kutsarang cornstarch
· 2 kutsarang toyo
· betsin
Pagsamasamahin ang sangkap at initin hanggang matamo ang nais na lapot.
LANGGONISANG ISDA
(Fish Frankfurter)
Materyales:
· 1 ¼ na kilo laman(labahita)
· ¼ na kilo tabang baboy
· 23 gm asin
· 4 gm accord powder (pampakapit)
· 12 gm frankfurter seasoning
· 5.5 gm Prague powder
· 12.5 gm asukal
· ½ kilo yelo
Paraan ng Paggawa:
1. Gilingin na magkahiwalay ang isda at taba ng baboy.
2. Idagdag ang asin at panglasa sa isda.
3. Ihalo ang kalahati ng yelo at haluin nang haluin na pahiwa.
4. Isama ang frankfurter seasoning, taba, asukal, at iba pang yelo.
5. Haluin nang haluin hanggang pino.
6. Isilid sa bituka ng soriso (balat) mga 10 cm haba.
7. Paasuhan nang kalahating oras 71-75’C.
8. Pagkaaso, ilubog sa mainit na tubig (73’C) nang 10 minuto.
9. Alisin ang balat.
10. Impakihin sa lalagyang plastik at itago sa freezer. (Mabuting paaso ang
dahon ng
bayabas.)
PAGLALATA NG BANGUS
Ang isang paraan ng pag-iimbak ng bangus o anupamang isda ay ang paglalata.
Sapagkat hindi
lahat ay may pressure cooker at ang paggamit ng lata ay nangngailangan ng
espesyal na
pangsara, maaring gumamit ng garapon ukol dito sa halip na lata.
Paraan ng Paggawa:
1. Pumili ng sariwang bangus ( o isda) na ilalata.
2. Alisan ng kaliskis, lamang-loob, ulo, palikpik at buntot.
3. Hugasang mabuti. Ibabad sandali sa tubig na may asin upang maalisan pa ng
dugo at
maging matatag at maputi ang laman, at magkalasa ito.
Ngunit huwag masyadong patagalin dahil lalambot ang laman. (May iba-ibang
pagluluto
ang ginagawa ng may nais bago ito tuluyang ilata, tulad ng pagpapasingaw,
pagpapaaso
(tinapa), pagbibilad, pagpiprito, pag-aasin, paggiling, at iba pa.)
4. Sa pagsilid sa lalagyan, mag-iwan ng mga 4-5 cm mula sa itaas bago sarahan
ang
lalagyan.
5. Alisan ng hangin ang lalagyan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa kumukulong
tubig
sa init sa 82'C (pasingawan).
6. Sarahan ang lalagyan. Kung lata, sarahan sa sarahang de makina. Kung garapon,
lagyan ng gomang pang selyo sa paligid ng takip.
7. Pakuluan sa 115'C-121.1'C kung garapon o 10-15/sq sa pressure kung pressure
cooker.
8. Palamigin nang kusa pagkaluto.
ISDANG BURGER
Materyales:
· 1 kilo laman ng isda
· 3 kutsaritang asin
· 2 kutsaritang paminta
· 1 tasang tinadtad na sibuyas
· 2 itlog
· 2 kutsaring pulbos na gatas o 4 na kutsarang gatas
· ebaporada
· 1 kutsaritang hamburger seasoning
· langis pamprito
Paraan ng Paggawa:
1. Paghaluhaluin ang mga sangkap.
2. Bilog-bilugin at pipiin, iprito.
KROPEK NA ISDA
Fish Protein Concentrate (FPC)
Materyales:
· 2 tasa gawgaw na mais
· 4 kutsara FPC ( o pinulbos na isda)
· 2 kutsarita asin, kaunting vetsin
· 1 1/2 kutsarita pulbos na paminta
· 4 tasang tubig
· 1 tasang mantika
· arina
Paraan ng Paggawa:
1. Pagsamasamahin ang mga gawgaw, FPC, asin, paminta, vetsin, arina.
2. Haluing mabuti sa 4 tasang tubig.
3. Punasan ng mantika ang bandeha na paglalagyan (iyong maaring initin).
4. Ikalat sa bandeha ang mga tatlong kutsarang timplada na mga kalahating
sentimetro ang
kapal.
5. Pasingawan ang bandeha sa loob ng 2 minuto.
6. Hiwahiwain ang napasingawang timplada sa nais na laki.
7. Ayusin sa isang trey ang mga hiniwa at ibilad sa araw o sa solar drier nang
isa o
dalawang araw.
8. Iprito nang lubog sa mantika.
9. Patuluin at palamigin.
10. Ilagay sa plastik na supot at isara sa pamamagitan ng pag-iinit sa kandila
sa dulo ng
supot.
PAGGAWA NG SARDINAS
Materyales:
· bangus - 100 gramo laki
· sarsa ng kamatis - 4 na kutsara
· langis na panluto - 2 kutsara
· asin - 1/2 kutsarita
· betsin - 1/3 kutsarita
· siling malaki - 2 hiwa
Paraan ng Paggawa:
1. Kaliskisan ang isda, alisan ng lamang-loob, hasang at mga palikpik at buntot.
2. Hiwahiwain ang isda ayon sa laki ng lata. Alisan ng maitim na balot ang loob
ng tiyan.
Hugasan at patuluin.
3. Ayusin sa lata.
4. Pasingawan ang lata nang 20 minuto para maalis ang tubig sa isda.
5. Alisin ang tubig sa loob ng lata. Ilagay ang mainit na kamatis at lahat ng
sangkap.
6. Sarahan ang lata, isalang sa init sa 240'F nang isa't kalahating oras.
7. Upang hindi lumabis ang luto, ilagay agad ang lata pagkaluto sa umaagos na
tubig.
8. Punasan ang pinalamig na lata.
9. Ang mga inalis na bahagi ng isda ay magagamit sa paggawa ng pinulbos na isda,
concentrate o fish curls.
PAGGAWA NG SISIDLAN NG LANGGONISA
Ang mga karaniwang ginagamit na bahay ng langgonisa ay bituka ng kinatay na
baboy, tupa o
baka. Ang bawat bituka ay nabubuo ng limang sapin-sapin na bahagi ng katawan.
Mula sa
loob, ito ay ang:
· mucosa o latag ng uhog o laway na binubuo ng mga selula na tumutulong sa
panunaw,
pagdaloy ng sustansiya at pagsipsip nito mula sa ibang bahagi ng katawan, bukod
sa
iba-ibang ugat at sangkapng panunaw.
· submucosa- may mga hibla at ugat na may taba na nakalubog dito. Ito ay mayaman
sa
collagen, na siyang pinakamateryal ng supot ng langgonisa.
· Paikot na makinis na latag ng muscle o laman.
· latag ng mga hibla.
· serosa (pinakalabas na hilera), binubuo ng manipis na hibla na nababanat. Ang
serosa
ng baka ay mas makapal kaysa sa serosa ng baboy.
Paraan ng Paggawa:
Sa pamamagitan ng kamay, hinihila nang maingat ang bituka mula sa kinatay na
hayop.
Pag-aalis ng taba
Maingat na kayurin ng kutsilyo ang taba. Hangga’t maari, alisin lahat ng taba
sapagkat ito ang
umaanta kapag nalaunan na ang mga bitukang sisidlan, at hindi na maaring gamitin
pa.
Magagamit din ang tabang ito sa paggawa ng mantika.
Maaaring sa unang pagkayod ay hindi maalis lahat ang taba, ngunit unti-unting
maaalis din ang
mga ito.
Sa Paghila ng bituka ng baboy at tupa, naaalisan na ito ng taba, pati na ng
balahibo sa bituka ng
baboy, kaysa sa pagkayod ng kutsilyo.
Sa pag-aalis ng taba, maaring hati-hatiin ang iba-ibang bahagi ng bituka, ayon
sa nais na
paggagamitan.
Pag-aalis ng laman sa bituka
Naaalis ang laman nito sa pamamagitan ng kamay o makina at sa tulong ng
pagbobomba ng
tubig na nakalilinis.
Pag-aalis ng dulas(o laway)
Ayon sa laki at uri ng bituka ang pamamaraang ginagamit sa pag-aalis ng dulas
nito. May
nagpapadaan sa roller o pangkayod na nagtatanggal ng serosa. Ang mas malaki ay
binabaliktad at binobomba ng tubig na mainit.
Pagkalinis nito, ibinababad magdamag sa tubig na may asin na matapang.
Pag-gagrado at pag-iimbak
Ang pag-uuri ng balat ng langgonisa ay ayon sa klasa, laki at uri. Ang mataas na
uri ay iyong
walang depekto tulad ng butas, galos, o butlig. Ito ang tinatawag na “export
quality” sa Estados
Unidos.
Pagkatapos mauri ang mga bitukang sisidlan, binobomba ito ng hangin o tubig
upang masukat
ang laki ng bilog nito. Ang mga bituka ng baboy o tupa ay tinutungkos nang mga
90 metro; ang
sa baka ay mga 30 metro bago ipadala sa mga bilihan.
Pagkauri nito, inaasnan pa uli ng saging pino at iniimbak pang lalo; pinatutulo
ang basa.
Pag igang-iga na, ipinapagpag ito at inaasnan muli kung kailangan.
Iba pang sisidlan:
· Pantog ng baka- pagkalinis ay pinatutuyo sa hangin, kapag tuyo na ay
tinitiklop at maarin
nang ipagbili.
· Sapin-sapin na pinagdugtong-dugtong na sisidlang bituka ng baboy o tupa, na
waring
kinorte sa iba’t ibang molde. Idinadaan sa init ang mga ito na siyang
nagpapadikit-dikit
ng mga sapin. Pagkalamig at pagkatuyo pa, iniimpake at ipinagbibili.
Pag-iimbak ng mga sisidlan
Ang mga sisidlang inimpake sa asin ay nasisira. Kailangan nito ang lamig na mga
4’C ngunit
huwag pabayaang tumigas sa yelo sapagkat magkakaroon ng sira o putok, na
pagmumulan ng
tutubuan ng amag. Ingatan din ang amag na mahilig sa alat- pula ito na siyang
sisira sa iniimbak
na sisidlan.
PANGANGALAGA SA MGA IBON AT MANOK
Ang mg ibon at manok ay hiyang sa malamig kaysa sa mainit. Marami silang
mangitlog sa taglamig
sapagkat hindi sila gaanong hirap.
Hindi pinapawisan ang mga manok, ngunit sila'y humihingal at malaks silang
uminom kapag
mainit ang panahon.
Upang mangitlog sila nang hustom huwag silang hayaan sa init ng araw. Kung
nakawawala,
hayan sila sa may malililiman.
Bigyan sila ng basang pagkain at ng dinurog na kabibe sa pinakamainit na
panahon.
Agircultual & Industrial Life Mar-Apr 1991
Sa halip na maglagay ng mga bentilador o anupamang gamit na magpapalamig sa
kulungan
kung tag-init, ganito ang gawin:
· Bigyan ng higit na taba sa patuka sa halipna puro mais, upang lumamig ang
kanilang
katawan.
· Madaling bumigat ang timbang ng mga binibigyan ng taba kaysa sa puro
carbohydrates
(mais) lamang.
PAG-AALAGA NG SISIW
Ang unang linggo ng pag-aalaga sa bagong pisa na sisiw ay mahalaga. Dito
nakasalalay ang
pagiging malusog na manok na makapgbibigay ng mabuting halaga. Ang unang pitong
araw na
ito ay 15% ng paglaki at buhay ng lumalaking sisiw.
Sa natural na pangangalaga, ang inahing manokj ay nagtuturo sa kanyang sisiw sa
paraan ng
kanilang pagsasama-sama, sa pagkakak o pagputak, ay natututo ang maliliit sa
paghanap ng
pagkain at pag-iwas sa kalaban. Binibigyan din ng inang manok ng init ang
kanyang sisiw sa
ilalim ng kanyang pakpak.
Ngunit sa pagpapalaki sa sisiw sa maramihang paraan, walang ganitong pagkakataon
ang mga
sisiw. Natututo lang sila sa buhay sa sari-sariling paraan.
Kaya dapat alalayan ang mga sisiw sa mga bagay tulad ng tamang init ng lugar
nila, liwanag,
hangin, at dami ng kasama.
1. Temperatura o init sa kulungan. Ang sisiw ay may temperaturang 38.6 C at
nagiging 40.5 C sa
pitong araw. Ang balahibo nilang nagpapainit sa katawan ay kakaunti pa kaya
maraming
namamatay sa ginaw sa unang pitong araw.
Ang init ng kulungan ay dapat maging 31 C-35 C sa unang araw. Ibinababa ang init
na ito ng 3 C
pagdating ng mga isang linggo. Dapat imantini sa 21 C-24 C ang init pagkatapos.
Kapag hindi tama ang init ng kulungan, hindi lalapit sa pagkain inumin ang mga
sisiw sa loob ng
5 hanggang 7 araw, at kaya maraming mamamatay sa hina at gutom kung nagiginaw
sila.
Kapag tama ang init ng kulungan, masigla ang mga sisiw sa unang 2 o 3 araw pa
lang,
pumupulot na sila ng mga bagay na nakakaakit sa kanilatulad ng makikintab ng
bato o
makukulay ng butilm naghuhusay sila ng kanilang balahibo, o naliligo sa lupa.
Kapag hindi kasundo ang init, nagsisiksikan sila sa isa't sia, sumisiyap nang
malakas at walang
tigil,at ayaw kumilos.
2. Liwanag - Sa unang linggo ng mga sisiw, bigyan sila ng liwanag upang matutong
kumain nang
kumain. Pagkatapos nito, isang oras na walang ilaw ang dapat makasanayan nila
upang hindi
sila mabigla kung nawawalan ng kurytente. Kung hindi sila matutong kumain sa
dilim, hindi sila
lalaki agad . Kapag 8 oras lang ang liwanag nila at 16 na oras ang dilim, hindi
sila lalaki nang
madali.
3. Daloy ng hangin - Ang daloy ng hangin sa kulungan ay dapat katamtaman lang
upang maalis
ang amoy at singaw ng dumi nila. Kapag malakas ang hangin ay giniginaw ang mga
sisiw.
4. Dami ng sisiw - Huwag hayaang maging napakarami sila sa kulungan. Dapat ay
husto na
makaikot nang malaya ang hangin.
5. Pagkawala ng Init - Paglupon-lupon ang mga sisiw ay hingi nawawala ang init.
Habang
lumalaki sila ay ganoon din ang paglaki ng kulungan. Sa ganitong paraa, hindi
mawawala ang
tamang init.
6. Pagkain ng Tubig - Madaling mauhaw ang sisiw lalo na kung mainit. Kapag hindi
husto ang
inumin, hindi sila kakain nang husto, kaya't walang hustong enerhiya ang
kanilang katawan. Kung
ganon, giginawin sila at maaaring maging sanhi ng kanilang pakamatay.
Ang inuminan ay dapat marami upang madali nilang matutuhan ang uminom. Dapat din
nasa
liwanag ang inuminan upang malapitan nila ito agad.
Ang sisiw na umiiinom bago kumain ay madaling bumigat sa timbang.
Ammonia - Lason sa Sisiw
Ang mga palakihing sisiw, tulad ng anumang bata, ay madaling talaban ng sakit.
Sa mga
kulungan kung saan sila pinalalaki, mga sakit sa hingahan ang karaniwan sa
kanila kung sila'y
nagsisiksikan at kulang sa bentilasyon. Ito'y dahil sa ammonia, isang gas na
sumisingaw mula sa
pagbulok ng dumi ng mga sisiw. Kapag maraming sisiw sa kulungan, naiipon ang
dumi; at sa
pagdami nito, kasama ng halumigmig, tumataas din ang tapang ng ammonia lalo pa
kung kulang
sa hangin ang kulungan.
Ayon sa mga eksperto, ang sanay sa pangangalaga ng manok ay nalalaman kapag
umaabot na
sa antas na hindi mabuti para sa manok ang ammonia. Sa ganitong kondisyon, ang
ammonia ay
makakababa ng timbang ng mga manok; mawawalan sila ng gana sa pagkain at hihina
nag
kanilang pulmon, kaya madali silang magkakaimpeksyon ng iba-ibang sakit sa
pulmon.
