Ibinalik ng Viva
Films ang tambalan nina Christopher de Leon at Regine Velasquez via
Pangarap Kong Ibigin Ka na first directorial job ni Louie Ignacio. Sabi
ni Boyet, mas masaya ang bago nilang pelikula ni Regine kesa remake ng
Wanted Perfect Mother na kanilang ginawa seven years ago.
"Nakakatuwa si Regine, mas matindi ang
creativity niya ngayon. Lagi siyang may idinadagdag to enhance the scene
and she knows her audience. Light comedy ito at medyo nahirapan akong
mag-adjust, pero si Regine, all out sa comedy. Minsan, pinapanood ko na
lang siya," kuwento ni Boyet.
Bumilib din si Boyet kay direk Louie na kahit
first time magdidirek ng pelikula'y kinakitaan niya ng galing. Napanood
ni Boyet ang mga music video na dinirek ni Louie at highly recommended
din ito ni Regine.
Isang IT specialist si Boyet at si Regine ay
owner ng isang coffee at antique shop. Isang ikinagusto ni Boyet sa
kanyang role ay kakanta siya at na-i-record na niya ang Can't Take My
Eyes Off You na kakantahin niya towards the ending of the movie kung
saan may cameo role sila Jaya, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto at ibang
taga-S.O.P.. Malapit nang matapos ang shooting ng movie at maipapalabas
ito sa May 7.
Source: Journal,
Feb. 5, 2003