Dahil dito, hindi dapat hayaang maipon ang dumi sa kulungan ng manok, at dapat
lakihan ang
mga lagusan ng hangin.
Mabuting Pangingitlog ng Manok
Kung nais mangitlog nang maayos at palagian ang mga paitluging manok, ilayo sila
sa ingay at
anumang nakagagambala.
Pinag-aralan ng apat na siyentipiko ng University of Zagreb (Jugoslavia) ang
epekto ng ingay at
gulo sa 4,000 nangingitlog na manok. Nang malakas na timbre (electric bell)
lamang ang
tumutunog, nabawasan ang pangingitlog. Nang sirena ng trak ng sunog (mas
malakas) lamang
ang pinatunog, lalo pang nabawasan ang pangingitlog. Nang pinagsabay ang timbre
at sirena,
natigilan ang mga manok, at natatakot na hinahanap ang pinagmulan ng ingay.
Hindi
nagsipangitlog.
Sa pangyayaring ito, 240 (6%) ang namatay 480 (9%) ay hindi na nangitlog. Ang
3,720 (93%) ay
nagkadiperensiya sa paitlugan; 1,640 (41%) ay nagkasakit sa panunaw at 360 (9%)
ay
nagkasakit sa hingahan.
Mga Palatandaan ng Inahing Manok na Mabuting Mangitlog
Ang inahing manok na mabuting mangitlog ay may mga panlabas na palatandaan mula
sa
palong hanggang buntot tulad ng sumusunod:
1. Malaki, matingkad na pula, at makintab ang kanyang palong, na parang madulas.
Ang
mahinang magitlog ay maputla at maligasgas ang palong, at tuyo ang kanyang
lambi.
2. Malaki, matingkad na pula, malambot at makinis ang kanyang lambi (ang maluwag
na balat na
lumalaylay sa ilalim ng leeg). Ang mahinang mangitlog ay may maputla at
maligasgas na lambi.
3. Masigla ang mga mata ng mabuting mangitlog; ang mga mata ng mahihinang
mangitlog ay
malamlam at malalim.
4. Kapag nangitngitlog ang inahin, ang dilaw na kulay sa kanyang katawan ay
nawawala dahil
napupunta ito sa kanyang itlog, kaya, wala siyang dilaw sa kanyang tuka, sa
paligid ng mata o sa
kanyang balat. Ang mahinang mangitlog ay madilim ang katawan.
5. Ang puwit ng mabuting mangitlog ay malaki ang bukasan, basa-basa at bahagyang
nakabukas dahil sa pangingitlog; ang mahinang mangingitlog ay tuyo at maliit ang
puwit.
6. Sa mabuting mangitlog, ang pagitan ng kanyang dibdib o pitso sa balakang ay
mga apat o higit
na daliri natin.
7. Ang pakapk ng buntot ng mabuting mangitlog ay gulo o bali-bali dahil malimit
siyang nasa
pugad upang mangitlog.
PCARRD FARMNEWS Sept-Oct 1991
Mabuting Pangingitlog ng Manok
Kung nais mangitlog nang maayos at palagian ang mga paitluging manok, ilayo sila
sa ingay at
anumang nakagagambala.
Pinag-aralan ng apat na siyentipiko ng University of Zagreb (Jugoslavia) ang
epekto ng ingay at
gulo sa 4,000 nangingitlog na manok. Nang malakas na timbre (electric bell)
lamang ang
tumutunog, nabawasan ang pangingitlog. Nang sirena ng trak ng sunog (mas
malakas) lamang
ang pinatunog, lalo pang nabawasan ang pangingitlog. Nang pinagsabay ang timbre
at sirena,
natigilan ang mga manok, at natatakot na hinahanap ang pinagmulan ng ingay.
Hindi
nagsipangitlog.
Sa pangyayaring ito, 240 (6%) ang namatay 480 (9%) ay hindi na nangitlog. Ang
3,720 (93%) ay
nagkadiperensiya sa paitlugan; 1,640 (41%) ay nagkasakit sa panunaw at 360 (9%)
ay
nagkasakit sa hingahan.
Manok na Hindi Mabuting Mangitlog
May mga manok na hindi mabuting mangitlog. Ang mga ito ay aksaya sa pagkain at
lugar, kaya
dapat alisin.
Ang mga palatandaan ng mga manok na hindi mabuting mangitlog ay:
1. Maputla, tuyo at urong ang palong sa itaas at sa ilalim ng leeg.
2. Malamlam ang mga mata.
3. Payat at hindi masigla.
4. Mahinang kumain at halos walang laman ang butsi.
5. Madilaw ang paligid ng mga mata, paa, at tuka. Ang mabuting mangitlog ay
walang
ganitong dilaw na kulay.
6. Ang balakang ay matigas, makapal at makitid (2 daliri ang lapad).
7. Ang puwit ay dilaw, maliit at kulubot.
8. Ang katawan ay mababaw, makitid at maikli.
Paglilikom ng Itlog:
1. Likumin ang itlog mga 3 beses isang araw o mas madals kung tag-init. Madaling
masira
ang
itlog sa mainit na kapaligiran.
2. Ipunin ang itlog sa basket o lalagyan
3. Suriin ayon sa laki.
4. Punasan ang dumi o mantsa bago itabi.
5. Itago sa malamig na lugar na may bentilasyon.
6. Laging panatilihing malinis ang mga lalagyan upang hindi magkamantsa ang mga
itlog.
7. Palamigin muna ang mga lalagyan bago sidlan ng itlog.
8. Ipagbili ang itlog nang dalawang beses isang linggo o higit upang laging
sariwa ang natitira.
Asin: Nagpaparami sa Itlog ng Manok
Ang sodium na taglay ng asin ay kailangan ng manok sa kanilang pangingitlog.
Ngunit hindi ito
inihahalo sa mga komersiyal na patuka dahil pampadagdag pa ito sa gastos.
Upang mangitlog nang husto ang manook, maghalo ng 200 gramo ng asin sa dalawang
(2) sako
ng patuka.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na kulang ng 29% ang iniitlog ng manok kapag
kulang sa
asin ang kanilang patuka.
Liwanag sa Pangingitlog ng Manok
Ang liwanag ay mahalaga sa kaayusan ng kulungan ng mga manok na mangingitlog.
May
kinalaman ito sa pagiging magulang ng lumalaking paitlugin at sa pangingitlog
nila nang marami.
Ang mga alituntunin ay:
1. Huwag dagdagan ang liwanang sa kulungan sa mga lumalaking paitlugin. Ito'y
nagpapadali
ng pagiging magulang ng mgas sisiw kaya maliiit pa ay nangingitlog na, ngunit
maliiit ang
iniitlog.
2. Huwag bawasan ng liwanag ang kulungan kung nangingitlog ang manok.
Ang dahilan nito ay ang apekto ng liwanag sa hormones ng manok na alin sa
pasiglahin nito
o supilin ang kanyang pangingitlog.
3. Kaya ipinapayo na mula sa edad na 4 hanggang 20 linggo ng lumalaking
paitlugin, ang haba
ng iawang (ng araw) ay 13 oras, kung maari ay 14 hanggang 16 na oras.
Ang 50 watt na bombilya ay husto sa laking 25 metro kuwadradong kulungan. Ang
taasng bombilya na mula sa sahig ay dapat 2.4" hanggang 2.7" (pulgada).
Matibay na Itlog ng Manok
Ayon sa pag-aaral ng tatlong mananaliksik ng University of Guelph, Ontario,
Canada, ang Inahing
manok na binibigyan ng Bitamina D sa kanyang pagkain ay may matibay na balat ang
itlog, kung
ihahambing sa itlog ng mga inahing hindi binibigyan nito.
Binibigyan nila ng iba-ibang dami ng Bitamina D3 ang ilang grupo ng inahing
manok. Nakita nila
na ang hindi binibigyan nito ay mas kaunti ang itlog at marurupok ang mga balat.
Pagkalipas ng
apat na linggo, humina pa nang 30% ang pangingitlog nila, na alin sa manipis o
walang balat ang
iniitlog. Ngunit nang binigyan ang mga manok na ito ng 500 units ng Bitamina D3
sa kanilang
psgksin, nangitlog sila nang normal at makapal ang balat. Ang binigyan ng
kaunting Bitamina D3
(125 units) ay nangitlog ng parehong dami sa binigyan ng 500 units, ngunit ang
mga itlog ay hindi
normal ang hugis at mahihina ang balat.
Ang Bitamina D3 ay isang uri ng Bitamins D (calciferol) na nakukuha sa langis
mula sa atay ng
isda.
Mga Gamit sa Balat ng Itlog
Ayon sa mga mananaliksik (Brent School, Bagiuo City), may ilang mga gamit sa
balat ng itlog na
kapaki-pakinabang; ngunit hindi natin ito kaugaliang isagawa.
Ang ilan sa mga gamit na ito ay pampataba sa halaman, pangsemento, at pampatibay
ng
pandikit.
Abono
Dahil ang balat ng itlog ay may taglay na calcium, phosphorous, potassium at
sulfur, maaring
gamitin ito sa pataba. Sinubukan nilang lagyan nito ang halamang repolyo -
naging mas
malalapad ang mga dahon at mas berde, at mas malalaki ang ulo ng tanim na
repolyo na
nilagyan ng balat ng itlog.
Pang semento
Bagamat hindi madaling matuyo ang semento mula sa balat ng itlog, makinis ito
bilang
pampakapit sa ladrilyo, sa ganitong proposisyon:
1 bahaging puting semento
2 bahaging dinurog na balat ng itlog
Pandikit
Maari ding gamitin na pampatibay ng pandikit kung ihalo ito sa almirol.
Mga Patuka sa Manok
1. Balat Ng Pakwan
Nasubukan ng mga mananaliksik sa UP Los Banos na ang balat ng pakwan ay mahusay
ihalo sa
patuka sa manok. Pinag-aralan nang 6 linggo sa mga manok na binigyan ng balat ng
pakwan at
inihambing sa mga manok na karaniwang patukang komersyal ang ibinibigay. Nakita
nila na
hanggang 20% ng karaniwang patuka ay maaring palitan ng balat ng pakwan.
Paraan ng Paggawa:
1. Pakuluan sa tubig upang maluto ang balat ng pakwan.
2. Ibilad at patuyuin sa araw.
3. Gilingin at ihalo sa patuka.
Phil. Farmers' Journal, Nov. 1981
2. Buto ng Sunflower
Ayon sa pagsusubok na isinagawa ng mga mananaliksik sa India, ang kinalabasang
puto
pagkatapos na alisan ng langis ang mga buto ng sunflower ay nakapagpapadali sa
paglaki ng
mga manok hanggang ang edad nila ay umabot sa 70 araw.
Ang pagpapakain naman ng balok na buto ay hindi nagbigay ng anumang pinsala sa
kanila.
Ang mga manok na binigyan ng 18% hanggang 26% protina mula sa sunflower na puto
ay lumaki
nang mas mabilis at mas malakas kumain kaysa sa mga hindi pinakain ng sunflower.
Phil. Farmers' Journal, March 1981
3. Buto ng Tabako
Upang makatipid sa pagkain ng manok doon sa lugar na ang tabako ay malawakang
tanim,
nasubukan na ng mga mananaliksik na ang pagdaragdag ng 20% sa pagkaing
komersiyal ng
manok ay hindi nakasasama maging sa lasa o hitsura.
Ang 20% ay isang bahaging buto ng tabako at apat na bahagi ng commercial feed.
Bawat
halaman ng tabako ay nakukunan ng mga 30 gramong buto.
Ang buto ng tabako ay nagtataglay ng 20% protina, (38% kung bagong ani), 15%
krudong hibla
at 4% carbohydrates.
PCARRD Monitor. Jun 1989
4. Dahon Ng Saging
Ayon sa mga mananaliksik sa Southern Mindanao Agricultural Research (Kabacan,
North
Cotabato), ang mga broiler na alagang manok na pinakakain ng 5% tinadtad ng
saging ay
bumigat ng halos 11/2 kilo na higit kaysa sa pinakakain ng komersiyal na starter
mash ration
lamang, o ng may halong 10% dahon ng saging.
Phil. Farmers' Journal June 1982
5. Balat Ng Saging
1. Tadtarin nang pino ang balat ng (hilaw) na saba.
2. Pakuluan nang isang oras, patuluin at palamigin.
3. Sa bawat kilo ng pinatulong balat ng saging, lagyan ng -
150 gramo tuyong taing manok.
100 gramo darak (ng palay)
4. Haluing mabuti at tuyuin sa araw
5. Pinuhin pa uli sa 1 mm panala
Maaaring ihalo ito sa daming 15% sa komersiyal na broiler starter mash at
finisher mash.
(halimbawa):
850 gramo komersyal mash
150 gramo balat at kahalo
1 kilo
Sa pagkain ng broiler, ang starter mash ang rasyon sa sisiw mula 1 araw hanggang
42 araw at
finisher mash mula 42-49 araw.
Ang mga manok na pinakain nito sa loob ng 56 araw sa daming 25% ay walang
kaibahan sa
timbang ng mga pinakakain ng 100% mais.
Completed R&D Project
ISN 297 p.236,STII-DOST
6. Dumi Ng Koneho
Ayon sa isang sulat sa British Poultry Science (1981), maaaring magdagdag ng 100
gramo
hanggang 200 gramo ng dumi ng kuneho (tinuyo) sa bawat kilo ng pagkain ng
broiler.
Ang tinuyong dumi ng koneho, ayon sa kanilang pagsisiyasat, ay may taglay na
18.8% hilaw na
protina, 9% tubig, at 19.9% MJ enerhiya bawat kilo.
7. Halamang Dagat
Dalawang uri ng kayumangging halamang dagat (brown algae) ang nakitang puwedeng
ihalo sa
patuka ng manok.
Paraan:
1. Ibilad at patuyuin sa araw mula sa dagat ang halamang brown algae.
2. Gilingin nang pino at idagdag sa pagkain ng manok sa daming 5%.
Bawat kilo ng halamang dagat ay may 20 gramong pulbos na nagtataglay ng:
8.76% protinang hilaw
7.76% hilaw na hilatsa
36.67% abo at
46.26% katas ng free nitrogen extract
Ang bawat kilo nito ay may taglay na 2,452 calorie.
Technological Information Pilot System
Agr-Bo 62/1, May 25, 1989 Mexico
8. Water Lily
Ang water lily ay may taglay na protina na puwedeng pakain sa manok, ayon sa
mananaliksik sa
UP Los Banos.
Paraan:
1. Gilingin ang dahon.
2. Ang lalabas na berdeng pasta ay ihalo sa tubig at kanawin upang matunaw ang
protina.
3. Salain sa screen upang mahiwalay ang mga hilatsa.
4. Initin sa 80C na siyang magpapabuo sa protinang taglay nito.
5. Ipunin ang buo-buong protina, ibilad para matuyo, at gilingin nang pino.
Ito ang water hyacinth protein concentrate (WHLPC) na maaaring ipalit sa 1/4 ng
soybean sa
patuka sa sisiw na mula sa edad 1 araw - 40 araw.
Ang WHLPC ay mayaman din sa calcium at potassium at may taglay na 35% hilaw na
protina,
pero 11% nito ay hilatsa na may kataasan.
Hindi nagpapasulong ng paglaki ng sisiw ang ang water lily, ngunit
nakakapagpababa ng gastos
sa patuka. Nakatutulong din ito na mabawasan ang bara sa mga daanan ng tubig (na
siya ring
magiging sanhi ng baha), at nakababawas ng oxygen sa mga isda sa tubig.
Pulbos na Sabon Para sa Manok
Ayon sa magsasakang may malawak na karanasan sa pag-aalaga ng manok, ang
paghahalo ng
sabong pulbos (Tide) sa pagkain ng kanyang manok ay nagpadagdag ng timbang ng
mga ito
nang higit kaysa sa dagdag na naibibigay ng karaniwang patuka.
Ang dahilan ay ang detergent ay nakatutulong sa panunaw ng manok, nakababasag ng
taba, at
nakasusupil ng ilang mikrobyo at parasito (bulati0 sa tiyan ng manok.
Ang dami ng detergent ay:
2 gramong Tide sa bawat kilo ng feed broiler mash
Supilin Ang Langaw sa Manukan
1. Maglusaw ng Erythrosin B sa tubig. Ito ay pangkulay sa pagkain kaya walang
panganib sa tao.
2. Iwisik (spray) sa dumi ng manok sa loob ng manukan.
Pagtapak ng langaw sa dumi, makakakuha sila ng pangkulay na ito.
Pag nasinagan sila ng araw, mamamatay sila sa loob ng ilang minuto.
Ang Erythrosin B sa katawan ng langaw, kapag naarawan ay lumilikha ng isang uri
ng oxygen na
nagiging lason sa kanila - maging ito'y larba pa lang o maging sumibol nang
langaw.
Ligtas anf Erythrosin B sa kapaligiran sapagkat ang bisa nito ay tumatagal lang
ng 2 oras sa tubig
kapag tuwirang nasa init ng araw. Ngunit sa taing manok, mga 80% ng tina ay
tumtagal
hanggang mga isang linggo.
Pag-aalaga Ng Pato
1. Ang pagkakaroon ng tubig na languyan ay hindi gaanong makaapekto sa
pangingitlog ng pato.
Mas malakas lang kumain ang may nilalanguyan kaysa sa binibigyan lang ng tubig
na iinimun.
2. Ang laki ng kulungan ay pinakamahusay kung hindi liliit kaysa sa 3 1/2
kudradong talampakan
sa bawat pato.
3. Kung artipisyal na ilaw ang gagamitin, dagdagan ng 2-4 oras pa araw-araw,
dagdag sa 12 oras
na liwanag ng araw.
4. Kung walang natural na pagkaing dagat (hipon, suso o isda), bigyan sila ng
hatiang pagkain at
laying mash (ng manok).
5. Maaari ding bigyan ng mga pandagdag na pagkain para sa pangingitlog, tulad ng
Furavim,
Afsilin o Agromix.
6. Gusto ng mga pato ang basang pagkain, kaysa tuyo. Mas mabuti at mabigat ang
itlog.
Ang balut na inincubator ay walang kaibahan sa inupuan ng inahin kung ipahihiga
ang mga itlog
sa tray mula sa ika-14 hanggang ika-18 araw ng incubator.
Ang pinakamahusay ng paggawa ng itlog na maalat ay 19 araw.
Selected R&D Project Completed
NSDB 1978
Pagpaparami ng Pato
Ayon sa mga dalubhasa ng Philippine Council for Agriculture ang Resources
Research (Los
Banos) ang mga sumusunod ay mabisang panuntunan sa pag-aalaga at pagpaparami ng
pato.
1. Panatilihin ang tamang da\mi ng lalaki sa dami ng babaing patosa bawat
kamalig; isang
lalake
sa 5 hanggang 10 babae. MAg-iwan ng ilang "extra" ng lalake sa ibang kamalig
para pamalit
kung may mamamatay o magiging hindi produktibo. Ang pagkilala ay:
· Ang mga lalakeng pato ay sumisitsit samantalang ang babae ay kumukuwak.
· At ang mga lalake ay pakulot ang buntot.
2. Ang mga lalake ay dapat matanda ng isang buwan kaysa sa babae, upang masiguro
na
handa
silang mangasawa.
3. Piliin ang malusog na pato - maganda ang hugis ng katawan, mabuti ang anyo ng
balahiboat
masigla ang mga mata. Huwag kukuha ng mukhang maysakit.
Phil. Farmers' Journal, March 1981
Mga Patuka sa Pato
1. Balat ng Saging
Napag-alaman na ang balat ng saging ay nagtataglay ng higit na protina, taba, at
hibla sa darak.
Maraming taglay itong calcium, ngunit mababa sa phosphorus.
Paraan ng Paghahanda:
1. Ibilad nang isang linggo ang binulok (sa biogas digester) na malaputik na
balat ng saging.
2. Pagkatuyo nito ay pulbosin.
3. Ipalit sa darak nang 1/3 ang proportion, (33%).
NSTA Technology Journal, Oct-Dec. 1986
2. Kasaba At Kamote
Ayon sa mga mananaliksik sa Visayas State College of Agriculture, ang pagbibigay
ng kamote at
Kasaba (kamoteng kahoy) sa pato ay nakapagpapaitlog nang higit kaysa kung mais
ang
ipinakakain dito.
Ang mga patong binigyan ng 20%, 30% o 40% na tinuyong ginadgad na kasaba o
kamote ay
tumimbang ng pareho sa mga patong pinakain ng purong mais.
Ngunit mabuti ito sa mga lugar na ang kasaba o kamote ay hindi na bilhin
sapagkat magiging
mas mahal ang puhunan sa bawat dosena ng itlog kung mataas ang halaga ng
kamote/kasaba
sa pamilihan.
PCARRD Farmnews, Jan 1984
3. Halamang Dagat
Ayon sa mananaliksik sa U.P. Los Banos na naggawa ng pag-aaral sa 45 pato
tungkol sa patuka
ng mga ito, ang pato na binibigyan ng kalahating sintas (seaweed) at kalahating
palay ay
nangingitlog nang mas marami kaysa sa mga patong pinatutuka ng puro palay.
Dahil sa kamurahan ng halamang dagat, ang halaga ng patuka na may 50% halo nito
ay bumaba
nang malake.
Pagpaparami ng Pato
Ayon sa mga dalubhasa ng Philippine Council for Agriculture ang Resources
Research (Los
Banos) ang mga sumusunod ay mabisang panuntunan sa pag-aalaga at pagpaparami ng
pato.
1. Panatilihin ang tamang da\mi ng lalaki sa dami ng babaing patosa bawat
kamalig; isang lalake
sa 5 hanggang 10 babae. MAg-iwan ng ilang "extra" ng lalake sa ibang kamalig
para pamalit
kung may mamamatay o magiging hindi produktibo. Ang pagkilala ay:
· Ang mga lalakeng pato ay sumisitsit samantalang ang babae ay kumukuwak.
· At ang mga lalake ay pakulot ang buntot.
2. Ang mga lalake ay dapat matanda ng isang buwan kaysa sa babae, upang masiguro
na handa
silang mangasawa.
3. Piliin ang malusog na pato - maganda ang hugis ng katawan, mabuti ang anyo ng
balahiboat
masigla ang mga mata.
Huwag kukuha ng mukhang maysakit.
Mag-alaga ng Peking Duck
Ang pag-aalaga ng peking duck sa Red China ay isasng maunlad na hanapbuhay na
hindi
gaanong magaya ng iba. Ito'y dahil maselan ang mga Intsik sa uri ng nalutong
pato - ang balat ay
dapat malutong, ang laman ay makatas ngunit hindi mamantika. Ang ganitong uri ng
pato ay
hindi natatamo kung hindi tama ang pag-aalaga at paraan ng pagkatay.
1. Mula sa pagpisa sa itlog hanggang ito'y katayin ay bumibilang ng mga 49-55
araw.
Mula sa 28 araw, ang balahibo ng patong ito ay madilaw mula sa kanyang
pagkakapisa.
Pakainin ito ng maraming protina at bitamina hanggang tumimbang siya ng mga 1.25
kilo.
2. Sa susunod na 9-15 araw, pakainin ng magaspang at mahiblang patuka. Ang
balahibo
nito ay nagiging puti na, at nagkakakorte na - dumadagdag siya ng mga kalahati
hanggang
.75 kilo.
3. Sa huling 15 araw, pakainin [ilit ng mga .8 kilo ng pinaghalong gawgaw
(starch), millet,
sorghum at ipa (ng trigo kung mayroon).
Dagdag ito ng timbang na mga .25 kilo bawat araw.
4. Handa nang ilitson ito pag naging 2.5 - 2.75 kilo. Iluto sa init na 270 C
nang mga 30-40 minuto.
Ang natutunaw na taba nito ay tumutulong na lutuin ang laman kaya hindi
sumosobra ang luto.
5. Ang pagkatay ay isa-isa lamang, hindi sa paraan ng makina upang hindi masira
ang balat, na
siyang nakababawas ng taba.
Malutong ang buto ng peking duck, kaya kakatayin sa paraan ng makina ay maaaring
masira ang
leeg, pakpak o paa, kaya hindi na ito mabibili ng mga de klaseng restauran.
Ang pag-aalis ng balahibo at lamang loob ay sa kamay din.
6. Ang pagiging mahal ng lutong peking duck ay nasa pagkamaayos nito kung
ihahain.
Mag-alaga ng Pabo
Ang pabo ay mas madaling alagaan kaysa sa manok. At ang karne ng pabo ay mas
mahl at
madaling mabili sa mga hotel.
Ayon sa isang may karanasan sa pag-aalaga ng pabo, ang mga sumusunod ay maaaring
gabay
sa isang mag-uumpisang sumubok sa pag-aalaga ng mga ito:
1. Maaaring palayawin ang pabo sa damuhan at kung gabi lang iligpit.
2. Dahil nanginginain ito ng damo, binibigyan din ang pabo ng pinaghalong:
kinudkod na
niyog, balat ng prutas, mais, sorghum, isda at hipon.
3. Bukod sa panginginain ng damo, binibigyan din ang pabo ng pinaghalong
kinudkod na niyog,
balat ng prutas, mais, sorghum, isda at hipon.
4. Mas malakas kumain ang mga nakasilong (na ang sahig ay mataas-taas) kaysa sa
mga
gumagala.
Ngunit hindi rin sila dapat lagi sa kulungan dahil madaling masisira ang sahig
ng kulungan nila
dahil sa bigat nila.
Karaniwang 15 sako ng feed ang husto sa 500 pabo linggo-linggo, ngunit
nakababawas sa
daming ito kung sila ay pinagagala.
5. Ang isang paraan ay ang pagkakaroon ng isang silungan sa gitna ng pastulsn,
kung saan
laging may malinis na inumin at pagkain.
Ang silungang ito ay dapat mayroon ding tulugan nila at paitlugan.
6. Ang silungan ay dapat mga tatlong (3) metro ang taas, limang (5) metro lapad,
at 10 metro
haba.
Bukas ang apat na panig at may sahig na sisipsip sa dumi. Sa isang panig ay mga
paitlugan, at
sa kabila ay tubig at pagkain.
7. Ang sahig ay dapat 3 metro ang lampas kaysa silungan. Ito'y babakuran ng mga
5
talampakan taas (lampas tao) ng alambre, kung saan sila magliligawan at
magpapabukadkad ng
kanilang pakpak, o kakain.
8. Kung maganda ang panahon, pinalalaya sila sa parang upang manginain ng damo
at mga
kulisap.
Upang hindi maubusan o lumabis ang pangnginain nila sa isang lugar,
pagpalit-palitin sila sa ibaibang
bahagi ng parang, na pinagbubukod-bukod ng alambreng bakod.
9. Ang pagkain ay dalawang beses sa maghapon - sa umaga bago sila paalpasan, at
sa hapon
pagbalik sa silungan.
10. Ang pagkain ay dapat na 24% protina, na hindi naaabot ng mga komersiyal na
pagkaing
nabibili. Sa U.S, ang mga pabo ay binibigyan ng 24% protina, 2% calcium at 0.9%
phosphorus.
Dito, binibigyan sila ng 16% protina, 2.4% calcium at 1% phosphorus. Sa loob ng
apat (4) na
buwan, lumalaki ng 5 kilo ang pabo sa ganitong pagkain. Karaniwang tumimbang ang
lalaki ng 10
kilo at babae ng 7 kilo sa loob ng 18 linggo.
Laging may pagkain sa kanilang kainan at laging bago at malinis ang tubig na
inumin. Kung
kailangan, bagamat hindi ito madalas mangyari, binibigyan sila ng antibiotic na
pulbos sa inumin
at pagkain, o kung kailangan ay iniksiyon.
11. Ang sisiw ng pabo ay hindi nakakakita hanggang unang linggo pagkapisa, kaya
sinusubuan
ang mga ito hanggang makakain silang mag-isa. (Sa U.S., pinaiinom pa sila ng
gatas, ngunit sa
atin, ito ay napakamahal gawin.
12. Sa bawat 20 hanggang 25 babaing pabo, isang lalaki lang ang kailangan.
13. Upang maging tuluy-tuloy ang pangingitlog, hindi pinauupo ang inahing pabo.
Araw-araw,
kinukuha ang itlog at iniipon upang ipa-"incubator".
14. Nag-uumpisang ipunin ang itlog sa Abril o Mayo, at ini-incubator ang mga ito
sa Hulyo.
Napipisa sila sa unang linggo ng Agosto, at palalakihin nang 26 hanggang 28
linggo. (Itinetiempo
ng may-ari ang ganito upang ihanda sa Pasko at Thanksgiving Day).
15. Ang pabo ay nagbibihis ng pakpak ("molting") minsan sa isang taon.
Pagka-molting, mas
marami ang iniitlog. Kaya ang may-alaga ay pinipilit silang magmolt sa
paghahanda sa Pasko.
Binabawasan ang pagkain ng nangingitlog at mas matagal silang kinukulong sa
madilim na
kulungan, at matagal-tagal sa umaga bago pakawalan. Ang molting ay napadadali
kung mahina
ang pagkain at maikli ang araw.
16. Limang sakit ang karaniwang sa pabo: bulutong, pangingitim ng ulo, peste ng
ibon, paralisis
sa leeg (hindi makalulon), at parasito sa labas ng katawan. Ang pinakamabigat ay
ang
pangingitim ng ulo. Ang may sakit ay namamaligasgas ang balahibo, tumutungo ang
ulo, maitim
ang balat, at nagtatae. Nakukuha ito sa pagkain o tubig na marumi. Kaya
kadalasan ay dapat
ilipat ang kanilang bahay ng lugar upang hindi lumago ang sakit.
17. Isa pang kalaban ng pabo ay ang kuto sa balat ng sumisipsip sa kanyang dugo.
Ito ay
nahuhugasan ng pesticide na ukol sa sakit na ito. Ang pag-aalaga ng pabo ay mas
magaan
kaysa sa pag-aalaga ng manok, dahil mas matibay ang katawan ng pabo. Kung dadami
ang
mag-aalaga nito, bababa ang halaga nito at mas maraming makakatikim ng letsong
pabo kahit
hindi Pasko o Thanksgiving Day.
Mag-alaga Ng Kalapati
Ang pag-aalaga ng kalapati ay hindi lang nakalilibang kundi magaling din sa
hanapbuhay.
Mabilis itong dumami kapag tama ang alaga, at halos lahat ng bahagi nito ay may
pakinabang.
Halimbawa, ang pakpak at buto pagkatapos makunan ng karne, ay gamit na patuka sa
manok;
ang dumi ay gamit na pagkain ng baka.
Sa umpisa, hayaan munang masanay ang mga paris ng kalapati sa kanilang bagong
tahanan.
Kung hindi sila magkakapartner, lagyan ng parehong bilang ng babae at lalake.
1. Bigyan ng malinis na pagkain at inumin araw-araw.
2. Laging linisin ang kanilang bahay.
3. Ihiwalay agad ang may sakit o matamlay.
4. Sa paghahanda sa pangingitlog, lagyan ng kalat na dahon ang paitlugan bago
mangitlog ang
inahin. Kung hihintayin na mangitlog muna ito saka lalagyan, maaaring matabunan
ang mga itlog
at hindi mapisa.
5. Irekord ang araw ng pangingitlog, pagpisa, bilang ng inakay at kanilang
timbang, at bilang ng
namamatay.
Mahalaga ito sa pagbabawas ng hindi nanganganak at mahihinang lumaki o kumain.
Ang timbang ng inakay makalipas ng isang buwan pagkapisa ay dapat 500 gramo o
higit.
Pagpapakain
1. Kung ang pagkain ay butil o feed, dapat: buo ang butil, at hindi pino o
pulbos; ang
pagkakahalo-halo ay husto sa sustansya; walang amag, hayop o sira.
2. Maaaring bigyan ng mais, sorghum, soybean, bigas o mga gulay na buto.
3. Ilagay ang pagkain sa lugar na matutuka nila sa maghapon. Paghiwalayin ang
feed at butil.
4. Kung sa maramihan, hayaang magsagana hanggang makapagpapisa.
Kung lumalaki na ang inakay, hayaang kumain nang kumain para lumaki agad at
mabili nang
madali.
Kung hindi mabili sa loob ng isang buwan, mula sa pagkapisa, o gumaan ang
kanilang timbang,
ilagay sila sa kulungan na hindi sila gaanong nakagagalaw, at bigyan sila ng
maraming pagkain
upang lumaki agad.
Ang bilihan ay: First class - 500 gramo
Broiler, hindi tatanda sa 50 araw
Makinis at walang sugat, galos o kagat ng insekto
Malinis at matingkad ang balahibo
Pagpapaligo
Ang kalapati ay mahilig maligo kaya dapat mayroon silang paliguan na mga 7 1/2
cm ilalim ng
tubig, mga dalawa o tatlong beses isang linggo, kung maganda ang panahon ng
umaga.
Alisin ang paliguan kung tapos na sila.
Dapat din mayroon silang malinis na buhanging dapat na paliguan kung saan sila
makapupulot
ng maliliit na durog na kabibe at mga bato.
Kapag naliligo sila lagi, hindi sila madaling kapitan ng peste.
Ingatan sila sa peste at salot, kaya kumunsulta sa beterinaryo upang maiwasan
ang ganito.
Pagbabawas ng Datihan
Taon-taon, bawasan nang mga 25% ang mga ibon at palitan ng bagong silang upang
laging
masigla ang kanilang pagdami. Alagaan ang kalahati ng bilang nito hanggang edad
5 hanggang
6 na linggo.
Ang isang masiglang inahin ay maaring magkaanak ng sampu sa isang taon.
Mag-alaga ng Pugo
1. Ang pag-uumpisang pares ng pugong aalagaan ay mga edad 30-35 araw ang gulang,
makinis ang pakapk, at walang bahid na puti o itim.
2. Dapat magkakapareho ang mga pugo.
Ang Japanese quail ay tumitimbang ng 100 gramo sa edad 30-35 araw at 220 gramo
kung 60
araw. Mas magulang, mas mabigat.
3. Dapat ding malaman ang lahi ng inaalagaan at husay nito sa pangingitlog-65%
katamtaman
sa 30 araw.
4. Sa unang limang araw, ang mga sisiw (brooker - 1-15 araw) ay dapat nasa
temperaturang 35
C, at mga 30 C sa ika-10 araw kung may tumubo nang balahibo o pakpak.
5. Ilawan upang makontrol ang init ng kulungan. Lagyan ng tabing na papel ang
paligid ng
bombilya.
6. Pagkalampas ng 10 araw, alisin ang mga papel. Takpan ang kainan ng 1/4 mesh
wire upang
hindi gaanong matapon ang feed.
Kung tama ang init, pagkain at tubig, mga 5% lang ang mamamatay.
7. Pagkalipas ng 15 araw, maari nang ilipat ang mga ibon sa kulungang lalakihan
nila. Ilipat
lang ang mga malulusog at magkakasinlaking ibon. Ihiwalay ang maliliit.
8. Habang lumalaki, huwag ilantad ang mga ibon sa liwanag nang higit sa 12 oras.
9. Sa ika-35 araw, ang mga lalaking pugo ay magkakaroon ng madilim na brown na
balahibo sa
dibdib. Ilipat sila sa paitlugan.
Kung pantay ang dami ng babae sa lalake, 40% nito ang mangingitlog.
10. Huwag lagyan ng lalaki ang paitlugan maliban lang kung kailangan ang
pagpapasisiw -
isang lalaki sa bawat 6 na babae kung pugong Hapon, at isang lalaki sa 3 babae
kung pugong
Amerikano.
11. Ayon sa pananaliksik sa Tarlac College of Agriculture, nakita na mas malakas
ang
pangingitlog ng pugo kung ang pagkain nito ay hahaluan 5% copra meal, huwag
lalabis.
Mag-alaga Ng Kambing
Ang kambing ay maaaring alagaan nang malaya sa pastulan, ngunit ang kulong na
pag-aalaga
ay may higit na kabutihan:
1. Mas malayo ang pagkuha ng mga parasito kung ang kambing ay kulong.
2. Mas busoig sila, kaya ang inahin ay mas maraming gatas ang naibibigay.
3. Mas maliitang lugar na kailangan sa patutubuan ng mga pagkaing halaman at
damo. Ang
1/4 ektaryang lupa ay husto na sa bawat 6 na babae at isang lalaking kambing.
4. Mas madali silang alagaan at supilin.
Kaya lang, mas malaki ang puhunan at kailangan ang taong magtatrabaho sa
paggagapas ng
ipakakain, at sa pagpapakain at paglilinis ng kanilang kulungan.
Sa paghahanda ng alagaan, magtanim ng mga halamang kailangan ng kambing tulad ng
para
grass, napier, madre de cacao (kakawate), alibangbang, at ipil-ipil. Lagyan ito
ng patabang
tinuyong dumi ng kambing tuwing dalawang buwan upang laging sumagana ang
pagtubo.
Kulungan:
1. Bahay na kahoy, sahig na kawayan, may bubong, bukas sa paligid.
2. Mga isa't kalahating metro ang taas ng sahig mula sa lupa upang madaling
linisin and dumi.
3. Sa magkabilang paligid ng bahay ay lagyan ng pagkain at tubig na inumin.
4. May lugar o espasyo silang pasyalan.
5. Bukod ang bahay ng mga inang nagpapagatas, maliliit at inawatang ina. Ang
isang bahagi
ay may hati para ibukod ang maliliit sa ina kung gabi.
6. Ang bawat bahay ay may limang lalaking kambing.
Pagkain:
1. Ang mga nabanggit na halaman ang pagkain ng kambing.
2. Huwag magbigay ng sobrang sariwang kumpay sa isang kainan.
3. Ayaw nila ng maruming damo o nangangasim na pagkain.
4. Gusto nila sa bawat pagpapakain ang iba't ibang damo.
Pagpapalahi
1. Pag mga anim hanggan walong (6-8) buwan na ang gulang, piliin ang mahusay na
paaanakan at gagatasan kung bababe at ang mapusok kung lalake.
2. Maari nang paanakan ang kambing na babae sa gulang na 10-12 buwan. Handa nang
mangasawa ang kambing na lalake sa gulang 12 buwan. Sa umpisa, kaunti lang ang
ipakakasta
sa baguhang kaaambing, ngunit kaya nito hanggang 25 kung ito'y maging gulang 1
1/2 taon na.
3. Ang panahon sa paglalandi ng kambing na babae ay tumatagal nang 2-3 araw. Ang
mga
palatandaan ay:
· magme-meeee at iwinawagwag ang buntot.
· madalas umihi
· naglalabas ng uhog sa ari na ngayon ay namamaga
· at sumasakay sa ibang hayop
4. Ang pagpapakasta ay minsan sa umaga at minsan sa hapon, at ulitin sa
kinaumagahan
upang iakyat na may epekto.
5. Pagkatapos ay ibukod ang mga kambing na kastaan. Buntis na ito sa loob ng mga
3 linggo
kung hindi magpapakita ng muling paglalandi.
Panganganak ng Kambing
1. Ang pagbubuntis ng kambing ay mula 145-155 araw. Dapat itala ang mga bagay na
ito
mula sa pagkakasta.
2. Pag malapit nang manganak, nag-me-meee ito (umiiyak), nagiging masungit,
kinukutkot
ang higaan, at may inilalabas na kaunting uhog sa ari.
3. Pag manganganak na, lalabasan ito ng madilaw na uhog.
4. Para matulugan ang nanganganak na kambing, hilahin ang tuta paglumalabas na
ito sa ina,
ngunit dapat malinis ang kamay ng nagpapaanak. Mag-alkohol muna upang maiwasan
ang
impeksyon. Ang karaniwang lumalabas ay ulo muna. Madalas dalawa ang anak, maari
ding tatlo
ngunit bihira.
5. Punasan ang ilong ng bagong panganak na kambing upang makahinga into nang
maluwag.
6. Lagyan ng yodo ang dulo ng pusod, at talian ang pusod.
7. Pag apat na araw na ang gulang ng kambing, inaalisan ito ng tutubo pa lang na
sungay,
sapagkat ang mga kambing na may sungay ay nagkakasakitan.
Dapat lang ipagawa ito sa beterinaryo sa talagang sanay sa paggawa nito.
8. Ang iba pang ginagawa ay ang paglalagay ng tanda sa tainga nito isang linggo
pagkapanganak, pinuputol ang kuko minsan sa isang buwan, at ang pagkakapon kapag
isa
hanggang apat na buwan na ang gulang.
Paggagatas
1. Gatasan ang inahing kambing 5 araw pagkapanganak.
Ipagpatuloy ang paggatas nang 3-5 buwan hanggang mapawalay ang anak o 60 araw
bago
magsilang muli.
2. Gatasan ang inahin sa umagang umaga bago sumuso ang anak.
3. Kung maraming gatas ang inahin ay maaaring gatasan muli ito sa bandang hapon.
4. Bigyan ng 200-300 gramo ng concentrate araw-araw ang ina upang lumakas ang
kanyang
gatas.
Pagwawalay sa Inahin
Kung pinalaki ang kambing para gatasan, huwag ganap na iwalay ang anak sa ina
kapag mga 3-
5 araw na ang edad ng anak. Sa gabi ay iwalay ang anak sa inahing kambing. Kung
pangalawang dahilan lang ang produksyon ng gatas, iwalay nang lubusan ang anak
kapag 3
buwan na ang edad ng anak. Siguruhin na makakakain sila at makakainom ng tubig
samantalang nakabukod na sila sa ina. Sa ganitong paraan, madaling matututong
kumain at
uminom ang maliit na kambing kahit mga bata pa.
Pangangalaga
1. Hayaang mag-exercise ang mga kambing 3-4 oras araw-araw sa labas ng kulungan.
2. Regular na bakunahan laban sa sakit.
3. Ibukod ang may sakit na kambing na numonia at parasito.
Pneumonia:karaniwan ito sa pagpasok at pag matatapos na ang tag-ulan. Huwag
silang
pabayaan na maulanan o maanggihan.
Ang mga palatandaan ng pneumonia ay mabilis at hirap na paghinga.
Bigyan ang kambing na may sakit ng iniksyon na liquamycin, Tylan 200 o
combiotic.
Parasito (bulate): Tuwing anim na buwan, bigyan sila ng Tetrazole Thiabenzole.
Paliguan Ang Kambing
Isang mag-aalaga ng kambing sa Miagao, Iloilo, ang nagsiyasat tungkol sa epekto
ng paliligo sa
mga alaga niyang kambing. Sa parehong pagkain, isang grupon ng kambing ang
kanyang
pinaliliguan minsan isang linggo, at ang isa naman ay hindi pinaliliguan.
Nakita din ang karne ng mga ito nang kinatay pagkatapos ng tatlong buwan, sa
amoy, hitsura ng
karne, hilatsa, kulay ng laman, taba at pangkalahatang anyo. Bawas ang anggo ng
karne ng
naliligong kambing, at mas masarap at kaaya-ayan ang kulay ng karne nito kaysa
sa karne ng
hindi pinaliliguan.
Paraan ng pagpapaligo
1. Buhusan ng mga 2 litrong tubig ang kambing.
2. Sundan ng isang litrong tubig na may lusaw na pulbos na sabon (isang
kutsara). Hayaan sa
katawan ng kambing ang sabon sa loob ng mga tatlong minuto.
3. Banlawan ng mga pitong litrong tubig.
4. Hayaang matuyo sila bago ibalik sa kulungan.
Mag-alaga Ng Kuheno
Ang karne ng koneho ay masustansiya - may taglay na 20% protina na mas mataas
kaysa taglay
na protina ng baboy (17%) at manok (19%), bagamat mababa kaysa sa baka (22%).
Sa lasa, kulay, amoy, at hilatsa ay nakakahawig ng sa manok at wala itong
gaanong taba. Mas
madali ang mag-alaga ng koneho kaysa mag-alaga ng manok o baboy.
Pag-aalaga
1. Maaaring mag-umpisa sa isang lalake at 2 babae na gulang 2 buwan (Pagkaawat
sa ina).
2. Dapat kumuha ng mula sa mabuting lahi tulad ng New Zealand White at
California White.
3. Pumili ng batang kuneho na anak ng mga inahing palaanakin at maraming
manganak, at
marunong magpasuso sa anak.
4. Pumili ng mapusok o masigasig na lalake na paglalahian at mga kunehong walang
sakit at
walang depekto.
5. Bawat isang kuneho ay dapat may sariling kulungan kung saan siya tahimik, at
hindi tuwirang
naiinitan ng araw mga 8 hanggang 10 kudradong talampakan: 2 1/2" x 4" x 2" taas.
6. Bukod ang babae sa lalake - ang koneho ay may sariling lugar na kanya - ayaw
ng nagugulo
ng iba.
Pagpapakain
1. Puro gulay ang pagkain ng kuneho - minsan sa umaga at minsan sa hapon
(maggagabi)
a) Bilang karagdan sa pagkain, bigyan sila ng:
binlid ----------------------------------------- 15-25%
doybean meal---------------------------------- 5%
copra meal ------------------------------------ 4%
dahon ng ipil-ipil------------------------------- 1%
pinulbos na kabibi o balat ng lamang dagat ---- 125%
asin -------------------------------------------- 25%
b) berdeng dahon - petsay, mustasda, letsugas, dahong kamote, repolyo, labong,
sigarilyas,
malunggay at katulad nito
k) lamang ugat - kamote, gabi, patatas, carrot, labanos, singkamas, ubi.
d) damo - mula sa ginapas (sa hardin)
- tangkay at dahon ng mga talong, munggo, soybean, kadyos, sitaw, at ibp.
e) balat ng saging, melon, pakwan (ngunit hindi balat ng papaya o sayote)
g) tutong, tinapay (walang amag) o matsakaw at iba pa
h) laging puno ang inumin, malinis at bago, lalo na kung nagpapasuso.
Pagpapalahi
Kapag panahonb ng paglalandi, ang babaeng kuneho ay hindi mapalagay at walang
ganang
kumain, at ang ari ay namamaga.
Dalhin ang babae sa kulungan ng lalaking kuneho, (kapag ang lalake ang dinala sa
kulungan ng
babae, maaaring patayin itong babae sapagkat ayaw niyang magulo ang lugar niya
ng iba).
Ang pinakamabuting oras ng pagsasamahin ang mga kuneho ay maaga sa umaga (5:00
am -
8:00 am) o panahon na (mga 4:00pm - 7:00pm), huwag kukulangin sa makalawang
beses.
Huwag iwan magdamag ang babae sa kulungan ng lalaking kuneho.
Pag-aanak ng Kuneho
1. Ang pagbubutins ng kuneho ay mula 28 araw kung ito'y bata, hanggang 32 araw
kung
matanda na.
2. Pag malapit na itong manganak, ang inahin ay magiging waring nerbiosa -
kukutkutin nito ang
sahig ng pugaad, ikakalat o iibahin ang sapin, o bubunutin ang kanyang balahibo
at isasapin sa
pugad niya.
3. Sa oras ng panganganak, ayaw ng inahing kuneho ang siya ay guluhin. Magiging
matatakutin
ito kaya ilayo ang mga bata, aso, pusa at iba pang pang abala o panggaulo.
4. Huwag hahawakan ang maliliit sa buong 24 oras pagkapanganak dahil kapag
naamoy ng ina
na may ibang gumalaw sa mga anak niya, aayawan niya ang mga ito o kakainin niya
ito.
5. Kapag ang maliliit na kuneho ay nagpapamalas ng di mapalagay, maglusaw ng
kalahating
(1/2) kutsaritang Sulmet sa isang litrong tubig at ipainom sa loob ng tatlong
(3) araw. Maari din
ang Terramycin powder.
6. Pagkalipas ng 10 araw, iiwan ng maliliit ang pugad at magsisimula silang
kumain ng mga
gulay, at ibang pagkain pag tatlong linggo na ang gulang.
7. Sa ganitong panahon, maari nang paanakin uli ang inahin, at ang maliliit ay
patabain at
katayin - mga 5 buwan ang gulang.
Ang nag-aalaga ng kuneho ay dapat magtala ng lahat ng mahahalagang bagay tulad
ng: petsa
ng pagkakasta, panganganak, pagpapasuso, unang pagkain ng gulay, at iba pa upang
maging
madali ang pag-aalaga.
Halamang Yucca Para Sa Manukan At Babuyan
Ang halamang yucca ay may taglay a sangkap sa kanyang katas, isang uri ng
steriod saponin na
nagpapababa ng dami ng ammonia sa dumi ng alagang hayop tulad ng baboy, manok,
kambing
at ibapa.
Ang mapaminsalang ammonia at ibang lason na gas ay nalilikha sa nabubulok na
dumi (at
basurang mula sa dating buhay - halaman o hayop. Ang pag-iipon nito sa kulungan
ay isa sa
pinakamalaking problema sa bentilasyon. Pag mataas ang dami ng ammoni,
nagkakasakit ang
mga hayop at namamatay. Para din sa nag-aalaga, nagiging mahirap ang paglilinis
ng dumi sa
kulungan dahil sa amoy nito, at ang metal na kagamitan sa kulungan ay madaling
maagnas.
Maaaring ihalo ang katas ng yucca, schidigera sa pagkain ng maliliit na hayop
tulad ng biik, at
maari ding tuwirang ilagay ito sa mga dumi upang mapababa ang ammonia na
inilalabas ng
dumi.
Lahat ng bahagi ng yucca ay may silbi. Sa mga Indian ng Timog-Kanluran ng
America at Mexico,
may panahon na ang yucca ang pinakamahalaga, sumunod sa tubig, na nagtawid sa
buhay nila
noon. Bulaklak, bunga, buto, kahoy, dahon, at ugat ay kinakain. Noon pang mga
1930, pinagaralan
sa Timog-Kanluran ng Estados Unidos ang yucca, at nakitang mabuting pagkain ng
baka.
Noong 1965 pa, inaprobahan ito na pagkain ng tao na walang pagbabawal.
Pangangalaga Sa Nanganganak Na Baboy
Sa mga baguhan sa pag-aalaga ng baboy, makabubuti ang sumangguni sa beterinaryo
upang
mapangalagaan ang inahin at mga iaanak nito.
1. May mga inahing nangangailangan ng higit na atensyon sa panganganak, kapag
lumampas sa
20 minuto ang pagitan ng paglabas ng anak. Pangalagaang mabuti ang bandang huli
na
iniaanak dahil ito ang madalas na may nagiging patay paglabas.
2. Kailangang pangalagaang hindi mawalan ng oxygen ang ipinapanganak na biik.
3. Dapat maiwasan ang mawalan ng lakas ang inahin (dahil sa hirap o pagod ng
panganganak)
upang maging mabuti ang simula ng kanyang pagpapagatas.
4. ISang paraan ng pagpapadali ng panganganak ay ang pagbibigay ng prostaglandin
na
ineksyon, lalo na kung tumatanda na ang inahin.
5. Maari ding makabawas ng iniaanak na patay sa patay sa pagbibigay ng gamot na
oxytocin
para padaliin ang panganganak.
6. Isang paalala sa nagpapaanak ay ang dapt maging malinis ang kamay at braso at
gumamit ng
pampadulas na jelly sa pagdukot sa biik. Kung wala ito, maaring masugatan ang
puerta ng
inahin at maging dahilan ng pagkakaimpeksiyon o maaring maging sanhi ng
panganganak ng
patay.
Mga Dahilan Kung Bakit May Biik Na Ipinanganganak Nang Patay
Sa pag-aalag ng baboy, karaniwang nangyayari na may ipinanganganak na patay.
Ngunit kung
ito'y napapadalas palagi sa isang inahin, dapat hanapin ang dahilan.
Ngnit dapat tiyakin kung talaga bang patay na ipinanganak ang biik o baka
namatay lang agad
pagkapanganak, na sana'y maaari pang mailigtas kung nabigyan ng pansin. Kung
minsan, may
mga biik na napakahina nang ipanganak kaya hindi nila nabuhayan ang kanilang
balot, kaya
nainis, o baka kaya naginaw na mabuti pagkapanganak, na siyang ikinamatay.
Ang biik na namatay sa tiyan sa umpisa pa lang ng pagbubuntis ng ina ay parang
matigas na at
nabubulok na.
Ang namatay bago lang ipanganak ay hitsurang normal maliban sa mga matang
malalim.
Upang malaman kung ang biik ay patay na nang ilabas o namatay lang
pagkapanganak, kumuha
ng kapirasong pulmon nito at ilagay sa timba ng tubig. Kapag ito'y lumutang,
ibig sabihi'y
nakahinga pa ang biik bago ito namatay ( dahil may hangin ang pulmon), kaya
buhay ito nang
lumabas, at wala namang magagawa upang iligtas ito.
1. Ang ipinanganganak nang patay ay mas marami sa mga maramihang anak,
kadalasa'y sa
ika-limang anak o huling ika-tatlo. Ito'y marahil daw dahil sa haba ng
bahay-bata (o matris) at ng
tali ng pusod. Kung sa isang metrong haba ang lalakbayin ng ipinanganganak na
biik
samantalang karaniwan ay mga 70 cm lamang ang haba ng kanilang pusod; sa
kahabaan ng
lalabasan, nababanat at napuputol ang pusod at nawawalan ito ng hininga bago
siya makalabas.
2. Maaari ding dahil tumatanda na ang inahin (nakakalimang panganganak na o
higit).
Kadalasan, ang pag-aanak nang patay ay mula sa ika-apat hanggang ika-pitong
panganganak.
Nakikita sa mga inaanak ng inahin kung ano ang mga susunod na iaaanak nito.
3. Ang ibang dahilan ay marahil dahil din sa hirap bago manganak ang inahin -
marahil nakipagaway
siya o napahirapan noong mga huling linggo bago manganak.
4. Ang inahing napakataba ay mahirap manganak.
5. Kung kulang sa dugo ang inahin o kulang sa Bitamina E, hindi nakakayanan ng
biik ang
paglabas nito dahil siya din ay kulang sa Bitamina E.
6. Kung kulang sa Bitamina A ang pagkain ng inahin o mahina ang sustansya sa
pagkain nito
ilang buwan bago ito manganak, maaring ikamatay ito ng biik.
7. Kung nagkaimpeksyon ang pagkain ng inahin, tulad ng amag, manganganak ng
patay ito, o
mahina ang magiging anak.
8. Kung magkasabay-sabay ang mga inahin na nanganak ng patay, malamang na
impeksyon o
sakit ang dahilan. Halimbawa, may sakit ng pusa na naisasalin sa baboy, pero
bihira na
maisalin ito mula baboy sa pusa. Kung nahawa ang baboy nang maliit pa ang anak
sa tiyan,
maaaring makunan ito. Ngunit kung bandang huli ng kanyang kabuntisan ito nahawa,
patay ang
nagiging anak nito.
9. Kung ang kulungan ay kulang sa bentilasyon, lalo pa kung maysumisingaw na
gas, at kung
mataas ang carbon monoxide dito mula sa mga buga ng sasakyan, maaaring ikamatay
ito ng
anak sa tiyan ng inahing baboy.
Malusog na Biik
Kung mag-aalga ng patabaing baboy, pumili ng malusog, masigla at mabililumaki.
Mga palatandaan ng malusog na biik:
1. Makintab at pino ang balahibo
2. Hindi matamlay, marumi, at may tuyong luha ang mga mata
3. Hindi nakalaylay ang tiyan
4. Timbang ang pangangatawan. Mula sa malayo, tingnan kung paano ito tumindig at
lumakad.
Pag-aalaga
1. Ilagay sa maayos na bahay-baboy na laging tuyo at malinis
2. Bigyan ng malinis na pagkain at inumin
3. Sa 7 metro kuadrado hanggang walo, maaaring mag-alaga ng lima hanggang 10
baboy.
4. Paliguan ang baboy araw-araw, lalo na kung tag-init
5. Laging linisin ang kulungan.
Lunas Sa Pagtatae Ng Biik
Ang pagtatae ng biik at mga lumalaking baboy ay dala ng mga mikrobyong buhay na
nakukuha
nila sa lupa. Sa panganganak ng inahin, ito'y nakalupasay sa lupa kung saan
maraming
mikrobyo ang dumidikit sa suso at utong nito, na siya namang sinususo ng bagong
panganak.
Nakakakuha rin ng dagdag pang mikrobyo ang biik kapag natuto itong sumalisol ng
lupa sa
paghahanap ng makakain.
Ayon sa mga dalubhasa, ang mga mikrobyong napupulot ng mga biik ay nagtatapos sa
kanilang
tiyan kung saan kumakapit sa manipis na sapin ng sikmura at humahadlang sa
gawain nitong
magtunaw ng kinain. Kaya, dahil hindi natutunawan, inilalabas ang kinain nang
buo-buo din at
tubig. Dahil din sa mikrobyong ito, hindi mabuo ang dumi kaya ang lumalabas ay
lusaw o tubig.
Ang masama pa nito, ang mikrobyong pumasok sa sikmura ay gumagasgas sa loob ng
sikmura,
na siyang dahilan ng pagdugo nito.
Lunas:
Bigyan ng 5% pinulbos na uling mula sa bao ng niyog at ihalo sa pagkain ng mga
biik.
Ang mga gamot sa pagtatae ay maitim na parang uling sapagkat may taglay itong
"activated
carbon" na malakas sumipsip. Ang uling mula sa bao ng niyog ay may karbon din.
Ang karbon
ay nagpapawalang bisa sa pinsala ng mga mikrobyo sa pamamagitan ng pagpapalayo
sa kanila
mula sa gilid ng loob ng sikmura dahil binabalot nito ang mikrobyo at sinisipsip
ang labis na tubig
sa sikmura ng biik, kaya nabubuo ang dumi nito.
Kung hindi tumalab ang ganitong paraan, painumin na ang biik ng anti-biotic
kontra sa pagtatae.
Ang pangmatagalang panlunas sa pagtatae o pagkakasakit ay kalinisan sa kanilang
kapaligiran.
Laging disinpektahin ang lugar nila bukod sa panatilihing malinis.
Salot Sa Baboy
May isang sakit ng baboy na tinatawag na "pseudo-rabis" (siyodo rabis) na
umaatake rin sa ibang
hayop na apat ang paa. Minsan ang mga sintomas ay nag-uumpisang lumabas mga
90-120
araw, ngunit may baboy na namamatay pagkalabas ng mga palatandaan sa loob lang
ng
dalawang araw, at ang iba ay sa loob lang ng 12 oras. Kaya, kailangan ang bakuna
habang hindi
pa dinadapuan ng sakit ang mga alagang ito.
Mga palatandaan ng sakit
1. Nag-uumpisang ubuhin at mawalan ng ganang kumain ang baboy
2. Lumalakad nang paurong, at ang mga kilos ay walang pagtutugma
3. Nilalagnat ng mga 41C
4. Nagsusuka nang madilaw o naglalaway
5. Mapupula ang mga mata
6. Madaling talaban at mamatay ang mga baboy na tumitimbang ng 40-50 kilo, sa
loob lang ng
dalawang araw.
7. Kung minsan, parang pulmonia ang sakit na ito, dahil ang mikrobyo nito ay
kumakalat sa may
pulmon; at minsang manghina ang hayop, pumapasok na rin ang iba pang sakit
8. Kapag kinatay ang may sakit nito, may batik-batik na puti ang atay
Mga panlaban sa sakit
May mga gumagaling naman sa mga dinadapuan ng sakit na ito, kahint hindi
nagamot, ngunit
angilan ay humihinto nang paglaki. At kahit gumaling, dala pa rin ng baboy ang
sakit na ito, at
maaaring umulit pag nanghina siya.
Upang masawata ang sakit na pseudorabies, kailangan ang bakuna:
1. Dalawang beses isang taon sa mga baboy na pinaaanak, at tuwing ika-6 na buwan
pagkatapos
2. Minsan sa edad na pitong buwan sa mga patabaing baboy. Husto na ito hanggang
sa
maipagbili sila
3. Ang anak ng inahing maybakuna ay ligtas lang nang walong (8) linggo/
Kailangan silang
bakunahan makalipas ang panahong ito.
Ang mga baboy na may sakit ng ganito ay nagkakaroon ng mga epektong tulad ng
sumusunod:
Kung lalake - Nag-iiba ang korte ng kanilang itlog
- Humihina ang pangangasawa
Kung babae - Maaaring makunan, manganak nang patay o mamatayan ng anak sa
tiyan
- Maaaring hindi manganak.
Bitamina C para sa baboy
Ayon sa mananaliksik mula sa U.P. Los Banos, ang mga baboy na binibigyan ng
Bitamina C -
800 mg sa bawat kilo ng pagkain (o feed) ay bumibigat at lumalaki nang mas
mabilis kaysa sa
mga baboy na ang pagkain ay di nilagyan ng Bitamina C. At kapag nakatay, ang mga
pinakain
ng may Bitamina C ay mas maraming laman at di gaanong makapal ang taba sa likod.
Murang Protina sa Baboy: Retasong Isda
Ang isa sa pinakamayamang pagkukunan ng protina para sa baboy ay ang isda.
Ngunit mahal
ang fishmeal at di madaling bilhin sa ibang lugar. Ngunit sa mga lugar na tabing
dagat, ito ay
pagkakataon na mabigyan ang alagang baboy ng murang protina.
Paraan ng paggawa:
1. Ilagay ang isda sa lalagyang hindi metal (maaaring enamel o palayok)
2. Sa bawat 100 kilong isda (sari-sari), lagyan ng 3 litrong mallic acid (o
sulfuric acid)
Ang asido ay pipigil sa pagkakaroon ng mikrobyo sa laman ng isda, at sa
pagkabulok nito.
3. Lagyan ng pantay na dami ng mais, kasaba o mga butil; ito ay dadag sa taglay
na
karbohaidreyt ng pagkain at magpapababa sa prosiyento ng asido na makakain ng
baboy.
Ang kinalabasan na 1.5% asido ay hindi makasisira sa sikmura o bituka ng baboy.
Dumi ng Baboy/Pagkain ng Baboy
Napag-aralan sa U.P. Los Banos na ang sariwang dumi ng baboy ay may taglay na
kulangkulang
6% protinang hilaw, 3.7% taba, 4% na hibla, 70% tubig, 4.8% abo, kulang 12%
karbohaidreyt, higit kalahating porsyetong kalsium, at higit kalahating
porsyentong phosphorus
(na mas mataas kaysa sa ibinibigay ng halaman).
Kapag tuyo, ang ibinibigay nitong protina ay 27.7%, 43% karbohaidreyt, 16.5%
abo, 10% tubig,
10.87% hibla, at iba-ibang mineral, at isang uri ng baktirya na nagmumula sa
malaking bituka ng
baboy, na nagpapapanis. Ang baktiryang ito ang nagtutunaw sa mga mahirap matunaw
na
pagkain tulad ng mga hibla, at nakapagpapadagdag pa ito ng taglay na protina.
Paraan ng Paggawa:
1. Ihalo sa karaniwang pagkain ang dumi, tulad ng:
4 kilo copra meal at 1 kilo darak sa bawat 5 kilo dumi
2. Hayaang mapanis sa loob ng pitong (7) araw
3. Ihalo sa katumbas na dami ng karaniwang pagkain
Nakita ng mga mananaliksik na gusto ng baboy ang gabitong timplada ng pagkain.
Tumimbang
sila ng 93.3 kilo sa loob ng 111 araw, ang mga baboy na dating 35.7 kilo. Ang
mga baboy na
hindi binigyan ng ganitong pagkain ayt tumimbang lang ng 89.2 kilo sa ganoon
ding paraa.
Water Lily para sa Baboy
Ang water lily ay nagtataglay ng protina na maipapalit ng 25% sa protinang dulot
ng soybean
para sa lumalaking baboy.
1. Gilingin ang dahon ng water lily at salain sa .5 mesh wire upang masala ang
katas
na nagtataglay ng sustansiya.
2. Hayaang magdamag upang tumining ang mga buo-buo.
3. Ibilad ang latak o tuyuin sa dryer. Ang natuyo ay gilingin nang 20 mm laki.
4. Ihalo sa pagkain ng baboy.
Kailangan din ng Baboy ang Pagkalinga
Marami nang pag-aaral ang isinagawa na anumang may buhay-hayop o halaman ay
tumutugon
sa pagkalinga.
Halimbawa, sinubukan ng mga mananaliksik sa mga biik na edad 3 buwan. Ang isang
grupo ay
kinakausap at tinatapik-tapik nang mga 2 minuto, 3 beses isang linggo. Ang isa
namang grupo
ay basta pinakakain, tinatabi, sinisigawan o hindi pinakikitaan ng tulad sa
unang grupo.
Nakita na ang mga biik na "minamahal" ay lumaki nang mas mabilis kaysa sa hindi
"minahal". At
ang inahing binigyan ng atensyon at pagkalinga ay nagbibigay ng humigit kumulang
21 biik isang
taon. Samantalang ang basta pinalaki lang ay may 16 lang isang taon ang
naidudulot.
Foot-and-Mouth Disease (FMD)
Ang Foot-and-Mouth Disease ay isang uri ng sakit sa balat na karaniwan sa mga
hayop sa bukid
tulad ng baka, kalabaw at baboy. Ito ay kumakalat na sugat sa may bibig, paanan
sa may kuko,
utong; nilalagnat ang hayop na mayroon nito, walang ganang kumain, at waring
napipilay.
Paano nahahawa
Naisasalin ito o nakakahawa sa pamamagitan ng hangin o tuwirang pagkahawak o
pagdikit sa
maysakit.
Naisasalin ang sakit na ito sa layong hanggang 50 metro, dala ng hangin mula sa
dumi o
maysakit na hayop, o ng mga nahawahang hayop, gamit o dala ng tao o hayop na may
dala ng
virus nito, at tubig at pagkain nila.
Kapag nalalanghap ng tao o hayop ang sakit na ito, nananatili ang sakit sa kanya
sa loob ng 24
oras, at naililipat niya ito sa ibang tao o hayop sa pamamagitan ng hininga.
Ngunit ang tao ay may sadyang lakas laban dito, kaya wala pang nababalita na
taong nagkaroon
ng FMD.
Pagsupil
1. Ispreyan ng timplada ng formalin upang madisimpekta ang kulungan ng mga
hayop.
2. Langgasin ng nilagang dahong bayabas ang mga bahagi na may sakit.
Sinasabing sa tuluy-tuloy na pangangalaga, gagaling ang sakit kung walang
komplikasyon, at
kahit walang gamutan. Ngunit ang pagbabalik sa dating katawan at kalusugan ng
hayop ay
matatagalan nang kaunti.
Pag-iingat
1. Lutuing mabuti ang karne na may hinalang FMD sa suka, na makamamatay sa sakit
na ito;
2. Manmanang mabuti ang mga hayop; bakunahan ang wala pang sakit at ibukod agad
ang mga
may sakit na.
Sapal ng Tubo-pagkain ng Hayop
Sa mga pabrika ng asukal ay may produktong tintawag na "filtercake o mud press".
Ito ay yaong
sapal na lumalabas sa makinang giligan ng tubo sa pagkakatas dito ng matamis.
Ito ay parang
masa ng bibingka na kulay tsokolate kung basa at sapal naman kung tuyo.
Ang tinuyong sapal na ito ay may taglay na 5.16% protina, calcium, phosphorus,
5-15% asukal,
10-130% himaymay, at 10-20% abo bukod sa iba pang sangkap.
1. Salitan ng 10% sapal ang patuka ng mga lumalaking manok. (Huwag hihigit sito
sapagkat
hihina ang paglaki ng sisiw).
2. Maari ding ipandagdag ang sapal na ito sa pagkain ng baboy, kambing, kalabaw,
at baka.
Mga Pagkain ng Baka/Kalabaw
(1) Dayaming kumpay
Sa pagpapakain ng dayaming palay sa kalabaw o baka bilang kumpay, ibabad muna
ito sa tubig
bago ipakain sa kanila.
Sa ganitong paraan, nagiging madali ang pagkatunaw ng dayami sa tiyan ng hayop,
at ganoon
din ang taglay nitong hilaw na protina at asidong panlinis sa himaymay nito.
PCARRD Farmnews April 1987
(2) Talbos ng tubo
Nasubukan sa Begros na maaaring ipakain sa baka ang talbos ng tubo. Ngunit dahil
mahina ang
taglay nitong protina, kailangang bigyan ng pampuno upang makahusto sa
sustansyang
kailangan. Ang pandagdag ay copra meal, pulot-urea at sorghum.
Agricultural & Industrial Life
(3) Saging
Nasubukan ng mga mananaliksik sa Twin Rivers banana plantation (Davao) noon pang
1979 na
ang pagpapakain ng saging sa baka ay malakas magpalaki dito.
Dalawang grupo ng baka ang pinag-aralan, kapwa 7.43 kilo ang pagkain nila
araw-araw. Ang
isang grupo ay pinakain ng karaniwang pagkain-damo at iyong isa naman ay
pinakain ng mga
saging na "reject" sa pang-export na may kasamang 2.8 kilong iba-ibang sangkap:
60% copra
meal, 20% darak, 20% pulot, 1/4 (.25)% apog at asin.
Pagkalipas ng 4 buwan, ang mga pinakain ng saging ay mas mabigat ang timbang
nang di
hamak kaysa sa pinakain ng damo.
Agricultural & Industrial Life
(4) Taing Baboy
Ang dumi ng baboy ay nagtataglay na 21.6% hilaw na protina, 3.22% hilaw na taba,
at 2.2% abo
o mga mineral.
1. Isama ang parehong dami ng sariwang dumi ng baboy at mais.
2. Ang ganitong rasyon ay mabuting ibigay sa baka sa mga panahon kung pinatataba
ang mga
ito bago katayin.
Sa primero, hindi tatanggapin ng baka dahil sa amoy. Ngunit dahil wala silang
ibang kakanin
matututuhan na rin itong magustuhan.
Phil. Farmers' Journal Aug. 1980 p.28
(5) Taing manok
Ayon sa pananaliksik sa University of Clemason, USA, ang sariwang tai ng
nangingitlog na
manok na nakakulong ay maaaring ipalit sa kailangang protina sa pagkain ng baka.
Sa kanilang
pagsubok ay binigyan nila ang apat (4) na baka ng:
48% taing manok
12% giniling na balat ng mani - sa loob ng 112 araw
40% giniling na mais
Ang dalawa sa apat na baka ay pinagpatuloy pang bigyan sa loob ng 112 pang araw
ng:
40% tai ng nakakulong na nangingitlog na manok
1% dayami ng palay
59% giniling na mais
Ang mga baka ay bumigat ng isang (1) kilo bawat araw.
Bisa ng Liwanag sa Nagpapasusong Baka
Ayon sa nasubukan ng apat na mananaliksik ng Michigan State University, East
Lansing, noon
pang 1981, na kung nais dumami ang gatas na ibinibigay ng inang baka, bigyan ito
ng ilaw sa
kanyang kulungan kahit sa gabi.
Hindi daw sapat na pinaliligaw sa parang ang inang baka araw-araw habang ito'y
may
pasusuhin. Upang sumagana ang kanyang gatas, ilawan din ito magdamag ng
fluorescent lamp.
Naikta ng mananaliksik na kapag ang nagpapasusong baka ay inilawan ng 16 oras,
dumaragdag
ng 6% hanggang 7% o kulang-kulang 1 1/2 kilo ang gats niya kung ihahambing sa
bakang
gumagala sa parang nang 9 hanggang 12 oras araw-araw.
Ang mga bakang inilawan ay kumain ng 6% higit kaysa sa hindi inilawan; ito
marahil ang dahilan
ng dagdag ng gatas nila. At ang gatas ng inilawan ay 1 1/2 hanggang 1.8 beses
ang proclactin
kaysa sa mga inahing may 9 hanggang 12 oras lang ng natural na liwanag. Ang
prolactin ay
isang uri ng hormone o katas na nagpapagatas sa mga nagpapasuso, tao o hayop.
Nakita din ng mga siyentipiko na pagmalamig ang panahon, mahina ang prolactin ng
mga
bakang nagpapasuso.
Apog-gamot sa Suso ng Baka
Karaniwan sa inahing baka na magkaimpeksiyon sa utong ng suso, na tinatawag na
mastitis.
Ang isang uri ng mastitis ay may pamamaga ng utong na nagtutubig-tubig o
nilalabasan ng gats
na may dugo o nana.
Ang isa pang uri ng sakit na ito ay hindi nakikilala maliban lang kung idaan sa
testing ang baka.
Paraan ng paggagamot:
1. Maglusaw ng apog sa tubig (2%) at ihugas sa suso o utong ng baka.
Mabuti rin itong pantaboy sa langaw.
Pakinabang sa Taing Baka
Sa isang 300 metro kuadradong lupa sa Alabang Dairy Farm, may dalawang gawaan ng
methane gas (digester), lawa ng patubuan ng halaman sa tubig na chlorella,
alagaan ng tilapia, at
kapirasong taniman ng gulay - petsay, letsugas, mais, talong, kamatis.
Biogas
Sinubukan ng mga mananaliksik nang tatlong buwan na ang dumi ng pinag-aanuran
nito mula sa
50 baka ay nakapagbibigay araw-araw ng sampu hanggang 21 1/2 metro kubiko ng
biogas, sapat
na makapagpaandar ng de gas na refrigerator at 5-butas na kusinilya. Ang tubig
naman na
lumalabas sa digester ay pinatutuloy sa lawa ng tilapia at chlorella.
Chlorella
Sa tag-araw, ang pinatubong chlorella sa 52 metro kuadrado na lawa ay nagbigay
ng 5 1/2 kilo
na tuyong chlorella at 2 1/2 kilo naman sa tag-ulan. Ito ay ipinakakain sa baka.
Binigyan ng tig-dadalawang bahagi ng tinuyong chlorella at komersyal na pagkain
at anim na
bahagi, ng dayami ng palay ang mga baka. Dumagdag ang kanilang timbang nang
humigitkumulang
350 gramo araw-araw.
Latak
Ang latak ng dumi ay ginagamit sa tatlong paraan:
1) 50% dayami ng palay
40% ipil-ipil
9% pagkaing komersyal
1% pulot
2) Katulad ng (1) ngunit ang kalahati ay pinalitan ng tuyong chlorella
3) Katulad ng (1) ngunit ang kalahati ay pinalitan ng tuyong latak ng dumi
(sludge)
Resulta
Ang mga bakang pinakain ng may chlorella ay tumimbang ng pinakamataas: 730 gramo
bawat
araw, humigit-kumulang, higit nang 7% kaysa sa pinakain ng komersyal na pagkain.
Ang mga
binigyan ng latak ay bumigat ng 660 gramo araw-araw humigit kumulang.
Tilapiaan
Ang tubig na lumalabas sa digester ay pinadaloy sa lawa ng tilapiaan. Pagkalipas
nang apat na
buwan, ang mga tilapiaan ay lumaki nang 27 cm haba at tumimbang nang 350 gramo.
Pataba sa Gulayan
Ang gulayan na dinidilig ng tubig na ito ay umani ng kasindami ng ani noong sila
ay nilalagyan ng
komersyal na pataba (urea 2 bag na 46-00-NPK bawat ektarya).
Pagkain ng Hayop sa Bukid sa Panahon ng Kalamidad
Sa mga panahon na nawawalan ng damo dulot ng mga kalamidad tulad ng pagssabog ng
abo ng
Bulkang Pinatubo, o kung may baha na matagalan, maaaring bigyan ang mga hayop ng
maintenance ration o pagkaing pangmantini ng kanilang lakas hanggang muling
maibalik ang
normal na kalagayan.
Ang maintenance ration ay mga labi ng pananim tulad ng mga dayami, puno ng mais,
talbos ng
tubo, dahon ng kamote at iba pang mga ganitong basurang bukid, na panghalili sa
damong
sariwa.
Ayon sa mga dalubhasa, ang sumusunod ay bumubuo ng maintenance ration:
1. Dayami (kahit gaano karami) na wiwisikan ng pulot:
100 kilong dayami
10 kilong pulot) lusawin sa 20 litrong tubig
1 kilong urea) at iwisik sa dayami
2. Mga dahong legumbre: ipil-ipil, kakawate hanggang gusto (10-15 kilo)
3. Bigyan ng dayami (hanggang gusto) at 300 gramo Urea-molasses-mineral block
(UMMB)
araw-araw bawat hayop.
4. Bigyan ng (8-10 kilong labi ng bukirin at (1/2-1 kilong Brewers' spent grains
(mabibili ito sa
mga planta ng San Miguel Corporation, PCRDC sa UP Los Banos, CLSU Munoz, Nueva
Ecija o
sa Pampanga Agricultural College, Magalang, Pampanga.
5. Laging bigyan ng inuming tubig ang mga hayop.
6. Kung walang UMMB. bigyan sila ng asin.
Gabay sa Pagpapakain ng Hayop na Sinalanta ng Bulkang Pinatubo,
Pangangalaga ng mga Alagang Hayop sa Bukid
Ang mga hayop na nasa hindi maayos na kalagayan ay hindi malayong magkasakit.
Ito ay
nagpapahina sa natural na panlaban ng katawan nila sa sakit. Ang paghina ng
kanilang
resistensya ang nagbibigay ng pagkakataon upang makapasok,. dumami at kumalat
ang mga
mapaminsalang mikrobyo na nagdudulot ng sakit.
Ang mga sumusunod ay mga nagpapababa ng resistensya ng hayop:
1. maruming kapaligiran
2. panandaliang pagkawala ng tubig at pagkain
3. pagsisiksikan sa kulungan
4. matinding init o lamig
5. mahinang uri ng pagkain
6. pagpapalipat-lipat
7. pagkakaroon ng bulate, kuto, at ibapa.
Ang mga malulubhang sakit ng hayop ay kumakalat sa pamamagitan ng pagkakahawa
hawa sa:
1. pagkain ng kakaning nahaluan ng sakit/mikrobyo
2. pag-inom ng tubig na nahaluan ng mga mikrobyo
3. paglapit sa mga hayop na may sakit
4. paggamit ng mga bagay na nagamit ng maysakit na hayop
5. paglapit ng mga hayop na tagadala ng sakit, tulad ng sao, pusa, daga, ibon at
iba pa.
6. pagdapo at pagkagat ng mga insekto na nagdadala ng sakit tulad ng langaw,
lamok, garapata.
Maaari ding masalinan ng sakit ang hindi pa naipapanganak o mga bagong panganak
na hayop
sa pamamagitan ng dugo ng inahin o ng gatas na ipinasususo ng inahing may dala
ng sakit.
Anu-ano ang gagawin upang maiwasan ang sakit ng mga hayop
1. Gumawa ng isang maayos ng kulungan o silungan. Huwag pabayaan ang mga hayop
na
maulanan o mainitan.
2. Alisin ang mga nakausli na mga pako o matatalas na bagay na maaaring
makasugat sa mga
hayop. Ang sugat na ito ay maaaring pasukan ng mikrobyo at maging umpisa ng
impeksyon.
3. Huwag pagsasamahin ang iba't ibang uri ng hayop sa isang kulungan; ang ganito
ay maaaring
umpisahan ng mga sakuna at away.
4. Huwag hayaang magsiksikan ang mga hayop sa kulungan. Kailangan nila ang
umiikot at
sariwang hangin.
5. Ihiwalay ang mga bata o mahihinang hayop sa karamihan - bigyan sila ng
espesyal na
kalinga. Bigyan sila ng bitamina at iba pang masusustansyang pagkain upang
mapadali ang
kanilang paggaling.
6. Panatilihing malinis ang kulungan. Maglagay ng kanal para sa ihi at palagiang
alisin ang
kanilang dumi. Huwag pabayaang manatili sa kulungan ang ihi at dumi upang hindi
ito
pamugaran ng mikrobyo.
7. Maglagay palagi ng malinis na tubig. Linisin araw-araw ang kanilang inuman at
kainan.
hangga't maari, suriin ang pinanggagalingan ng tubig (maaaring nahahaluan ng
mikrobyo).
8. Iwalay sa karamihan ang mga hayop na maysakit. Ito'y makakahawa sa iba.
9. Lutuin o pakuluan ang mga tirang pagkain bago ipakain sa mga hayop. Bigyan
sila ng
masagana at masustansyang pagkain. Mas malayo sa sakit ang malulusog na hayop
kaysa sa
mga kulang sa sustansya.
10. Sunugin o ilibing ang mga namatay na hayop nang maayos. Huwag pangahasang
buksan
ang patay na katawan nito; ang ganitong paraan ay magbibigay daan lamang sa
pagkalat ng
mikrobyo.
11. Laging alamin ang kalagayan ng mga hayop. Kumunsulta sa isang beterinaryo
kung may
napapansing anumang sintomas ng sakit.
Mas madaling pagalingin ang sakit na nag-uumpisa pa lamang.
May ilang sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna, pagpupurga at
pagbibigay ng
gamot laban sa sakit.
Ang ilang sakit na lubhang nakakahawa na napipigilan ng bakuna ay ang FOOT &
MOUTH
DISEASE, HEMORRHAGIC SEPTICEMA, at HOG CHOLERA at NEW CASTLE DISEASE.
Kumunsulta sa beterinaryo tungkol sa uri, oras at dalas ng bakuna at dami ng
gamot sa bawat
pagbibigay ng bakuna.
Mga Halamang Gamot para sa Hayop
Ang mga sumusunod ay nasubukan nang nakabubuti sa mga nababanggit na sakit ng
hayop,
tulad ng:
Bulate sa tiyan
1. Lagundi - magdikdik ng kalahati hanggang 1 kilong dahon - haluan ng 2
hanggang 3
kutsarang asukal at ipainom sa hayop
2. Ipil-ipil - Magpulbos ng kalahating basong buto ng ipil-ipl na tuyo.
· ihalo sa kalahati o 3/4 basong tubig
· ipainom minsan. Huwag bibigyan nito ang buntis na hayop
3. Kadyos - hugasan at dikdikin ang kalahati hanggang 1 kilong dahon
4. Ampalaya - magdikdik ng kalahati hanggang 1 kilong dahon
· katasin at ipainom minsan hanggang 3 beses
5. Bungan - magpulbos ng 8 hanggang 10 bungang mura- ilagay sa 1 basong tubig,
ipainom
Kuto sa labas ng katawan
1. Kakawate - hugasan at dikdikin ang sariwang dahon
· ipahid sa lugar na may sakit minsan o makalawa isang araw sa loob ng isang
linggo
2. Akapulko
· tulad ng kakawate, pero makalawang beses maghapon sa loob ng dalawang linggo
Diarrhea
Ang pagtatae sa hayop ay maaaring dahil sa mikrobyo, bulate o sa kinain, o sa
sama-samang
dahilang nabanggit. Ang mga palatandaan ay lagnat. matubig na dumi, at kawalan
ng gana sa
pagkain.
Dahil sa kawalan ng tubig, asin at sustansiya sa katawan, kailangang bigyan ng
pang madaliang
lunas ang hayop. Ang isang mabuting ibigay ay sabaw ng buko na may asukal na
pula at asin.
Upang mapatigil ang pagtatae, painumin ng nilagang ugat ng Kogon, bayabas o
kaimito.
1. Kaimito - magpakulo ng kalahating kilong dahon sa 3 basong tubig. Kapag naiga
na sa
daming isang baso, palamigin at ibigay ito sa hayop makalawang beses isang araw,
mga
dalawang araw.
2. Saging - Ipakain ang sariwang dahon dalawang beses isang araw sa loob ng apat
na araw o
hanggang gumagaling.
Sugat
1. Carrot - Kayurin ang malinis na carrot, ihalo sa tuyong dahon ng tabako at
ilagay sa sugat,
minsan isang araw o tuwing dalawang araw.
2. Talong - Magdikdik ng dahon ng talong at ilagay sa sugat minsan o makalawa
maghapon sa
loob ng isang linggo.
Ang Mabuting Semilyahan ng Isda
Kung nais magpasemilya ng isda, ang mga sumusunod ay dapat isaalaala, ayon sa
mga
dalubhasa:
1. Dapat mas mababa kaysa sa dagat o ilog ang lalim ng semilyahan upang ang
tubig na
mangagaling sa dagat o ilog ay makapasok kahit kati.
2. Ang lupa sa kailaliman ng semilyahan ay dapat may buhay o compost na mga 16%.
3. Ang pH ay mula sa 7 hanggang 8 (isangguni sa Bureau of Soil)
4. Ang lupa ay maluwag upang tigilan ng tubig
5. May dalawang pintuan upang mapadali ang pagpasok at paglabas ng tubig.
6. Ang isang bahagi ng ilalim ay mataas nang kaunti kaysa sa kabilang bahagi
upang madaling
mahakot ang mga isda.
7 Maglagay ng kanal paligid (mga 15 cm lalim) na tatakbuhan ng tubig. Ang kanal
na ito ang
huhulugan ng dumi at iba pang bagay na nahuhulog sa dike.
8. Matitibay dapat ang dike upang hindi matagasan ng tubig (dahil sa mga butas
na sisirain ng
mga alimango at igat, at upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig kung malakas ang
ulan.
Lagyan ng Apog ang Palaisdaan
Sa Europa at Asia, natutuhan ng mga may palaisdaan na ang paglalagay ng apog sa
alagaan ng
isda ay nakatutulong nang malaki sa pagdami ng mga isda doon, lalo nasa mga
tubig na ang
ilalim ay lupang mababa sa calcium.
Parang ginagawang pataba, nillalagyan ng apog ang mga palaisdaan. Ang
pinakamadalas na
gamitin ay tulad din ng mga ginagamit sa lupa - dinurog nang pino ang alin sa
calcite (CACO3) o
dolomite {CaMg (CO3)2}.
Nauna nang pinag-aralan sa Auburn University sa Alabama (USA) noon pang 1975 ang
limang
palaisdaan ng tilapia na nilagyan ng apog at lima ding palaisdaan na hindi
inapugan ngunit
nilagyan ng patabang ammonium nitrate at triple superphosphate tuwing dalawang
linggo.
Nakita nila na dumami ang halamang pagkain na tumutubo sa may apog na
palaisdaan, at ang
isda dito ay dumami nang 25%. Kahit noon pang 1962, nasubukan na rin ito sa
Malaysia kung
saan dumami nang 10% ang tilapia sa alagaan na may apog.
Asid sa Palaisdaan
Kadalasan na pagkatapos ng malakas na ulan, naglulutungan ang mga patay na isda
sa
palaisdaan. Ang dahilan nito ay ang pagkalason sa masulfur (o sulfide compound).
Kapag ang
ganitong lupa ay nalantad sa hangin sa tag-araw, ang sulfur nito ay humahalo sa
oxygen sa
hangin at nagiging lason na sulfuric acid (na nakamamatay kahit sa tao), ayon sa
mga
mananaliksik.
Kapag daw umulan, nagiging lason sa tubig para sa isda dahil ang asid sa tubig
ay nagpapaaktibo
sa ilang mga sangkap tulad ng iron at aluminum na humahalo sa tubig.
Sa ganitong pangyayari, dapat ipasuri ang tubig sa palaisdaan sa Bureau of
Soils. Ang lunas dito
ay lagyan ng apog at dumi ng hayop ang palaisdaan upang makontra ang umiiral na
asid.
Mag-alaga ng Hito
Ang hito ay maaaring alagaan sa isang kulong na lugar tulad ng maliit na
palaisdaan.
May dalawang uri ng hito dito sa atin - ang likas na atin na nabubuhay sa mga
palayan at ilog
(minsan sa mga putikan) at ang nagmula sa Thailand o Taiwan. Kapwa ang mga ito
napadadami
at napalalaki sa alagaang paraan.
Sa loob ng apat na buwan, lumalaki ang hitong alaga nang mga 300-400 gramo o
tatlo isang kilo.
Sa Taiwan, napalalaki nila ito nang hanggang dalawang kilo bawat isa.
Ang lahing Taiwan ay madilim na grin ang kulay at maputi ang tiyan.
Kulungan
1. Sa pangkomersyo, ang isang ektaryang alagaan ay maaaring palakihan ng mga
100,000
maliliit na hito o mga bagong pisa (fingerlings). Sa ibang bansa tulad ng
Thailand, umaabot sa
300,000 hanggang 400,000 maliliit na palakihin ang naaalagaan sa isang ektarya.
2. Ang gilid ay mabuting konkreto upang hindi masira ng malakas na ulan o baha.
3. At bagamat marami ang mga ito sa ganoong laki ng kulungan, hindi ito
nangangailangan ng
AERATOR sapagkat ang mga hito ay may likas na panghinga ng hangin kahit sa labas
ng tubig.
4. Ang lalim ng tubig ay mga isa't kalahating (1 1/2) metro, na pinapalitan
kapag ito'y marumi at
madilim na.
Pagkain
Nangangailangan ang hito ng protina kaya gusto nito ang laman ng karne. Maari
din silang
mabuhay sa mga tumutubo sa ilalim ng tubig, ngunit magiging mahina ang kanilang
paglaki.
1. Binibigyan sila ng mga bituka ng manok minsan sa isang araw (mula sa mga
manok) at ng
mga tira-tirang isda (na nakukuha sa mga magmamanok) o komersyal na feed.
Kapag hindi sila natustusan ng ganitong pagkain kahit isang linggo, nanginginain
sila mula sa
ilalim ng tubig; ngunit nagkakainan din sila sa isa't isa o tumatakas mula sa
kulungan.
Mag-alaga ng Palaka
Ang palaka ay isa sa mga kinikilalang espesyal na pagkain sa ibang bansa, ngunit
dahil hindi ito
gaanong gawi na iahin sa hapag, hindi ito kilala ng marami. Dito sa atin, ang
uring nakakain ay
ang palakang palay na maaaring palakihin at padamihin sa alagaan.
Kapag husto ang gulang ng palaka, humahaba ito ng mga 14 na pulgaa kung
nakaunat, at
tumitimbang ng mga kalahating kilo o higit. nabubuhay ito sa tubig o sa lupa.
Ang lalaking palakang palay ay may mas malaking tainga kaysa sa kanyang mata; sa
babae
naman ay kasinlaki ng mata ang tainga. Ang babae ay mas malaki, ngunit mas
malakas at
mahaba ang unahang paa ng mga lalake. Ang lalamunan ng nangangasawang lalake ay
madilaw
at maga, samantalang ang sa babae ay maputi.
Nakausli ang mga mata ng palaka, at madilaw; ang dila ay mahaba at may malagkit
na laway.
Wala silang leeg na makaiikot kaya ang kanilang nakausling mata ang kanilang
pantingin sa
itaas-ibaba at paligid. Sa likod ng kanilang mata ay may malaking tainga o
panddinig (tympanum)
na malakas ang pakiramdam sa tunog at pagyanig sa paligid.
Sa kanilang likas na katayuan ang mga palakang ito ay nabubuhay sa mga sapa,
ilog, lawa,
kanal na patubig, palayan, at halos lahat ng may tubig at may tumutubong
binabahayan ng
kulisap. Ang kinakain nila ay malambot na halamang tumutubo sa tubig tulad ng
lato, at mga isda
kahit patay, kulisap, atay, lutong harinang trigo, nilagang patatas at mga
sariwang karne at
manok, laman-loob nito at kahit mga karne na hindi sariwa. Ang mga magulang ay
nabubuhay
din sa mga kulisap, alimasag, kulisap sa tubig, suso, hipon, gagamba, sikada,
tipaklong, kuliglig,
isda, ahas, anay, uod, kiti-kiti, bulate, batang pagong at ibon. Gusto nila ang
pagkain na buhay o
gumagalaw.
Pangingitlog
Mula Abril hanggang Setyembre, ang pangingitlog ng palaka. Lumulutang na kumpol
ang itlog na
nakasalalay sa dahon sa ibabaw ng tubig, sa mga halaman. Pagkaitlog ng babae,
ipe-fertilize ng
palakang lalake, mula sa labas, at pagkatapos ay ilalagay sa isang ipon ng
itlog. Pagkalipas ng
ilang araw (5-10), mapipisa ang mga ito. Mula sa daming mga 10,000 hanggang
20,000 mga
30% lang o kulang pa ang napipisa at nabubuhay. Depende sa init ng tubig, ang
maliliit na palaka
ay lalaki sa mga halaman sa tubig. Ang hugis nito ay parang isdang payat, may
hasang na
panghinga, walang paa, at may buntot na panlangoy.
Ang maliliit na ito ay lalaki sa loob ng ilang linggo hanggang ilang buwan, at
magiging husto nang
palaka. Mawawala ang hasang at magkakaroon naman ng pulmon. Mawawala ang buntot
ngunit
tutubuan ng apat na paa; iigsi ang bituka at ang bibig ay magiging bibig ng
palaka. Sa panahong
ito, ang lumalaking palaka ay nabubuhay nang mas mahabang panahon nang wala sa
tubig.
Mga Sakit at Kalaban ng Palaka
May salot ang palaka- ang pamumula ng paa na sanhin ng siksikan, dumi sa
kulungan at
kakulangan ng oxygen. Nagkakahawahan sila at ikinamamatay ng maraming maliliit.
Paggawa at Pangangalaga sa Palakaan
Maaaring mag-alaga ng palaka sa likod bahay lamang sa ilang metro kuadrado,
hanggang sa gaektarya
ang laki, depende sa laki ng lugar at sa pupuhuhanin dito.
Sa paggawa ng palakaan, kailangan ang sumusunod:
1. Pumili ng lugar na ang lupa ay tinitigilan ng tubig, tulad ng luwad. Kung
wala ito, dapat
sementuhin ang paligid ng alagaan, at lagyan ng papasukan at lalagusan ng tubig.
2. Dapat ang lugar ay malapit sa panggagalingan ng tubig tulad ng irigasyon o
sapa.
3. Pinakamahusay ang palayan sa pag-aalaga ng palaka
4. Iwasan ang lugar na binabaha
5. Dapat may bakod ang alagaan upang maiwasan ang pagtakas ng palaka at di
maabot ng mga
kaaway tulad ng pusa, ahas, bayawak o malalaking palaka
6. Taniman ng malilim na halaman tulad ng saging o mga bagin ang lugar at
hayaang tubuan ng
damo ang lupang walang tanim. Maaari ding gamitin ng kawayan ng panlilim
7. Maglagay ng malakas na liwanag upang makaakit ng mga kulisap
8. Magtanim ng mga bulaklakin sa paligid upang tumawag ng mga kulisap.
Alagaan ng Maliliit o Lumalaking Palaka
Ang palakihan o nursery na palaka ay dapat sementado ang palidig, mg 4x 1 metro
at mga
kalahating metro ang lalim. Makapaglalaman ito ng mga 5,000 na maliliit na
palaka.
1. Dapat gaspangan ang ibabaw na semento upang tubuan ng lumot at algae na
kinakain ng
maliliit na palaka. Bigyan din ang mga ito ng nilutong harinang trigo na
pampuno.
2. Lagyan na panlilim sa ibabaw- kawayan na may gumagapang na halaman o dahon ng
saging.
3. Laging malinis ang tubig, kaya dapat may lagusan ng maruming tubig at pasukan
ng malinis na
tubig.
4. Ang mga kumpol ng itlog na nasa malagkit na salalayan ay hahanguin sa
initlugan at ililipat sa
palakihan o bursery.
Ang mga itlog ay ilalagay sa nakabitin na net na pinong nylon upang hindi
tumapon ang mga itlog
na hindi mapipisa. Ang mga ito ay parang gulaman na nakapagpapadumi at baho ng
tubig na
kalalaglagan.
5. Ang mga itlog ay mapipisa sa loob ng apat hanggang sampu (4-10) araw, depende
sa init ng
tubig. Ang mga buhay na parang kiti-kiti ay aalis sa net.
Kulungan - Paglilipatan
Ang mga maliliit na palaka na waring kiti-kiti ay ililipat sa ibang alagaan
kapag tumutubo na ang
mga paa at mawawala na ang buntot. Ang kulungang may laki na 2m x 6m x 50 cm
lalim ay
maglalaman ng mga 4,000 na maliliit.
1. Pakakainin na ang maliliit na palaka ng mga pagkaing may buhay - maliliit na
uod, bulate o
anay ang gusto nila, lalo na sa mga bandang alas 4:00 ng hapon kung kailan sila
masigla.
2. Sa panahong ito, dahil wala silang kaliskis, matutuyuan sila ng balat kaya
dapat malapit sila
lagi sa may tubig.
3. Ang tabi ng kulungang paligid ay dapat pahilig. Dito masasanay ang palaka na
gumamit ng
paa, na siyang mahalaga sa kanilang paglaki.
4. Lagyan ng nakabiting salalayang nylon, sukat 1/2" x 2" na pahingahan ang mga
lumalaking
palaka.
5. Makabubuting maglagay ng ilaw na fluorescent (10 watts) sa mga paligid ng
kulungan upang
makamit ang mga kulisap sa gabi.
6. Kapag lumalaki na ang mga palaka, ilipat sila sa alagaan (mga 2.5" hanggana
3" laki). Sa
alagaang lawa palakihin ang mga batang palaka na pang kain o panglahi. Dapat
semento ang
lawa na mga kalahating metro ang lalim.
Pagpapalakihan ng Palaka
1. Ang alagaan ay dapat may sapat na pampang Liliman ng mga punong saging at
tamnan ng
damo ang paligid.
2. Maglagay ng mga halamang bulaklakin upang magtawag ng kulisap at mga halaman
sa tubig
na babahayan ng mga hayop sa tubig at ng mga gurami na makakain ng palaka.
3. Pakainin din sila ng mga bulate, anay o iba pang pandagdag.
4. Ang dami ng palaka sa kulungan ay dapat mga isang palaka sa bawat 2.5" o 3"
ba\wat
kuadradong talampakan.
5. Lagyan ng salat-salat na kawayan sa mga sulok na magiging lilim sa nylon trey
na magiging
pahingahan o silungan ng mga palaka. Takpan ito ng mga dahong saging.
Ang mga silungang ito ay kawayan na 2m x 3m na nakaangat nang mga 5cm sa lupa at
nakalawit nang mga kalahating (1/2) metro mula sa taas ng tubig ng lawa.
6. Dito ilagay ang ilaw.
7. Sa ilalim nito ay ang nylon trey 1m x 2m na suportado ng 1 1/2" x 2" kahoy
paligid.
Palahian
Ang palahian ay katulad ng alagaan ngunit maliit-liit. Ilagay dito ang
pinakamalulusog at
pinakamalalaking palaka na palalahian.
Halos pantay ang bilang ng babae sa lalake dahil minsan lang mangasawa sa iisa
ang palakang
lalake.
Bago dumating ang panahon ng pangingitlog ay pagsamahin na ang mga palaka upang
makasanayan nila ang kanilang kapaligiran, nang mas mahusay ang maging
pangingitlog.
Ang dami ng kulungan ay mga dalawang (2) palaka sa bawat metro kuadrado sa buong
kulungan.
Gawing Lalaki ang mga Babaeng Tilapia
Ang mga lalaking tilapia ay mas mabilis lumaki at mas malalaking di-hamak kaysa
mga babaeng
tilapia. Ang mga lalaki ay karaniwang tumitimbang ng mula 600-800 gramo sa loob
ng apat na
buwan, at maari pa itong lumaki pa kung hahayaan, ngunit ang mga babaeng tilapia
ay umaabot
lang ng 150 gramo sa ganoon ding panahon.
Palibhasa mabilis manganak ang babaeng tilapia, ang sobrang pagdami ng isda sa
palaisdaan
ay nagpapabansot sa mga isda, at marami ang namamatay.
Kung haluhalo ang babae at lalaki, hindi pare-pareho ang paglaki ng mga isda
kapag panahon na
ng pag-aani sa kanila.
Mga Kailangan:
1. pinong hapa (binaliktad na kulambo)
2. Formula SRT-95 (hormone)
Paraan ng Paggawa:
1. Isalin agad sa hapa (sa palaisdaan) ang mga napipisa pa lamang na isda mula
sa bunganga
ng inahing tilapia.
2. Pakainin agad ng pormulasyon na hormone ang mga maliliit.
3. Gawin ito sa loob ng 21 araw. Ang isang kilong hormone ay makapagpapakain ng
6,000 na
semilyang isda.
Ang porsiyenton ng isdang nagbabago ang kasarian kapag pinakain ng hormone na
ito ay mga
95-99%.
Pagkalipas ng sampung (10) araw, hindi na mapag-iiba ang kasarian ng mga isda
kahit pakainin
ng hormone.
Ang karunungang ito at natuklasan ni Dr. Rafael Guerrero ng Central Luzon State
University
noon pang 1977, na ibinase sa kanyang tesis sa pagkadoktorato niya sa Auburn
University. Hindi
niya ipinagdamot ang karunungang ito bagkus ibinigay niya sa taong bayan, sa
ngayon ay
pinakikinabangan. Nagbigay ito sa kanya ng karangalang "TOYM" Award at ng S & T
IBM Award
noong 1987.
Amoy Lupa sa Tilapia
Mula Marso hanggang Agosto, karaniwan na ang tilapiang huli sa tabang ay may
lasang parang
lupa o may amoy lupa. Napag-alaman sa mga pagsisiyasat sa UP Los Banos at gayon
din sa
SEAFDEC, Iloilo, na ang dahilan nito ay isang uri ng halaman sa tubig na
kinakain ng mga isdang
ito. Ang nasabing halaman ay yumayabong sa mga panahong ito.
Maaalis ang masamang lasang lupa kung ibababad ang tilapia sa purong lambanog sa
loob ng
kahit isang oras bago ito iluto.
Sa SEAFDEC, inilalagay muna ang alagang tilapia sa isang tanke kung saan sila
hindi
pakakainin nang mga anim (6) na oras upang malinis ang kanilang tiyan.
Pagkatapos, ililipat sila
sa iba namang tangke nang mga talong (3) araw, at palit nang palit ang tubig
hanggang mawala
ang lasang lupa. Tumatagal ito nang mga isa hanggang dalawang linggo.
Mga Halamang Panlaban sa mga Kalabang Isda
Upang maalis ang mga isdang hindi kanais-nais, tulad ng mga isdang kumakain o
lumalaban sa
mga isdang sadyang inaalagaan, may mga halamang panlason na katumbas din ng mga
komersyal na toxicant at hindi delikadosa tao.
1. Tubli - isang bagin
· pulbusin ang mga 5 kilong ugat nito at ihalo sa tubig.
2. Makasla - isang palumpon (mababang halaman) na may bunga (croton seed)
· Ang 5 kilong pulbos nito at isasabog sa isang ektaryang palaisdaan na mga 10
cm ang
lalim kung tabang.
Mga 10 kilong pinulbos nito ang kailangan kung sa alat.
· Ilagay sa tubig kapag mainit ang araw (tanghali). Pagkatapos ng 24 oras,
maaari nang
lagyan uli ng ginagamit na tubig ng pinalalaking isda, pagkalagay ng dating
lalim ng
tubig.
Magpataba ng Alimango
Ang alimango, lalo na ang babaeng may aligi, ay pagkaing espesdyal. Sa kanilang
likas na
tinutubuan, nabubuhay sila sa tubig na pinagsasalubungan ng tubig alat at tubig
tabang.
Gabi kung mahuli ang alimango sapagkat nagtatago sila sa putik kung araw, sa
ilalim ng tubig.
Lalabas lang sila sa gabi upang humanap ng pagkain. Nabubuhay sila sa suso,
tahong at mga
uod at ibang alimango. Hindi nila kayang manghuli ng mga isdang mabibilis
lumalangoy. Sa
kanilang paghahanap ng pagkain, nakalalayo sila ng mga 500 metro mula sa
kanilang mga
lungga, ngunit hindi pa rin ito nakatataba sa kanila.
Kaya, kailangan silang patabain kung ang mga ito'y ipagbibili. Ang isang
alimango na hindi pa
pinataba ay tumitimbang ng mga 175 gramo. Sa kasalukuyan, hindi pa
nakapag-aalaga nang
malawakan o komersyal ng alimango sapagkat ang mga ito ay nabubuhay sa tubig
dagat at
tabang.
Ang alimango ay lumalaki at nangangasawa sa tubig tabang na putik ang ilalim.
Nagiging husto
ang gulang ng babae sa loob ng anim (6) na buwan. Ang lalaking alimango ay
nangangayayat sa
paghihintay na magpalit ng talukap ang babae bago ito asawahin. Nagpapalit ng
talukap ang
babae nang 12 beses sa isang taon.
Ang pangingitlog ay nagaganap sa tabang, ngunit napipisa ang itlog sa kailaliman
ng dagat (kung
saan ang alat at init ay akma para mabuhay ang maliliit na supling) mga 300
metro ang lalim. Ang
mga ito ay limang beses nagpapalit ng talukap a dagat bago sila bumalik sa tubig
tabang kung
saan sila lalaki. Sa normal na kondesyon, mga 75-95% ng mga itlog ng alimango
ang napipisa.
Kaya, nananatiling marami sila kahit kinakain ng mga kalaban sa dagat ang mga
maliliit nito.
Kulungan sa Pagpapataba ng Alimango
1. Gumawa ng kulungang kawayan na may sukat 27" x 54" x 9" na may 18 kahon sa
loob, na ang
bawat isa ay pagpapalakihan ng isang alimango, mga 175-200 gramo ang laki.
Lagyan ng butas
sa ibabaw na suotan ng pagkain.
2. Magtusok ng apat (4) na posteng kawayan, mga 1-2 metro ang lalim sa dagat sa
malapit sa
pampang, na pagtatalian ng kulungan.
3. Itali dito ng mahabang lubid ang kulungan na siyang hihilahin ng mag-aalaga
kapag
magpapakain ng alimango.
4. Ang pagpapakain ay dalawang beses maghapon - minsan sa umaga at minsan sa
dapit hapon
- mga laman ng tahong, hipon o kinudkod naaa hiyog. Ihulog ang pagkain sa butas ng
kulungan.
5. Ang dami ng mga 5% ng bigat ng alimangong pinakakain. (halimbawa: kung 175
gramo = 9
gramong pagkain, ibibigay ang kalahati sa umaga, kalahati sa hapon.
6. Ang pagpapataba ay mga 10-15 araw.
Sa panay, ang mga mangingisda ay gumagawa ng bahay sa kanilang likod bahay o sa
may
baybay ng dagat.
Binabakuran itol ng kawayan upang hindi makatakas ang babaeng alimango kung
gabi.
Patagalin ang Buhay ng Sugpo
1. Magbilad sa araw maghapon ng kusot (ng puting lauan).
2. Ilagay ito sa mga supot na plastik at itago sa refrigerator hanggang ang
lamig ng kusot ay
maging 15 C.
3. Ilagay naman ang sugpo sa palanggana ng tubig dagat; dagdagan unti-unti ng
yelo hanggang
maging 18 C ang lamig nito.
4. Alisin sa tubig ang sugpo at ilagay sa kusot, at isalansan sa karton (kahon)
na ang tabi ay ligid
ng styrofoam.
5. Maglagay ng mga 300 gramong dinurog na yelo sa plastik na supot; selyohan ito
at ipatong sa
kusot.
6. Sarahan ang kahon ng masking tape.
7. Kinabukasan, hugasan ng may yelong tubig dagat ang sugpo.
Isang hapon na experto sa sugpo mula sa Southeast Asian Fisheries and
Development Center
(SEAFDEC) sa Iloilo ang nagsagawa ng pagsubok na ito upang mapatagal ang buhay
ng sugpo
kahit ito'y naka empake.
Nang binuksan ang kahon kinabukasan, buhay pa ang 9% na mga sugpo. Nang inilagay
sa tubig
ang mga buhay, agad silang lumangoy.
Sugpo na Makulay
Sa japan, ang kulay ng nalutong sugpo ang nagpapasiya ng halaga. Bumabayad ang
mga
Hapon ng kahit 30% na dagdag sa mga lika na kulay ng mga ligay na sugpo. Ang
inaalagaang
sugpo na maputlang asul, kapag niluto ay nagiging maputlang dilaw. Ang ligaw ay
likas na
matingkad na pula kapag niluto.
May propesor sa Marine Science ng Bangkok Chulalongkorn University, si Piamsak
Manasveta,
na nagsisiyasat kung ano ang makapagpapapula sa alagang sugpo kapag ito'y naluto
na hindi
mahal. Natutuhan niya ang isang nagbibigay kulay sa sustansya, ang astaxanthin,
na katulad ng
nagbibigay ng kapulahan sa carrot.
Ang dalawang napagkukunan ngayon ng astaxanthin - ang Hoffman La Roche at ang
Spirulina,
isang halamang dagat na mayroon din ng pampapula na ganito. Naghalo si Piamsak
ng limang
(5) gramong La Roche (na nagkakahalaga lamang 12 cents bawat gramon) na
astaxanthin sa
100 kilong pagkain ng sugpo. Nakita niyang dumagdag nga ang taglay nitong
kapulahan nang
300% sa loob ng isang buwan. Ang mga sugpong pinakain ng astaxanthn ay
nagkakulay ng mag
madilim kaysa sa mga sugpong pinakakain ng regular sa feed. Ang pinakain ng
spirulina ay
umiitim din ngunit hindi gaanong halata ang pagbabago.
Ang Maraming Pakinabang sa Pating
Ang pating ay laganap sas buong kapuluan sa karagatang ang lalim ay mula
600-3,000
talampakn sa mga lugar na maputik ang kailaliman. Kadalansan ay nahuhuli ito sa
silangan at
timog Luzon, Bisaya at timog Minadanaw. Ang buong pating ay silbi katulad ng
sumusunod:
1. Laman - maputing parang gatas ang kulay at walang tinik
· ginagawang hamong, longganisa, tinapa, "steak", "fillet", bolang isda.
· tinutuyo, nilalata, tinitinapa
· ginagawang pagkain ng manok at baboy
Ang tapang pating ay tumatagal ng 11-12 na araw; tinapang laman - 2 araw;
tinapang longganisa
- 2-3 na araw; tosinong pating - 8-araw.
Buto at lamang loob - pagkain ng hayop at abono sa lupa
3. Ngipin - palamuti
4. Palikpik - ginagawang "sopas" na nigo
5. Balat - lahat ng gamit sa karaniwang balat
· linoleum (sa sahig)
6. Atay - mayaman sa langis at Bitamina A
· gamit sa paggawa ng pomada, pampahid sa mukha, langis sa buhok, pabango
· langis sa relo at maseselan na makina
Pakinabang sa Iba Pang Lamang-Dagat
I: Balatan: Pagkain at Gamot
Ang balatan (o panit, trepang) ay maliliit na hayopsa dagat na mas kilalang
iluto ng mga Intsik.
Kung tuyo, ito'y makunat kaya matagal pakuluan.
Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ng UP ang mga 30 uri ng balatan na nabubuhay
sa
karagatan ng San Fernando, La Union at Calatagan, Batangas.
May mga pag-aaral din sa ibang bansa tungkol dito na nagsasabi na ang balatan ay
gamot sa
iba't ibang uri ng sakit tulad ng kanser at tumor, amag sa sanhi ng sakit,
rayuma at paiba-ibang
tibok ng puso, sakit sa lalamunan at iba pa.
Pakinabang sa Iba Pang Lamang-Dagat
I: Balatan: Pagkain at Gamot
Ang balatan (o panit, trepang) ay maliliit na hayopsa dagat na mas kilalang
iluto ng mga Intsik.
Kung tuyo, ito'y makunat kaya matagal pakuluan.
Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ng UP ang mga 30 uri ng balatan na nabubuhay
sa
karagatan ng San Fernando, La Union at Calatagan, Batangas.
May mga pag-aaral din sa ibang bansa tungkol dito na nagsasabi na ang balatan ay
gamot sa
iba't ibang uri ng sakit tulad ng kanser at tumor, amag sa sanhi ng sakit,
rayuma at paiba-ibang
tibok ng puso, sakit sa lalamunan at iba pa.
S & T Media Service
September 13, 1990
B: Buto ng Pusit: Gamot sa Sugat
Napag-alaman ng mga mananaliksik sa Mountain State Agricultural College sa
benguet, na ang
buto ng pusit ay mabuting gamot sa sugat ng aso. Madaling gumaling ang sugat ng
mga tutua na
binudburan ng pinulbos na buto ng pusit.
Ang bisa nito na magpagaling ay sanhi ng taglay nitong apog, calcium at alat.
Ang tatlong
sangkap na ito ay kailangan sa mabilis na paghihilom ng sugat.